I really don't know and I can't fully explain how I felt. Nagising ako ng mahimbing ang tulog ni Raegan.
Madaling araw na at papatirik na ang araw. Nagmamadali akong umalis. Pero dahan dahan kong binuksan ang pinto.
Nagulat ako ng makita ko si Kulot na kakalabas lang din sa isang kwarto.
"Tanya?!" bulong na sigaw niya.
"WTF?"
Hindi na siguro maipinta ang itsura ko ngayon. Nakita kong naging maputla siya. Wala na akong maisip dahil medyo nahihiya kami sa isa't - isa kaya sabay kaming tumakbo.
Agad kong sinarado ang pinto ng makarating ako sa bahay namin.
"Aga mo palang nagising anak." si Itay.
Hindi ako nagpahalatang nagulat ako. Nasa kusina siya at nagluluto.
"Lumabas ka na ganyan ang sout mo?" napatingin ako sa damit ko at nagmamadali akong pumasok sa maliit kong kwarto at natulog muli. Hindi ko na nagawang kausapin si itay dahil sa wala akong ideya anong sasabihin ko.
Nagising ako sa sinag ng araw. Alas otso na ng umaga. Bumangon ako at naligo. Nag dress lamang ako, ito ang bigay sa akin ni Jago noong birthday ko. Hinayaan ko lang bumagsak ang buhok ko at lumabas na ng bahay. Pagkalabas ko tanging ang tahimik na dagat lang ang makikita mo.
Yumayakap sa akin ang sinag ng araw kasabay ng malakas na hangin. Mga ilang minuto rin akong naka tunganga. Ginutom ako kaya kumain ako sa bahay.
Pagkatapos pumanhik muli ako para maupo sa buhangin. Inayos ko ang aking damit. Hinayaan kong halikan ng buhangin ang aking balat.
Isang taon narin akong hindi nakapag aral. Hindi na ako nakapag college dahil nga sa kakulangan ng pera. Kaya nag iipon ako dahil balak kong tumungong Cebu. Para mag aral.
Minsan kailangan natin labanan ang hirap ng buhay para patuloy mabuhay. Kasi kapag ang taong may pinaninindigang pangarap ay aahon sa kahirapan ng buhay.
Naging makasalanan man ako sa ibang kalalakihan ay nagawa ko paring humanap ng paraan upang magkapera. Minsan nagi-guilty rin ako pero pinipilit kong tiisin dahil aalis rin naman ako rito.
"Hey," napalingon ako sa likod. Tumayo ako ng makitang nandito si Raegan.
"You left me." akala ko nakalimutan niya kaya hindi ako bumalik sa resort. Hindi naman gaanong malayo ang resort nila Kulot. Kaya siguro nahanap niya ako. Tinignan ko lang siya.
"Jago said dito ka nakatira." tinuro niya ang bahay namin. Hindi ko alam bakit ako nakaramdam nang hiya.
"Ahh okay." sabi ko.
He is wearing a white sando na may nakaukit na Cebu. Naka Nike sleepers at khaki short. Gulo gulo ang kanyang blonde hair sa gitna. Doon ko lang nakitang may isang maitim na hikaw pala siya sa kaliwang tenga niya.
"Aalis na kami mamaya." Hindi ako nagulat sa tuwing may mga turista na umuuwi ng wala pang dalawang araw. Pero nanlumo ako ng sabihin niya iyon.
"Ganon ba?"
Tumango siya. "My family." tinuro niya ang kanyang pamilya sa unahan na naliligo na ng dagat. Hindi paman gaano ka laki ang dagat.
"Hindi ako sumama sa kanila dahil hinihintay kita." tinignan niya ako.
"I woke up without you in my arms."
Panginoon! Hindi ko talaga alam kong bakit ganito siya sa akin! Para kaming matagal na magkasama. E wala pangang isang araw nakita at nakilala namin ang isa't - isa!
"Kaya pagbigyan mo ako. Maliligo tayong dagat." naalala ko ang nangyari sa banyo kagabi.
Pumikit ako. "Are you shy about last night?" putek! Bakit pinaalala niya pa.
"It's okay wala naman akong nakita." sabi niya at inakbayan ako. Hindi ako nagulat sa pag akbay niya sa akin kundi nagulat ako dahil nakatingin banda rito ang kanyang pamilya.
Kumaway ang isang lalaki. "That's kuya, iyong kumatok at nangistorbo kahapon. Tsk." napalingo lingo pa siya at kinawayan rin.
"That's my mom and dad. That guy is my bestfriend and other one is my younger sister. Pangalawa ako." pakilala niya sa kanyang sarili't pamilya.
Tumango lang ako. Hinarap niya ako sa kanya. "Bingi ka ba? Hindi ka na ba makakapagsalita?"
Hinampas ko siya. "Gago ka ah?"
He pout. "Stop coursing." at inakbayan muli ako. "I already called your friends na pumunta rito. Para makilala ko sila."
"Kung umasta ka parang boyfriend kita ah? Feeling nito." hinawi ko ang kanyang kamay.
Tumahimik lamang siya habang nakatingin sa dagat.
"Teka, kaibigan mo yon?" turo ko. "Bakit mo iniiwan? Baka nahihiya siya sa family mo?" sabi ko.
"Parati nga yan nakabaluktot sa akin. Actually we were together last night bago kita pinuntahan hindi mo nakita?" umiling ako.
Maya-maya lang ay nandito na sila Kulot.
"Hi!" sigaw mi Gaga.
"Wazzap!" sigaw ni Enton. Tinanguan siya ni Jago.
"Hi Tanya!" sabi ni Inday. Siniko ako ni Kulot ng makarating siya sa gilid.
Busy sila sa paguusap para sa mangyayaring liguan mamaya. Kaya humanap ako ng tyempo kausapin si Kulot.
"Anong katarantaduhan ang ginawa mo ha?" sabi ko. Mas wild ito sa akin eh. Hindi ko alam tumatakbo sa isip nito. Unlike sa akin na parati ako nag she-share ng mga saloubin ko.
"You know." sabi niya lang at nilalaro niya ang kanyang kulot na buhok sa kanyang daliri at tumingin sa dagat.
Kinwento ko sa kanya ang nangyari kagabi medyo nagulat pa siya pero tinawanan niya lang ako dahil para raw kaming tanga kaninang madaling araw. Hindi narin ako magpumilit sa kanya na sabihin ang nangyari sa kanya kagabi dahil nauunawaan ko naman. Isang araw mag she-share rin iyan.
Nasa kalagitnaan kami ng aming pagtatawa ng hilahin ako ni Raegan at inakbayan. Nagulat pa ako dahil sa harapan talaga ng aking mga kaibigan.
Gulat ring mga mata nang lingunin ko si Kulot. Nangungusap ang kanyang mga mata. Hindi ko sinabi sa kanya iyong nangyari sa banyo dahil hindi pa ako handa. Tanging tabi lang kaming natulog ang sinabi ko.
"Let's go?" ngiting sabi sa akin ni Raegan. Hilaw akong ngumiti dahil hindi ako naging komportable sa kanyang pagsabi. Naalala ko ang kagabi.