(𝐩𝐚𝐫𝐭 𝐭𝐞𝐧)
𝐃𝐞𝐜𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 22
Napasugod si Lee sa kwarto ni Jeremy. Mabilis na binuksan ang pintuan ng silid nito. Narinig kasi niya ang malakas na sigaw ng binatilyo.
Naabutan niyang umiiyak ito sa ibabaw ng kama. Nakahawak ito sa ulo. Tila nagising sa isang masamang panaginip.
"Ano'ng nangyari?" Tanong niya rito.
Bigla siyang niyakap ni Jeremy. Nabigla siya ngunit niyakap rin at pinakalma ang binatilyo.
Dama niya ang panginginig ng katawan nito.
Naririnig din niya ang mga impit na hikbing pinakakawalan ni Jeremy dahil sa takot.
"Tahan na. Panaginip lang iyon." Bulong niya rito.
Matagal niya itong niyakap. Ipinadama na naroon siya at wala itong dapat ipangamba.
Hanggang sa iniangat niya ang mukha ng binatilyo.
Pinunasan ang mga luha nito sa pisngi.
Nakatitig sa kanya si Jeremy.
Hinanap nito ang mga mata niya.
Hanggang sa parang hinigop ng batubalani ang kanyang buong pagkatao.
Suddenly there is magic.
Unti-unting inilapit ni Jeremy ang mukha nito sa mukha niya.
Alam niya, hahalikan siya nito.
Dahan-dahan, naglapit ang kanilang mga labi. Ngunit hindi pa man naglalapat ang mga ito ay itinulak na niya ang binatilyo.
No! Sigaw ng isip niya.
Inilayo niya kaagad ang mukha rito.
Daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig.
Para siyang nahimasmasan.
Nagulat si Jeremy sa ginawa niya. May bumakas na pagkalito sa mukha nito at pagkapahiya dahil sa nangyari.
Nagtatanong ang mga mata nito.
Bago pa man muling maakit ng mga titig na iyon ay nagpasya na siyang iwanan ito.
Tumayo siya mula sa kama ni Jeremy at mabilis na lumabas ng silid.
-------------------------
Mula nang maganap ang tangkang paghalik ng gwapong binatilyo sa kanya ay tila nagkaroon na ng pader sa kanilang pagitan.
Nagmistula silang estranghero sa isa't isa.
Walang nagtangkang magbukas ng usapan tungkol sa nangyaring muntikang pagkalimot.
Iniiwasan nila ang isa't isa.
Nararamdaman niyang nagtatampo sa kanya ang binatilyo.
Naiinis siguro si Jeremy sa pagiging patweetums niya.
Tinalo pa niya ang isang virgin na dalaga sa inasal noong nakaraang gabi.
Ang arte-arte niya!
Lumapit na ang palay pero di pa niya tinuka!
Pero mas hahayaan na lang niya na maging ganoon iyon.
Kesa masira ang tiwala nito sa kanya at mawala ang respeto sa kanyang sarili.
Guro at guardian siya nito.
Sa batas, bawal magkaroon ng kahit na anong uri ng ugnayan ang guro at mag-aaral.