Nakita kong tumalon si Fine papunta sa kama niya at tinakpan agad ang sarili sa kumot habang dala dala ang cellphone niya.
"Psh. Nakita na kita. Huwag mo akong lokohin!" sabi ko at agad hinila ang kumot. Bumangon siya na tila kakagising lang at humikab pa.
"Tanya? Tanya ghOrl?!" sigaw niya.
"Gago!" sabi ko.
Bigla niya akong niyakap. "I missed you so much." seryosong sabi niya. Niyakap ko rin siya.
"Ako rin." humiwalay ako sa yakap niya.
Nagkwentuhan kami ni Fine dahil halos magtatatlong taon na kaming hindi nagkita. Sinabi niya sa akin na busy daw siya at dito na siya sa Cebu maga-aral. Marami pa siyang sinasabi na hindi ko maintindihan dahil ang bilis niya magsalita at napakadaldal. Tumango tango nalang ako.
Kinwento pa niya sa akin na he is after a girl pero hindi niya sinabi ang pangalan dahil nai-ingganyo ako sa kanyang pagiging madaldal.
"Tapos alam mo bang bakit ako nandito?" sabi pa niya natawa ako.
"Bakit ka natawa?" huminto siya at nagtanong.
"Wala! Oh? Bakit ka nandito sa kwarto mo?"
Tumango siya. "Kasi, pinipilit nila akong mag transfer sa school nila eh ayoko! Gusto nga kitang sunduin sa Danao eh, kaso si Hex mapilit. Alam ko namang magaling ako mag basketball at kailangan nila ako sa groupo nila pero ayoko."
"Bakit naman ayaw mo?"
"Hindi ka ba nakikinig? I am chasing a girl nga!"
Mangha akong napatingin sa kanya. Pero agad ko siyang sinapak.
"Sino nagbigay sakin ng iPhone?" pag iiba ko ng usapan at nilabas ang cellphone ko.
"Ha?," napakamot pa siya sa ulo. "Ako. Hehe."
"Bakit hindi ka nagpakilala? At tsaka bakit mo ako binigyan nito?"
"Unang una, sabi ni Enton bigyan kita nang phone kasi wala ka daw, ako nalang daw yong walang naiambag. Pangalawa nandoon ako sa Camotes dahil nandoon yong babae na sinusundan ko at pangatlo! Kaya ako nag disguise dahil nasa resort siya nila Kulot!" sigaw niya.
"Bakit hindi mo man lang sinabi?! At hoy ikaw, huwag nga kayong ambag ng ambag sa akin dahil okay naman ako kahit walang cellphone! Nagsasayang ka lang ng pera!" sigaw ko pabalik sa kanya.
"Hindi ko sinabi dahil malapit lang siya sa counter! Nagmamadali ako doon dahil kinakabahan ako Tanya! Na pepressure pa ako! At pang last! Hindi na mauulit yon. Namiss talaga kita." agad niya naman akong niyakap.
"Gago talaga." bulong ko.
"Tinawag mo nga akong manong."
"Aba sino bang magaakalang ikaw yon ha? Weirdo kinikilos mo." humiwalay siya sa yakap niya sa akin.
"Teka, nandiyaan paba sila Hex?" tumango ako. Nagmamaktol pa siya dahil hindi siya nilulubayan nang pinsan.
Natulog ako ng mga ilang minuto sa kwarto ni Fine. Hindi pa ako pumasok sa kwarto ko dahil pagod ako sa byahe. Nandoon lang kami sa kwarto niya natutulog habang yakap yakap niya ako.
Mas close ko si Fine sa mga barkada kong lalaki. Komportable narin ako sa kanya. At ganoon din ang magulang namin. Para ko narin siyang kapatid. Kilala ko rin si Hex dahil madalas din siya sa Camotes kapag nagbabakasyon sila Fine sa bahay nila doon.
Nagising kami ng dumating si Tito at Itay.
"Thanks po." sabi ko ng may dala silang pagkain.
"Hi Tito Pep." kinamayan niya si itay. At nagkamustahan.
"Kain muna kayo pagkatapos aalis na ako." medyo nalungkot ako sa sinabi ni itay.
"Bumaba kayo pagkatapos kumain. Wala na sila Hex umalis na pwede kanang bumaba." ngiting sabi ni Tito.
"Thanks Dad." kinindatan pa niya ang ama. Tumawa lamang ito.
Pagkatapos kumain hinatid lang namin si Itay sa labas dahil si Tito Faith na ang hahatid sa kanya sa Danao.
"Ingat ka dito Tanya. Tandaan mo mga sinabi ng inay mo sayo." tumango ako sa sinabi ni itay.
"Ako po bahala kay Tanya Tito." tumango si Itay kay Fine pagkatapos umalis na.
"Huwag kang umiyak." naluluha ako ng umalis na sila Itay.
"Hindi ako naiiyak." sabi ko at pumasok sa loob.
Dumating si Tita Rai ng gumabi na. Nasa hapag kami at kumakain na ng haponan. Kinausap niya ako parte sa kursong kukunin ko. Ngumiti siya ng pinili kong mag Psych. Ganoon din si Tito. Nag usap pa kami parte ng pagtira ko dito.
Minsan lang umuuwi si Fine dito dahil may Condo siya sa Lahug. Napakalapit lang pero napili pang magcondo. Minsan hindi ko rin maintindihan takbo ng utak ni Fine. Kadalasan baliw.
Umakyat na kami ni Fine sa taas para tulungan akong mag ayos ng mga gamit ko. Maaga rin akong natulog dahil bukas pupunta kaming school, magpapa enroll na kami. Medyo excited ako kaya hindi ako masyadong nakatulog.
"Good night Tanya." sabi ni Fine at hinalikan ako sa noo. Hindi ko na siya pinansin at pilit nang matulog pagkatapos mag ayos ng mga gamit.