Iniwan kami nila Jago dito sa dalampasigan. Kasama ko ngayon si Raegan. Nakaupo kami at nakayuko lamang ako. Ayoko siyang titigan dahil hindi pa na poproseso sa akin na nandito siya ulit.
Nilalaro ko ang buhangin sa aking mga daliri, kunyaring gumuguhit ako dito.
"Tahimik mo ah." sabi niya. Hindi iyon tanong. Natigil ako sa ginawa ko.
"Ha? Uhm, oo." parang tanga akong palinga linga sa paligid. Nang magtama ang aming mga mata doon lang ako natigil.
Hinawakan niya ang aking kamay. Tinitigan niya ako.
"How are you?"
Sa ilang sandali parang nakalimutan ko na ang mga bagay bagay, hindi ko na alam kung nasaan kami dahil tanging ang kanyang mukha lamang ang aking nakikita. Nanatiling nakatitig lamang ako sa kanya.
"Ha? Okay lang ako." agad kong kinuha ang kamay ko para hindi niya na mahawakan. At dumistansya sa kanya. Pero umusog siya.
Hinila niya muli ito.
"Huwag mo nga ako hawakan!" sigaw ko sa kanya.
"Your hand perfectly fits mine, like they are both made for each other." ngiting niya at tinitigan ang aming kamay. Hinihimas niya ito at hindi binigyang pansin ang sinabi ko.
"Feeling naman nito." sabi ko at pilit binabawi ang kamay pero humigpit pa lalo ang hawak niya.
"Uuwi ako bukas," biglang sabi niya. Napatigil ako at hinayaan ang kamay naming dalawa.
Mapupungay na mga mata ang nakita ko sa kanya. Malungkot siyang napatingin sa akin.
"Edi umuwi ka." sabi ko at tumayo. Hindi niya ako hinila. Kaya dumeretso ako sa paglakad.
Nagtanong pa ang aking mga kaibigan bakit iniwan ko siya, pero wala akong sinabi at nag trabaho na lamang. Nahihiya na ako kay Aling Grace.
Kinabukasan bihis na bihis ako. Hindi ko alam sino pinagbibihisan ko. Naka dress ulit ako. At naka lugay lamang ang buhok. Nagpabango at nag lagay pa ng lip tint.
"Oh? Saan punta mo?" sabi ni Kulot.
"Ha? Wala. Dito lang mag tatrabaho."
Na sa labas siya naka upo sa lamesa. Kumakain kasama si Inday at Jago. Kumunot ang noo ni Jago.
"May pinapagandahan ka ano?" ngiting sabi ni Jago.
"Baliw! Sino naman? Wala no!" depensa ko sa sarili.
"Nge! Ang pangit naman niyan! Flat!" sigaw ni Enton nakararating lang at may dalang pagkain kasama si Gaga.
"Gago ka ah?!" sigaw ko at umambang susuntokin. Tumawa lang siya.
Tinignan ko naman ang aking dibdib. "Gago talaga." bulong ko. At umupo, tumabi ako kay Jago.
"Tawagin mo si Raegan Jags." sabi ni Enton kaya napalingon ako sa kanya. Napakalaking ngisi ang nakita ko sa kanyang mukha nang lumingon ako sa kanya.
"Oyyyy hinahanap ah?" inirapan ko siya. "Umuwi na oy." dagdag niya.
Doon ko lang naalala na uuwi pala siya.
"May sinabi ba?" tanong ko.
"Wala."