(𝐩𝐚𝐫𝐭 𝐧𝐢𝐧𝐞)
Pagdating sa bahay, napansin ni Lee na malungkot siya.
"Bakit ang haba ng nguso mo? Kanina lang ang saya mo. Nasaan na ang mga ngiting nagpakilig sa mga girls ng Hope Academy kanina?" Birong-tanong nito.
"Siya nga pala, ito yung premyo natin." Inabot sa kanya ni Lee ang sobreng may lamang cash prize.
Hindi niya iyon tinanggap.
Nagtatanong ang mga mata ni Lee. Sinalubong niya ng tingin ang magagandang mga mata nito.
"Hindi man lang kita naisayaw." Nasambit niya.
Biglang natawa ang guro.Nag-iwas ito ng tingin.
"Trip mo na naman ako, Jeremy. Akala ko ba okay na tayo." Nakangiting tanong nito sa kanya.
Iniisip siguro nitong ginugood time niya ito.
"Sige na. Sayaw tayo." Agad niyang nilapitan ang component sa sala at nagsalang ng cd.
Tumugtog ang "A Thousand Years" ni Christina Perri.
Hindi na nakaiwas si Lee nang hawakan ni Jeremy ang mga kamay niya.
"Okay ka lang ba? Ano ba nangyayari sa 'yo?" Natatawang tanong ng guro sa kanya. Magkahalo ang ngiti at pagtataka sa mukha ni Lee.
"Shhhh." Saway dito ni Jeremy.
Dinala ng binatilyo ang mga kamay niya sa likod ng beywang nito. Ganun din, inilagay rin ni Jeremy ang dalawang kamay sa likuran ng beywang niya.
Then he slowly moved. Sinabayan ang marahang beat ng tugtog.
The young man's eyes were closed.
Tumatama sa mukha niya ang mabango at mainit na hininga nito.
He stared at Jeremy's face. Pinagsawa niya ang mga mata sa pagtitig na napakagwapong mukhang iyon.
Malayo na ang hitsura nito kaysa una niyang makita.
Though hindi naman pangit si Jeremy when he first saw him.
But now, after several months in San Simon, bumalik ang tunay na hitsura nitong napabayaan ng mga nakaraang panahon.
The young man is oozing with tons of sex appeal.
Dumako ang tingin niya sa mga labi ng binatilyo. It was slightly open.
His lips were sexy. Yung tila ba laging nanghihingi ng halik.
Nakita niya ang paggalaw ng lalamunan ni Jeremy. His adam's apple suits his thick neck.
Ramdam niya ang katawan ng binatilyo. Nagmistula siyang isang tuyong kahoy na nadadarang sa apoy.
Ipinilig niya ang ulo. This can't be! Sita niya sa sarili.
He was his teacher for God's sake!
He tried to go away. Pero naramdaman niyang mas lalong hinigpitan ni Jeremy ang pagkakayakap sa kanya.
Hindi siya halos makagalaw.
Para silang mga tanga habang magkayakap na sumasayaw. Mabagal na umiikot sa iisang lugar kung saan sila kapwa nakatayo. Iginigiya siya nito upang makasabay sa ritmo ng sayaw.
Ano ba itong ginagawa ni Jeremy? Ginugulo nito ang isip at damdamin niya!
Bilang guro sa Hope Academy na nasanay sa mga estudyanteng may iba't ibang uri ng pinagdadaanan sa buhay, normal na sa kanyang makasalamuha ang mga estudyanteng kagaya ng kasayaw na pabago-bago ang mood.