Anecdotes of Jeremy Sy #3.2
Ibinigay niya sa grupo ng mga lasinggero ang Jack Daniels na ninakaw niya sa wine bar ng ama.
Tuwang-tuwa sa kanya ang mga sunog-baga. First time daw masasayaran ng ganoong kamahal na alak ang mga lalamunan nila.
Niyaya siya ng mga itong umupo at tumoma.
Pinagbigyan niya ang mga tambay na lasenggo.
Nagpabili pa siya ng pulutan.
Kailangan niyang makisama sa mga siga ng looban lalo na at magtatagal siya sa bahay ni Georgette.
Kung hindi pa siya sinundo ng matandang bakla ay hindi pa siya uuwi.
Nagalit ito sa mga lasenggo. Tinawanan lang si Georgette ng mga lasing.
"Buti nga nilasing namin 'yang si totoy, madali mo nang matsutsupa iyan mamaya, walang palag!" Sabi ng isa.
Malakas na nagtawanan ang mga nag-iinuman.
"Gago!" Bulyaw ng bakla sa lalaking lasing.
Sa ikalawang pagkakataon, natulog siyang muli sa bahay ni Georgette.
Umuwi silang susuray-suray siya sa kalasingan.
Gaya noong una, hindi ito nagtangkang gapangin man lang siya.
--------------------
Literal na nalaglag ang mga panga ng mga bakla sa Lolita's nang sunduin niya sa parlor si Georgette.
Alas-otso na iyon ng gabi. Pasara na ang parlor.
Hindi makapaniwala sina Mayla, Lovely, Shane, Britney at Chanel.
Galing siya sa school noon. 1pm to 7pm ang afternoon shift sa pinapasukang paaralan.
Nakasuot pa siya ng uniform. Nasa likod ang kanyang back pack. Napakagwapo niyang school boy.
Ilang araw na siyang hindi umaabsent dahil ilang araw na rin siyang kay Georgette umuuwi.
In short live-in na sila.
"Babe, tara na. Uwi na tayo. Gutom na ko." Nakangiti siya sa matandang bakla. Nakasandal siya sa hamba ng pinto ng parlor.
"Wait lang babe. Kunin ko lang ang bag ko." Nakangiting sagot ng bakla sa kanya. Dinampot sa isang tabi ang iniregalo niyang shoulder bag.
"Una na kami ng girlfriend ko mga beks. Ipagluluto pa kasi ako nito eh" Paalam niya sa mga bakla bago inakbayan si Georgette. Pinisil ang pwet ng bakla na agad siyang hinampas sa balikat.
Ikinawit din naman ng matandang bakla ang isang braso nito sa likod niya pagkatapos.
Naiwang nakanganga ang grupo ng mga parlorista.
--------------
"Seryoso ka ba kay Georgette? Tang ina naman Jeremy, lakas mo magtrip!" Sabi ni Karlo.
Nasa isang private resort sila sa Pansol, Laguna.
Araw iyon ng Sabado.
Birthday ni Chanel. Kasama nito ang bagong boyfriend. Matandang Hapones. Mapera at galante. Sinagot nito ang gastos sa lakad nilang iyon.
Isinama rin ni Britney ang bago nitong boyfriend na isang model sa isang all men entertainment bar. Pero di nila gusto ang ugali dahil may kayabangan.
Nasa swimming pool ang mga bakla, ang matandang hapones at ang syota ni Britney. Nagkakasayahan ang mga ito roon.
Nagkukwentuhan naman silang mababariada habang umiinom ng imported na alak at humihithit ng kush. Nasa ilalim sila ng isang beach umbrella habang tamang soundtrip sa tugtog ng maliit na portable speaker.