Chapter 9

1 0 0
                                    

"Tanya!" nagsisigaw ang tatlo ng sinundo namin sila. Halos mabasag ang tenga ko sa boses ng dalawang lalaki.

"Kamusta!!!" sabi ni Kulot.

Nagkamustahan kami ng makita ang isa't-isa. Masayang masaya dahil nagkikita-kita na ulit kami. Inakbayan ako ni Enton.

"Musta?" inirapan ko siya. "Montanga ito!" dagdag niya ng walang nakuhang sagot galing sa akin.

Nagplano agad ang barkada na maligo sa dagat. Napagdesisyunan namin na sa hapon na para hindi masiyadong init. Pinayagan naman kami ni Aling Grace dahil may mga trabahante naman siya. May nag sa-sub naman sa amin. Pinapayagan niya kami sa lahat dahil para na raw niya kaming anak. Napakabait niya, at saksi siya sa samahan naming magkakaibigan. Lalo na ang aming pamilya.

Nagdala agad si Jago ng maiinum. Na sa cottage kami ngayon at pareho kaming lahat na basang-basa.

"Cheers!"

"Yeyy!"

"May good news pala kami sa inyo!" sabi ni Gaga matapos uminum ng alak.

"Ano iyon!" maligayang sabi ni Inday.

"Sa Cebu City kami maga-aral!" tumatalong sabi ni Gaga.

"Talaga?! Ako rin!!" si Kulot. Hindi niya paman nasabi na maga-aral siya ng kolehiyo ay in-expect kona iyon. Tumikhim si Inday.

"Congrats!!" maligayang sabi ko. Nakita ko ang pag siko ni Eton kay Gaga. Nginusuan ko si Jago ng tumingin siya sa akin. Tinutoo pala ng gago ang sinabi niya. Kaya nginusuan niya rin ako at napakamot sa ulo.

"Uhm, maligo ulit tayo!" tumakbo si Jago at nag dive ng ilang beses.

"Jags! Ano ba! Baka mapano ka!" sigaw ni Kulot.

"Parang baliw talaga, kala mo ilang araw hindi nagda-dive" sabi ni Gaga.

"Bakit?" si Inday.

"Iniiwan nila ako kapag may usapan ang kanilang barkada na mag outing. Kita ko sa post ng kaibigan nila nag dive ang dalawa." masama ang titig ni Gaga kay Enton.

"Ikaw wala ka talagang kwentang kaibigan." sabi ni Inday at agad kinurot ang tenga ni Enton at kinaladkad. Nagmamaktol pa si Enton habang namimilipit sa sakit.

"Ano? Hindi makontak si Fine?" isang gabi nasa dalampasigan ako sinusubukang kontakin ang isa pang kaibigan. Nilingon ko si Enton sa likod ng magsalita siya.

Tumango ako. "Oo, magdadalawang taon na ng hindi siya nakikita."

"Mismo?"sabi niya. Nakapamulsa siya ng nilingon ko.

"Sobra," huminga ako ng malalim.

"Haha!" plastik niyang tawa. "Pops tayo?" yaya niya.

"Ayoko, wala ka namang maiaambag." inirapan ko siya.

"Ha! Ikaw rin naman ah!" masama ko siyang tinignan. "Ikaw ay umaambag!" dagdag niya.

Madaling araw nagising ako dahil sa tinawag ako ng inay.

"Samahan mo ang itay mo sa dagat anak." sabi niya at umubo.

"Opo inay." hinagod ko ang likod niya. "Nay magpa check kaya kayo?"

"Huwag na, mawawala rin ito." Nalungkot ako sa sinabi niya. Actually noong nakaraang linggo pa iyon. Ilang beses ko siyang pinilit pero ayaw niya.

"Anak," nilingon ko si tatay ng nasa gitna na kami ng dagat.

"Po?"

"Hindi mo ba naisip na magaral sa susunod na pasukan? Ngayong Hunyo?" ngiting sabi niya.

"Naisip po pero huwag na siguro ako mag aral. Magiipon po muna ako."

"Anak, gusto na kitang makitang naga-aral sa isang unibersidad."

"Itay, balang araw po." ngumiti ako.

"Maga-aral ka. Luluwas kang Cebu City." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Itay.

"Po?! Wala pa ho tayong pera itay."

"Nakiusap na ako kay Tito Faith mo, siya magpapa aral sayo." binigyan niya ako ng siguradong ngiti.

Naluluha ako sa sobrang saya. "Talaga po?!" tumango siya.

"Salamat itay!"

Masaya rin ang inay ng binalita ko sa kanya iyon matapos namin pumalaot. Alam na niya pala dahil una siyang sinabihan ng itay.

"Pero nay, nababahala ako. Ayoko kayong ewan dito."

"Naku itong si Tanya, okay nga lang kami ng itay mo. Ang isipin mo mag aral ka ng maayos ng sagayon ay makapagtapos ka. Edi wala kang poproblemahin diba?" umiiyak si inay ng sabihin niya iyon parang pinipiga ang puso ko.

Tumatakbo akong papuntang resort, agad kong binalita sa barkada ang magandang balita. Nagtatalon kami sa saya.

"Napaka gandang balita!" si Jago.

"Saan mo gusto mag-aral kong ganon?" si Enton.

"Omg! Sana classnates tayo!" si Gaga.

"Wala pa akong alam eh. Babalitaan ko lang kayo."

"Maiiwan pala ako nito?" sabi ni Inday. Malungkot namin siyang tinignan.

"Hahanap tayo ng paraan." inakbayan siya ni Enton.

"Ano ba okay lang, at tsaka hindi naman paunahan ang pag-aaral."

Naging malungkot man si Inday dahil maiiwan siya sa Isla pero naging masaya siya dahil makakapag aral na ako.

Sa susunod na linggo ang alis ko. Dahil may aasikasuhin padaw. Sa bahay ni tito Faith ako titira nakakahiya pero lulunukin ko ang pride ko. Hindi naman siguro ako magiging pabigat. Magkaibigan si Itay at tito Faith simula noong nag high school sila. Matalik daw silang magkaibigan dahil doon nag nagtatrabaho ang papa ni itay.

Nasa dalampasigan kami hapon na at magtatago na ang araw. Wala si Inday at Kulot dahil nasa resort. Kaming apat lang nandito. Nakaakbay sa akin si Enton. Habang nakapatong ang ulo ko sa kanya.

"Magiingat ka pagkarating mo doon Tanya." si Jago. Nilingon ko siya.

"Oo na nga eh."

"Huwag kang magba-bar." si Enton. "Hindi mo pa naman kabisado ang lugar doon." dagdag niya.

Sinapak siya ni Gaga. "Aray Gang!"

"Bar agad iniisip nito."

"Nagpaparemind nga lang!" ginulo ni Enton ang buhok ni Gaga.

"Oy ano ba kayo. Ingay niyo naman eh." sabi ko. Pinatong ko nalang ang ulo ko sa balikat ni Jago dahil masiyadong malikot si Enton.

"Mabuti nalang at makapag aral kana. Balitaan mo agad ako kapag nakatapak kana sa Cebu ah?"

Tumango ako. Pagkatapos kiniliti niya ako sa gilid. "Huwag nga Jags!" tumatawa kong sabi.

May tumikhim sa likod namin kaya napalingon agad kami. Nakita ko sa likod niya sila Kulot at Inday.

"Date ba ito? Pasali naman diyan." sabi niya.

Sharp Sand Of The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon