Part 8 (Special dedication to Clyde Cover Jerome Arthur Pascual)

209 1 0
                                    

Part 8 (Special dedication to Clyde Cover Jerome Arthur Pascual)

Mga unang araw ng Setyembre nang ipatapon siya ng ama sa Hope Academy. Ngayon ay buwan na ng Disyembre. Isang linggo na lamang at magbabakasyon na ang mga mag-aaral sa Hope Academy.

Marami nang nagbago sa kanya.

Sa pisikal na aspeto, sa paraan ng pag-iisip at maging sa kanyang damdamin.

Wala na ang bakas ng miserable at loser na Jeremy.

Wala na rin ang mahaba niyang buhok. Bumagay sa kanya ang kanyang bagong hairstyle.

Lumitaw ang kagwapuhang pinick-up ni Tito Mark, pinagnasaan ni Tita Maxine, iginalang at iningatan ni Tita Georgette at kinabaliwan noon ng kanyang baklang Science Teacher.

Hind niya makalimutan ang pagkatulala ni Lee nang makita siya matapos magpagupit. Hindi siya nakilala nito.

"Napakagwapo mo naman pala talaga!" Tanging nasambit nito na ikinahalakhak niya.

Ang sariwang hangin sa Quezon, ang masasarap at masusustansyang pagkain na inihahanda ni Lee para sa kanya, ang regular niyang pagbabasketball kasama ni Mr. Johnson at pagtatanim sa gulayan ng Hope Academy ang nagpabalik sa dating porma ng kanyang katawan.

Lumaki at nagkalaman ang kanyang dibdib. Gumanda ang hubog ng kanyang mga braso. Na-emphasize ang kanyang abs. Nadevelop ang kanyang mga legs at biyas na naging mas lalaking-lalaki tignan.

Ang muscles niya sa kanyang "behind" ay nagkalaman din at naging firm. Kaya naman napakagandang tignan sa kanya kapag nagsusuot siya ng faded maong.

Wala na ang humpak sa kanyang pisngi. Wala na rin ang kanyang maiitim na eye bags. Natira na lamang ang mga maninipis na peklat sa itaas ng kanyang kilay at kaliwang pisngi na lalong nagpadagdag sa kanyang dangerous animalistic appeal. Imbes na makabawas, nakadagdag pa ang mga iyon sa karakter ng kanyang gwapong mukha.

Gumanda ang kulay ng balat niya. Hindi na siya putlain. Bumagay ang pagiging moreno sa kanya.

Bukod kasi sa pagbabasketball, pagtatanim ng gulay, lagi siyang nagbababad sa dagat tuwing araw ng linggo kasama si Lee. Nabilad sa araw ang kanyang mapusyaw na skin tone hanggang nadevelop ang pino at pantay na kayumangging kaligatan na kutis.

Higit din siyang tumangkad ngayon dahil sa araw-araw na pag-inom ng gatas ng kalabaw idagdag pang malapit na siyang magdisisiete anyos. Nagsisimula nang magbinata ang kanyang katawan.

Maayos na rin ang pakikitungo niya sa lahat.

Sikat na sikat siya sa buong Hope Academy. Partikular na sa mga kababaihan. Pero wala siyang interes manligaw. Kahit kay Joy na inaakala ng lahat na girlfriend niya ay magkaibigan lamang ang turingan nila.

They were bestfriends.

Pagkatapos ng pamamahiya ni Lee sa kanya at pag-iyak niya sa likod ng paaralan noong unang araw niya sa Academy, naging maganda na ang tingin niya mundo.

Mas responsable na siya  ngayon. Marami siyang natutunan kay mula kay Lee.

Siya na ang nagluluto ng almusal. Pero si Lee pa rin tuwing dinner.

Siya na rin ang palaging naghuhugas ng pinagkainan. Ayaw niyang maging pabigat o pasanin sa guro.

Siya na ang madalas naglilinis ng motorsiklo ni Lee. Siya na rin kasi ang nagmamaneho nito. Ang guro na ang nasa likod at yumayakap sa beywang niya pag angkas niya ito.

Pati ang paglalaba ng mga damit at pamamalantsa ay matiyagang itinuro sa kanya ng guro.

Magkatuwang silang naglilinis ng bahay tuwing linggo na madalas nauuwi sa harutan at habulan na umaabot hanggang sa dalampasigan. Pagkatapos ay maliligo silang parang mga bata.

𝐀𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐝𝐛𝐨𝐲 𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐞𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐫Where stories live. Discover now