(𝐏𝐚𝐫𝐭 𝐟𝐨𝐮𝐫)
After ayusin ni Lee ang kalagayan ni Joy ay binalikan siya nito sa opisina ni Mr. Johnson.Nakasuot muli rito ang uniform na hinubad kanina para ipagamit sa babaeng nawala sa sarili.
Isinama siya nito sa kanyang magiging classroom.
Si Lee ang kanyang magiging adviser at the same time, guardian.
Habang papunta sa silid ay inoorient siya nito.
Nagkunwari lang siyang nakikinig.
Hindi siya intresado.
"Sa Hope Academy, nahahati ang sections depende sa kaso ng isang estudyante." Panimula nito.
"May section na para sa mga inabusong kabataan. May section para sa mga nalulong sa droga.May section para sa mga nakapatay pero dahil minor ay wala pang sentensya. Kadalasan galing na sila sa DSWD. May section para sa mga rebelde at juvenile delinquent.May section para sa mga may tililing sa ulo or yung mga traumatized dahil sa mga pinagdaanang problema sa buhay." Patuloy nito.
"Bawat section ay may maximum na tatlumpung mag-aaral lamang.Bawat section ay magkakahiwalay ng building. Teachers ang lumilipat ng classroom. " saad nito.
"Ang bawat building ay may tatlong silid lamang. Ang isang silid ay dorm ng mga babae. Ang isang silid ay dorm ng mga lalaki. Nakapagitan sa dalawang dorms na ito ang ikatlong silid na nagsisilbing classroom ng mga mag-aaral." Dugtong ni Lee.
"Ang bawat dorm ng lalaki at babae ay binabantayan ng isang housemother at isang housefather. Ang mga ito ang siyang nangangalaga sa pangangailangan ng mga mag-aaral." paliwanag ng guro.
"Ang bawat dorm ay may mga steel double deck na higaan ng mga estudyante. May mga cabinets din na nakalaan para sa kanila. Mayroong shower room at comfort room. Mayroon itong malaking dining area kung saan sabay-sabay na kumakain ang mga mag-aaral. Airconditioned ang mga silid tulugan. Bawal ang TV at mga gadgets sa Hope Academy. " patuloy nito.
"5pm ang tapos ng klase sa hapon. After ng klase pwede kang dumaan sa library para gumawa ng assignments o kaya naman ay makipagkwentuhan sa mga kamag-anak o kapamilya na dumadalaw sa inyo.
May isang area sa Hope Academy kung saan pwedeng tumanggap ng mga bisita ang mga mag-aaral." Paliwanag ni Lee."By 6pm, dapat nasa loob na ng dormitoryo. Magtsetsek ng attendance ang housefather/housemother para siguruhin na kumpleto ang kanyang mga binabantayang estudyante. Magbibihis ng pambahay na damit bago kumain." Dugtong pa nito.
"6:30pm ay kakain nang sabay-sabay. After kumain, may nakaschedule ng paghuhugas ng pinggan sa ilalim ng supervision ng housemother o ng housefather." Patuloy na pag-oorient ng guro.
"7:30 pm kailangang nasa higaan na ang mga mag-aaral." Dagdag nito.
"The next day, 6am dapat ay gising na. Mag-aalmusal nang sabay-sabay ng 6:30am. Maliligo at magbibihis ng pamasok sa eskwela. Ganap na 8am kailangan ay nasa First Period ka na ng iyong klase. Bawal ma-late." Muling saad ng guro.
"Pero hindi mo mararanasan ang mga iyon dahil sa akin ka titira. Wala na kasing bakante sa male dorm dahil kalagitnaan ka na ng school year lumipat dito." saad ni Lee.
"8am to 12noon ang Morning Session.
Then lunch time ng lahat ng mag-aaral sa malaking school canteen." Paliwanag nitong muli."1pm to 5pm naman ang Afternoon Session."saad nito.
"Ang mga subjects ay more on Values Reformation. Para maituwid ang mga batang naliligaw ng landas.
Mayroon ding Home Economics para maturuan kayong maging productive. May Arts at Music na siyang ginagamit bilang therapy at pangtanggal ng stress ng mga estudyante. Mayroong Sports para mabaling ang atensyon ng mga bata sa physical activities at tuluyang makalimot ang mga mag-aaral na nalulong sa droga. Mayroong subject para sa Physical, Emotional at Mental Health. Higit sa lahat, mayroon ding Religion para tumibay ang pananampalataya sa Diyos." Mahabang paliwanag nito.