(𝐏𝐚𝐫𝐭 𝐞𝐥𝐞𝐯𝐞𝐧)
Kinabukasan, sakay na sila ng bus patungong Maynila, masayang-masaya si Jeremy. Pagkatapos magnoche buena ay hindi na yata ito natulog sa sobrang excitement.
Tuwang-tuwa rin ito sa iniregalo niyang life size teddy bear na pinangalanan nitong "Mosh".
May makakatabi na raw ito sa pagtulog. Hindi na raw ito muling babangungutin.
Tulog si Jeremy. Nakasandig ito sa balikat niya. Hawak nito ang kamay niya.
Hinahayaan lang niya ang binatilyo sa mga ikinikilos nitong ganun. Basta ang mahalaga ay kontrolado na niya ang sarili. Alam na niya kung paano pakitutunguhan si Jeremy. Matapos niyang malaman ang lahat ukol sa binatilyo, mas nagkaroon siya ng solidong batayan para unawain ito.
Napangiti siya nang makita sa braso ang isang bracelet na gawa sa maliliit na kabibe.
"Pasensya ka na, Lee. Wala akong pera pambili ng regalo. Pero ginawa ko talaga yan para sa iyo. Ikaw lang ang may ganyan sa buong San Simon. Limited edition." Sabi nito. Naalala nya kung gaano kalakas ang tawa niya kagabi.
Namulot ito dalampasigan ang mga munting kabibe saka tinuhog gamit ang nylon cord saka nilagyan ng lock.
Naaappreciate niya ang effort nito para mapasaya siya.
Inamoy-amoy niya ang buhok ni Jeremy.
Hinigpitan kapit sa mga palad nito.
Isinandig ang ulo sa ulo ng binatilyo hanggang sa naramdaman niyang hinila na rin siya ng antok.
--------------------
"Gusto kong makita ang apo ko, Jerry." Iyon ang sabi ni Justiniana Araneta sa anak. Sa edad na 80 ay malakas pa rin ito. Pustura ang ayos. Kulay pula ang tininang buhok. Mukha itong lehitimong donya sa mga lumang pelikula ng Sampaguita Pictures.
"Ma, hayaan mo muna si Jeremy sa San Simon. Maayos naman ang kalagayan niya doon." Hinigop ni Jeremias ang mainit na kape sa tasa nito.
"Ilang buwan na ba roon si Jeremy, anak?" Tanong naman ni Jeremindo Sy. Ama ni Jerry at lolo ni Jeremy.
"Apat na buwan na, Pa." sagot ni Jerry.
Nasa pool side sila ng mansyon. Katatapos lang nilang kumain ng agahan.
Dumating ang mga magulang mula sa Nashville,USA kagabi.
Pareho nang US Citizens ang mga ito. Both were on their 80's. Still strong and kicking.
Eksaktong Noche Buena nakarating ang mga magulang sa bahay.
"Umuwi kami rito para makapiling kayong mag-ama. Hindi namin inaasahang ikaw lamang ang madaratnan namin dito. You did not inform us. Itinapon mong parang hayup ang anak mo." Tugon ng lola ni Jeremy. May hinampo sa tinig nito.
"I never asked you to come here, Mama. You should've stayed in Nashville." Sagot dito ni Jerry.
"Hindi ko gusto ang tabas ng bibig mo, Jerry." Banta ng ina nito.
"Ma, Jeremy is not a kid anymore. Hindi siya pwedeng lumaki na parang isang barbaro. You don't have any idea kung paano siya nagmisbehave after Maggie's death! Imagine? He's just nearly thirteen when he fucked his classmate's mom! Nahuli pa sila mismo ng asawa ng babae! In the act! Kahiya-hiya! And this year, alam nyo ba ang ginawa niyang kabulastugan? Nakipaglive in lang naman ang apo mo sa isang matandang bakla! He's just sixteen, Mama! The gay is in his 60's! That stupid pedophile! I should've sent him in jail! Pasalamat siya at alam kong pakana lahat ni Jeremy iyon para galitin ako! Sinagad na ko ng gagong iyon, Mama. I was even hospitalized for a week because of that incident! Kaya please. Don't act na parang ako lang ang masama sa tahanang ito." Galit na salaysay ni Jerry sa mga magulang.