Nang marinig mula sa kanya iyon ay hindi na ako nagdalawang isip. I kissed him back. I moved at ngayon siya na ang nakahiga.
"Ow," manghang sabi niya. He grabbed me and pulled me closer. He kissed me again.
"Open," sabi niya kaya hinalikan ko rin siya pabalik.
Naghahalikan lang kami dito at wala na siyang ibang ginawa. Kaya ako na ang gumawa ng paraan. I was about to take off his jacket pero hinawakan niya ang aking kamay.
"Not too fast." sabi niya at hinalikan muli ako. Wala akong magawa at nagpatuloy. Napapikit ako ng gumapang ang kanyang kamay sa aking likod. Taas baba niyang hinahagod. Nakaramdam ako ng init. Kaya sinubukan ko ulit hubarin ang kanyang jacket. Pinigilan niya muli ako. Nakita kong pinagpapawisan siya.
May kumatok kaya napabalikwas kami at napabangon. Agad ko inayos ang sarili at binuksan niya ang pinto.
"Kuya!" sabi niya.
"What took you so long? Labas na tayo!" anyaya ng isang lalaki. Nasa likod niya ako nagtatago.
"Later, I'll just fix my self." sabi niya. Wala na akong narinig at sinarado niya muli ang pinto.
Napatingin ako sa kanya ng kinuha niya ang mga gamit na dinala ko.
"Oh, maglinis ka." sabi niya at hinubad ang jacket saka lumabas na.
"Ha!" napabuga ako ng malakas na hangin habang hawak hawak ang binigay niyang panlinis.
Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko si Enton.
"Oh? Naglinis ka ulit?" tanong niya. Naguusap sila ni Inday. Hindi ko siya pinansin at inabot sa kanya ang walis.
"Badtrip ka?" tanong niya ulit.
"Sino nag serve sa kanila ng pagkain?" tanong ni kulot kaya ni lingon ko siya.
Napangiti ngiti ako ng pawis na pawis ang bruha.
"Si aling Nisa." sabi ni Inday. Tinutukoy ang Inay ko.
"Naglinis ka rin?" tanong ni Enton.
"Sort of?" humagalpak ako ng tawa ng sabihin niya iyon. Ngumisi si Inday at nagtatakang mukha ng tinignan ko si Enton.
"Kulot! Tinawag kayo ni Gaga sabay daw kayo kumain." sigaw ni aling Grace. Iniwan namin si Inday sa counter at sabay kaming tatlo pumunta sa bahay nila Gaga. Gabi na rin.
Napadaan kami sa malaking lamesa sa unahan ng lumabas kami. Nakahanda na doon at handa ng kumain ang mag pamilya.
Inayos ko ang buhok ko. Siniko ako ni Kulot. "May nakatingin saiyo!" bulong niya sa akin.
Binitawan ko ang buhok ko at tumingin sa sinasabi niya.
There, I saw him looking at me. Nakangiti siya. Hindi sila gaanong kalayo sa amin kaya nakikita ko siya.
Tumikhim ako at ngumiti saka ko siya kinawayan. Ngumiti lang siya at binalik sa lamesa ang tingin.
"Ohmy! Ngumiti siya!" inaalog ako ni Kulot.
"Sino?" usisa ni Enton.
That was awkward. Ang feeling close ko talaga. Ng makarating kami sa bahay nila Gaga ay kumain na kami.
"Salamat Gang!" sabi ko ng matapos kumain. Siya lang mag isa dito sa bahay nila. Tuwing summer lang siya pumaparito dahil sa Manila siya naga-aral.
"Sa Pops Bar tayo ah?" sabi niya.
Napalunok ako. Akala ko ba hahanap ako ng paraan?
"Mukhang wala ka ah?" sabi ni Kulot. Tumawa siya.
"Meron ka ba?" irap ko sa kanya.
"Libre ko naman!" si Gaga.
Kaya nangunguna si Enton papuntang Pops dahil excited uminum. Tumatawa kaming pumasok sa loob. Medyo masakit ang disco light dito. Pwede ring uminum sa labas pwede rin sa loob. Depende saan komportable.
Umorder si Gaga kaya naghintay kami sa kanya sa isang lamesa.
"Nag text si Inday na malapit na ang out niya at dito na siya dederetso." tumango kami sa sinabi ni Enton.
"Cheers!" sigaw namin ng may tigi-isang baso kami. Madami ang inorder ni Gaga. Nilagok ko agad ang isang baso ng alak.
May pamilyar na lalaki akong nakitang pumasok. Tumaas ang kilay ko. He is not with his jacket now. Kaya napapatingin ang mga babae dito dahil sa ganda ng kanyang braso. Lumiwanag ang kanyang blonde na buhok ng napupunta sa kanya ang LED lights. Doon ko lang na realise ang kanyang boung mukha.
Sumasayaw si Kulot sa gilid at Gaga. Si Enton busy sa kanyang Cellphone. Nakatayo lang kaming tatlo at ako dito may tinitignan lang. He licked his lips when he saw me.
Napakurap ako at medyo nagulat kaya ngumiti ako at kumaway nalang muli. Sabi ng huwag feeling close eh. Kinurot ko ang aking hita.
Lumapit siya kaya lumapit rin ako. Nakapamulsa siyang ngumingisi at nakatingin sa akin. He then licked his lips. Again.
"Tanya!" Sigaw ni Kulot. Kinindatan ko lang siya.
Inanyaya ko siya sa baso ko. Tinignan niya lang ako at tumingin sa lamesa. Pagkatapos kinuha ang baso ko at nilagok ang alak.
Nilagay niya sa lamesa ang baso pagkatapos hinatak ako palabas.