Chapter 15

0 0 0
                                    

Papunta kaming parking lot matapos ang klasi. Pinagbuksan ako ng pinto ni Fine sa kotse.

"Wait!" napalingon kami sa sumigaw. It was Raegan.

"Tanya, can I have your number?"

"What?" sabi ni Fine at hinarap ito. "Tanya get in." utos niya.

"Kailangan pa ba kitang kaladkarin?" sabi ni Raegan, binaliwala ang sinabi ni Fine.

"Fine, ibibigay ko lang number ko, tabi ka nga diyan."  sabi ko at tinulak ang kaibigan.

"Thanks," sabi niya pagkatapos kong maibigay ang number. Kinindatan pa niya ako.

"Tanya huwag mo ibibigay ang numero mo sa mga ganyan!" sabi ni Fine at galit na tumingin sa kay Raegan.

Nginitian ko si Raegan at nagpaalam na para pumasok sa kotse.

"Crush mo ba iyon?" tanong ni Fine ng makapasok na siya.

"Anong crush? Gago ka ba?"

"Bakiiiit? Sinaktan niya ako. Paanooo?" sabi niya kaya nilingon ko. "Tanya naman. Nagtanong pa mag aral kang mabuti! Pagkakilala ko playboy iyon! Huwag landi beh!"

"Gago ka talaga. Kanina ka pa ah!" sabi ko at sinapak ulit siya.

"Nakakarami ka ng sapak sa akin!" sabi niya kaya huminto ako.

"Sorry nga nga." sabi ko.

Kinabukasan, nasa study area ako naga-aral. May klase si Fine at ilang oras din ang vacant ko kaya nagtambay ako dito.

"Hey," may biglang umupo sa harap ko.

"Oy, hi."

"You study?" ngiting sabi ni Raegan. Tumango ako at ngumiti.

"Three hours vacant mo?" tanong niya. Tumango ulit ako.

"Let's go somewhere else?"

"Ikaw napaka BI mo. Naga-aral ako oh." I joked.

"You can study sa pupuntahan natin I wont disturb you."

"Saan ba?" tanong ko ngumiti lamang siya at tinulungan akong mag ligpit. Hindi pa nga ako nakasagot. Pagkatapos ay umalis na.

"Ar-ar!"

Napalingon siya sa likod ng may tumawag sa kanya. Naglalakad kami papuntang parking lot.

"Hey," sabi niya at nag apir sila sa tumawag sa kanyang lalaki. "What's up?"

"Where are you going?" lumingon sa akin ang kausap niya. "Hi." sabi nito. Kumaway ako bilang tugon.

"Why?" nag iba ang tuno ng pananalita ni Raegan at agad niya akong pinapunta sa likod niya.

Ano problema nito?

"Disty ask me where are you. Nakita kita kaya tinanong kita. Parang may lakad ka kasi."

"Okay." simpleng sabi ni Raegan at tsaka niya ako hinatak hindi sinagot ang tanong ng kaibigan.

"Uso ba hatak sayo?" sabi ko hindi niya ako pinansin. Nilingon ko ang kanyang kaibigan sa likod. Umiling ito at ngumiti.

Pumunta kaming SM Seaside at dinala niya ako sa isang restaurant.

"Kumain muna tayo." sabi niya at nginitian niya ako.

Naghintay kami sa order at ngayon na sa harapan ko siya titig na titig. Tumikhim ako. I suddenly remembered what happen between me and him in San Francisco. Ngumiti siya.

"Bakit?" tanong ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Bakit alam mong vacant ko?"

"I looked for your schedule." sabi niya.

"Nino?"

"Fine."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Paanong nakakuha siya eh parang sa pagkakaalam ko ayaw ni Fine sa kanya.

"Paano?" ngumiti siya at hindi na ako pinansin dahil dumating na ang order.

"Where do you want to study?" tanong niya sa kalagitnaan ng aming kain.

"Hindi ko alam. Ikaw saan ba maganda?"

"Sa condo ko."

Agad siyang tumayo at binigyan niya ako ng tubig dahil nabilaukan ako sa sinabi niya.

"Hey, you okay?" tanong niya at pinunasan ang labi ko. Hinagod niya pa ang likod ko.

Tumango ako at uminum ng tubig. Umupo siya ulit sa harap.

"Sorry, did I do something wrong?" sabi niya.

Parang wala ata siyang alam. Bakit sa condo niya naman ako yayain mag study? Hindi ba siya aware sa sinabi niya? Umiling ako sa tanong niya.

"Wala, sorry hehe." sabi ko. Okay that was awkward laugh Tanya. Tumango siya at nagsimula muling kumain.

"Bakit mo pala iniwan ang kaibigan mo doon? Nagtanong hindi mo man lang sinagot." sabi ko.

"Hahaba lang ang storya. At tsaka hindi naman ako interesado doon."

In my thoughts, nag assume akong interesado siya sa akin kaya hindi niya sinagot iyong tanong ng kaibigan niya.

I smiled secretly.

Sharp Sand Of The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon