Chapter 1

17 3 2
                                    

"Tanya! Halika na nandito na sila!" sigaw ni Kolut. Ang kaibigan ko.

Nakaupo lang ako dito sa buhangin ng Bayan ng San Francisco. Totyal ng pangalan ano? Parang nasa ibang bansa lang. Niraramdam ko ang hangin. Hapon na at kanina pa ako naka upo dito.

Kaya ng tinawag ako ni Kulot agad akong tumayo at pinagpag ang aking pwet. Ang tulis ng buhanging sing puti ng aking mata. Putek ang sakit. Naka short lang kasi ako.

Tumatakbo akong may ngiti sa labi.

"Kailan? Anong oras sila dumating?" sabi ko.

Sabi kasi ni Itay kahapon na may customer daw si aling Grace kong saan nagpareserve sila ng apat na room. Masayang masaya ako sa tuwing may customer si aling Grace dahil aside sa magluluto si Inay at mapupunan ang kanyang sweldo ay ganoon rin si Itay.

"Bago palang! Hali ka na tignan natin kong guwapo!" lumulukso siya sa saya. Humahagikhik kaming dumaan sa likod para silipin ang mga dumating.

May benteng kwartong pinatayo ang mama ni Kulot dito sa Bayan ng San Francisco. Para sa mga turista.

"Halaaa." gigil na sabi niya. Kaya sumilip agad ako.

Napalunok ako ng makitang ang guwapo at maganda nga ang mga turista.

Mag pamilya sila apat na lalaki at dalawang babae. Ina at Ama nila ang dalawa. Kaya apat ang kanilang anak. Napangiti ako.

"Etext mo sila Gaga na may guwapo kayong turista!"

"Tenext ko na kanina pa. Sabi ni Enton sa Pops Bar daw tayo." sabi ni Kulot habang sumisilip parin. "Ang daming langgam dito!" sabi niya kaya kinakamot niya ang kanyang binti. Ganon rin ako.

"Ha?! E may turista kayo di ako pwede!" kailangan ko silang pa serbisyohan dahil isa rin akong trabahante sa kanilang maliit na negosyo. Senior High School lang natapos ko dahil napaka mahal pumasok sa unebersidad. Kaya sa maagang edad ay nagtatrabaho rin ako. Minsan sumasabay kay tatay mangisda. Minsan kay nanay na nilalabhan ang mga bed sheet.

"Ako ang bahala." kinindatan niya ako. Hindi naman ako naniwala dahil alam kong scam iyon. Pero pursigido ako kaya hahanap rin ako ng paraan.

Umalis kami sa aming pinagtataguan at pumunta sa counter. Dito sila kanina, ngayon wala na sila dahil pumasok na sa kani kanilang kuwarto.

"Ano? Pogi ba sa malapitan?" Usisa ko kay Inday na kaibigan rin namin.

"Oo dai! Jackpot! Lima palang room ang kanilang kinuha!" sabi niya. Mas lalong lumiwanag ang mukha ko. Jackpot nga.

"Sa Pops Bar raw tayo mamaya." sabi ni Kulot.

"Eh wala pa akong pera." ngumuso siya.

Ngumiti ako. "Hanap akong paraan." sumilay ang kanilang mga ngiti. Sino ba namang hindi ma e-enganyo kapagka naka Jackpot!

Sa tuwing may turistang dumarating dito ay parati naming kinakausap o di kaya'y kinakarelasyon. Para pagkakitaan ng pera. Minsa hanggang halik lang ako pero minsan napupunta sa yakapan. Pero pilit kong pinipigilan ang sarili ko dahil may respeto pa namanako sa aking sarili. Ayokong makipag sex sa kahit na sino at hindi pa ako handa. Gusto kong ibigay ang boung pagkatao ko sa isang lalaki lamang.

At saka sa lahat na naging nobyo ko eh wala namang nakalamang sa limang araw. Nagbabaka sakali parin na baka magkatuluyan talaga pero hindi eh. Kaya hindi ko sineryoso kapag may roong lalaking turista. Hindi rin ako nagpapadala dahil alam ko ang galawan nila. Dahil nagbabakasyon lang naman sila dito at hanggang isang araw o limang araw lang ang tinatagal dahil umuuwi rin sila kaagad.

Pagkatapos non magtetext kami pero kapag wala na sila dito saka lang namin sila ego-ghost.

"Sige na Kulot linisin na natin ang mga kabilang kwarto!" tumatawang sabi ko.

Sharp Sand Of The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon