Chapter 11

1 0 0
                                    

"Oh my G ghOrl! Ingatz ka doon!" si Gaga.

Paalis na ako at hinatid nila ako upang makasakay, dahil tatawid na ako sa dagat. Kinakabahan ako, hindi ko naman first time doon pero iba kasi ito, tutungo ako roon upang mag aral. Kasama ko si itay patungo roon saglit lang siya at uuwi rin.

"Niiyak ako!" sabi ni Enton. "Mag ingat ka doon bro." sabi niya at umaaktong iiyak. Niyakap niya ako.

"Huwag mag ba bar doon." bulong ni Kulot ng bitawan ako ni Enton. "Bigyan mo akong lalaki pag meron kang nakita ah?" sabi niya. Tumawa ako at tumango.

"Susunod ako Tanya." ngiting sabi ni Inday.

"Aasahan ko iyan ha?" tumango siya.

Tinignan ko ang Inay na naiiyak. "Inay huwag ho kayong umiyak. Babalik rin naman ako dito." naiiyak kong sabi. Niyakap ko siya.

Narinig ko ang malakas na singhot ni Enton. Narinig ko ring sinapak siya ni Jago. "Eh kasi eh!" sabi pa niya.

"Anak magi-ingat ka roon ha? May tiwala naman ako sayo. Huwag mo pababayaan sarili mo kumain ka doon huwag papalipas ng gutom. Pag may kailangan ka tumawag ka agad kay Grace." sabi ni Inay. Pinunasan ko ang luha ni inay pagkatapos yakapin. Tumango ako.

"Upo Inay. Makakaasa kayo sa akin. Kayo rin po ingatan niyo rin po sarili niyo dito. Huwag po kayo masiyadong nagpapagod." tumango siya. Hinagod ni Itay ang likod ng inay para tumahan.

"Tahan na Nis. Babalik agad ako hindi ako mambababae roon." tumawa si Itay.

Nilingon ko ang barkada. Agad lumapit si Jago para punasan ang luha ko.

"Shhh, ang pangit talaga pag umiiyak. E text o tawag mo agad ako pag nakarating ka doon. Susunod kami sa'yo." sabi niya at niyakap ako.

"Ngayon nalang ako susunod Jags." si Enton at dumistansya ng umambang susuntukin siya ni Jago.

Tumalikod na kami ni Itay para sumakay na sa roro.

"Ingat bro!" sigaw ni Kulot. Kumaway ako. Nakita ko talagang umiiyak si Enton. Hinagod ni Jago ang likod niya.

Ngumiti ako ng huling beses bago tumalikod na ng tuluyan. Magkikita pa naman kami hindi dapat ako nalulungkot.

Dumating kami sa Danao at agad kaming sumakay sa taxi upang pumuntang Banilad. May bahay rin sila Tito Faith sa Mactan pero sa Banilad sila nakatira.

Luminga-linga ako upang i-enjoy ang paningin sa paligid. Mausok at ang ingay ng mga sasakyan, kahit sa loob naririnig. Ang pag busina ng mga sasakyan at ang humaharurot na mga motor.

Naka high waist jeans lamang ako at fitted na white top. Naka centipede ang buhok ko at hinati ni Kulot ang aking buhok. Inayos ko ito at nilagay sa harap. Naka eyeglasses rin ako habang nasa likod ko ang maliit na bag.

Dala ni Itay ang aking maleta ng bumaba na kami. Nasa Village kami at nandito na sa gate, nag doorbell si itay sa malaking gate nila Tito Faith. Nasa likod niya lang ako at nakayuko.

"Tito Pep?" sabi ng isang lalaki habang tumatakbo at sinisilip si itay. "Tito!" bumukas ang gate at iniluwa nito ang isang matangkad na may blonde na buhok na lalaki. Nanlaki ang mata ko at yumuko muli.

"Kamusta iho?" tanong ni itay.

"Okay na okay po! Pasok ho kayo nandoon si Tito Faith." tumango si itay. "Sino po pala kasama niyo?"

"Si Tanya. Sige iho pasok na ako. Halika na anak."

Lumingon ako at nanlaki ang mata ni Hex.

"Tanya! Kamusta?" Humalakhak siya ng tumingin ako sa kanya. Pumasok na si Itay sa loob.

"Ganda parin." ngising sabi ko. Tumawa ulit siya.

"Wala paring pinagbago! Halika masisiyahan si Fine pag nakita ka niya. Kanina ka pa inaantay."

Napakalaki ng bahay ni Tito Faith ng pumasok ako. Nakita ko agad sa sala ang mga lalaki. Naalala ko si Kulot. Hindi ko sila kilala. Biglang may sumipol. Nakita ko rin si Itay at Tito na naguusap sa unahan malapit sa hagdanan hindi pa niya ako nakita at nagu-usap pa sila ni itay.

"Oh! Mga barkada ko pala." pakilala ni Hex. Nakaupo lamang sila sa sofa habang may mga pagkain sa maliit na lamesa at mga libro.

"Hi!"

"Zup?"

"You want some?" sabi ng isang lalaki habang tinataas ang pagkain. Umiling ako at ngumiti. Ang isang lalaki ay nakapukos lamang sa kanyang libro. Ang isa naman ay nagsusulat at nag 'hi' rin sa akin.

"Hello sa inyo hehe." awkward na sabi ko.

"Pumunta ka sa taas nandoon si Fine. Kung gusto mo punta ka ulit dito. Naga-aral kami." ngiting sabi ni Hex.

"Lakas mag aral ah?"

"Of course." kinindatan niya ako.

"Hex may nag message sa phone mo." agad naman pumunta sa sofa si Hex at kinuha ang phone.

"Iha, Tanya. How are you?" nilingon ko si Tito na umambang yayakapin ako. I smiled.

"I'm fine po tito. Kayo po? Ang gwapo po natin lalo ah?" sabi ko ay niyakap siya.

Tumawa lamang siya at humiwalay sa yakap. "Wala pa si Tita Rai mo dahil na sa trabaho. Ako lang nandito dahil paparito kayo. Umakyat ka muna sa kwarto mo at katabi nito ang kwarto ni Fine. Nandoon siya sa taas. Kanina kapa inaantay. Tatawagin ko lang kayo kapag kakain na." tumango ako sa sinabi ni Tito at nagpaalam.

Pangatlong beses na akong naka punta dito sa bahay nila at alam ko ang kwarto ni Fine. Ngumiti ako habang excited na pumunta sa kwarto niya.

Hindi na ako kumatok at agad na binuksan ang pinto.

Sharp Sand Of The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon