𝐀𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐝𝐛𝐨𝐲 𝐀𝐭 𝐀𝐧𝐠 𝐁𝐞𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐫

234 2 0
                                    

(𝐏𝐚𝐫𝐭 𝐬𝐢𝐱)

"Kumapit ka sa akin, Jeremy. Baka mahulog ka." Sigaw ni Lee.

Angkas siya nito sa motorsiklo nito.

Ito pala ang sasakyang gamit ng guro sa pagpasok at pag-uwi sa trabaho.

First time niyang umangkas sa motorsiklo.

Napilitan siyang yumakap sa beywang ni Lee. Nalanghap niya ang mabango at masculine scent nito.

"Dadaan muna tayo sa bayan. Bibilhan kita ng helmet mo para may magamit ka na bukas" Sabi pa nito at bahagyang lumingon.

Siya kasi ang pinagamit pansamantala ni Lee ng helmet nito.

Kaya ang guro niya ang walang suot sa ulo.

Hindi siya nagsalita.

Nag-eenjoy siya sa view ng paligid. Para siyang turista na nakaangkas sa habal-habal.

Unti-unti nang lumulubog ang araw sa kanluran. Naghahalo na ang kulay bughaw at kulay kahel sa alapaap. The sunset was beautiful.

Panoramic ang setting na nakikita niya mula sementadong daan na tinatahak ng motorsiklo ni Lee. Hindi ito ang baku-bakong daan na dinaanan nila kanina sakay ng Pajero.

Nasa ibaba ang kulay pilak na dagat. Nasa gilid naman ng daan ang di mabilang na puno ng niyog. Malamig at presko ang panghapong hangin sa Quezon.

May mangilan-ngilang kabahayan sa gilid ng daan. May mga nanay na nagwawalis at nagsisiga ng mga tuyong dahon sa mga bakuran.

May mga batang paslit na naglalaro ng tumbang preso. Naghahabulan. The smile on their faces were priceless.

May mga matatandang nag-uumpukan sa harap ng maliit na tindahan. Nagkukwentuhan habang may mga ngatang tabako.

May grupo naman ng mga kalalakihan na nagsasaya at nag-iinuman ng tuba.

"Sir Jeric, tagay muna!" narinig pa niyang anyaya ng mga ito kay Lee.

"Sa susunod!" Sagot naman nito. Bumitiw ang isang kamay sa manibela para kawayan ang mga ito.

Kilala pala ang guro sa bayang iyon. Mukhang nirerespeto ito ng mga mamamayan sa bahaging iyon ng probinsya ng San Simon.

Napakasimple ng buhay doon iyon ang napansin niya.

Payapa ang buhay. Tahimik. Hindi kumplikado.

Hindi man niya aminin ay naging panatag ang kalooban niya. Tila siya isang lagalag na ibong nakahanap ng masisilungang pugad.

Paraiso ang lugar na iyon para sa kanya.

Malayo sa magulo at masalimuot niyang buhay sa siyudad.

---------------

Narating nila ang kapitolyo ng San Simon. Progresibo ito.

Naroon mabibili ang mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.

May mga grocery store, may barbershop, computer shop, may mga kainan at iba pang mga tindahan.

Naroon din ang wet at dry market.

Napakaraming gulay at prutas.

Tinungo nila ang tindahan ng mga helmet sa tabi ng isang motorcycle shop.

Ipinarada ni Lee ang black Yamaha Mio i 125s nito sa harap ng tindahan. Nauna siyang bumaba.

"Halika na." Yaya nito sa kanya matapos ilock ang sasakyan.

𝐀𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐝𝐛𝐨𝐲 𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐞𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐫Where stories live. Discover now