Chapter 8

1 0 0
                                    

Pasukan na. At nandito ako ngayon sa dalampasigan, umaga at sisikat na ang araw. Maaga akong nagising dahil excited akong tignan si Kulot na mag ge-grade twelve na. Hinihintay kong lumabas siya sa bahay nila.

Si Inday naman pareho lang kami. Patuloy parin kaming nagtatrabaho sa resort nila aling Grace.

"Hayy ang ganda talaga simulan ang umaga kapag nakikita mo ang pagsinag ng araw." tinignan ko si Kulot nang magsalita siya sa likod ko.

Namangha ako ng makita na iba na ang kanyang uniform. Nag transfer kasi siya ng school.

"Ang ganda naman! Bagay na bagay sayo." sabi ko at inulanan ng mga papuri si Kulot.

"Oh siya, kakain na tayo. Nandoon na si Inday." sabi niya.

Naging abala ako sa mga nagdaang araw, linggo at buwan dahil may mga foreigner na dumadayo. Kahit hindi summer ay may pumupunta parin dito sa Camotes Island.

"Hello napatawag ka?" sabi ko kay Jago.

"Start na ng klasi namin." malungkot niyang sabi.

"Oh e ano ngayon?" umirap pa ako.

"Ayoko dito, gusto ko sa Cebu mag college."

"Tapos? Anong alam ko diyan?"

"Ito naman oh! Baka makapag aral kana sa susunod. Classmate tayo ah? Kahit isang subject lang. "

Tumawa ako sa sinabi niya. "Gago."

"Sasali ko sila Enton at Gaga haha!"

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. "Si Fine? Wala ba diyan nag College?"

"Ha? Hindi mo nabalitaan? Nasa Cebu siya. Nasa San Carlos parang Main ata o nasa Talamban. Di na kasi siya masiyadong nagpaparamdam sa akin!"

Ngumisi ako dahil sa napaka talkative niyang tao.

"Maka react naman 'to." tumawa lang siya sa sinabi ko. "Salamat pala nitong cellphone ah?" dagdag ko dahil kahapon may naghatid ng cellphone sa counter, sakto at ako yong nandoon. Sabi ni Gaga baka si Jago kasi nabanggit niya iyon. Hindi na kami nagtanong pa ni Kulot. Kaya nagpaturo ako kagabi paano gamitin ang cellphone at pinapasave ko rin ang number ng mga kaibigan.

"Ha? Anong ako? Si Fine nag bigay niyan! Nasa San Francisco kaya siya noong dumating phone mo."

Nasapo ko ang noo ko ng maalala ang kahapon.

"Heyow ma'am? Kayo po ba si Talia Anraia Villaruel?"

Napaangat ako ng tingin ng may lalaking naka motor na may dalang maliit na box. Inaantok ako at pinupunasan ko bibig ko. Nakita ko ang pagtaas baba ng kanyang balikat. Nagtaka naman ako.

"Ako po iyon bakit?"

"Ito po pala ang order niyo." sabi niya at inabot sa akin ang plastic.

"Manong wala naman akong inorder ah?" sabi ko pero kinuha ko na ang plastic.

"Naku si ma'am," yumuko siya. "Pota naging manong ako." bulong niya pero narinig ko. Nanlilisik na mga mata na tinignan ko siya.

"Baka hindi ako ang nag order?" sabi ko.

"Haha! Salamat po!" nag bow pa siya at dali daling umalis. Hinabol ko siya pero humarorot na nang takbo ang motor niya.

"By the way before I hung it up, nandiyan pala siya-"

"What the F? Siya nag hatid kahapon!" tumalon talon ako ng nakumpirma na siya nga talaga.

"Kaya nga diba? Sinabi ko na. "

"Echosero!"

"I got a message from Enton right now. Nasa Danao na si Fine ngayon." sabi niya sa kabilang linya.

Ganoon lang ang araw at gabi ko. Tinatawagan nila ako, minsan hindi kasi busy sa school.

Kami parati magkasama ni Inday dahil hindi naman kami naga-aral. Si Kulot busy rin dahil ga-graduate na. Balak ata sa Cebu City maga-aral.

Minsan pumupunta kaming Pops kapag inaanyaya kami ni Kulot. Dahil stress daw siya. Minsan kami ni Inday naliligo sa dagat ganoon lang ang buhay namin sa Isla. Madalas rin akong sumasama kay tatay kapag nangingisda kaya parati akong gumigising ng maaga.

Dumaan ang pasko at new year ay tanging sa  facetime lang kami ng mga kaibigan ko nagbatian. Marunong narin ako gumamit ng social media nakaka aliw nga. Pero hindi parin ako ganoon ka expert minsan tinuturuan ko rin si Inday. Para sabay kaming may alam. Nakakatawa pero ganon kami.

Busy daw si Fine kaya hindi gaanong nakikipag communicate. Hindi ko rin masisisi dahil kagaya nila Enton ay First year din siya. Minsan lang iyon pumaparito kapag mahaba ang bakasyon. Nakakapagtaka noong nakaraan ay wala siya. Wala ring may alam. Hindi ko rin nagawang magtanong kay Tito Miguel, daddy ni Fine dahil busy sa kanilang negosyo.

Nasa dalampasigan muli ako at kumukuha ng litrato sa langit. Malapit na ang Abril at hindi na ako makapag hintay dahil paparito nanaman ulit sila Jago.

"Ang ganda talaga ng ulap kapag ganitong oras." masayang sabi ko ng dumating ang hapon.

Sharp Sand Of The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon