"Hello Sir Domingo? Opo, pasensya na po pero nasa bakasyon pa po si Uwa... ganun na nga po. Pasensya na po talaga. Sa susunod po na maghahanap ulit kayo ng performer, I can give you discount on the fees po. Yes po. Thank you po." pagtatapos ni Kaori sa kausap sa telepono at sya din naman padabog na pagbagsak ng telepono at tamang sabunot sa nakalugay nyang buhok.
Halos tatlong buwan na rin mula ng mawala na parang bula si Uwa. Kahit sino din sa mga band member nito ay di alam saan sya ngayon nagtatago. Sabagay, sya nga mismo na talent manager ni Uwa ay walang alam.
Kaori Hidalgo is the talent manager of the famous band Whoop Pick sa bansa. While Uwa is the Famous lead vocalist. Bakit famous? Sa gandang lalaki ba naman ng vocalist ewan na lang kung hindi magkandarapa ang mga kababaihan. Bukod pa dito, anak si Uwa ng isa sa successful Music Producer Company sa Pilipinas. Kaya di na rin nakakapagtaka kung bakit mahilig sa musika ang bokalista.
Uwa is a friend of Kaori's brother, Jordan. Ang syang drummer naman ng banda. Tatlong taon na din na namamayagpag sa music industry ang banda. Sari-saring projects mula sa mga big time companies. Sulit ang bawat pagod at puyat sa rehearsal.
Until one day na naglaho na lang bigla si Uwa.
Isang katok naman sa pinto ng kanyang opisina ang nagpabago ng inis na emosyon ng mukha.
"Maam Kaori, si Mr. Santos po nandito." aniya ng kanyang assistant. Nabuhay naman ang kanyang dugo, isang matandang Santos ang kanyang bisita. Akala pa naman niya ay si Uwa. Ang ama pala nito.
"Mr. Santos..." nakangiting bati nya dito, lumapit at hinalikan naman niya sa pisngi. (besu-beshu). "Napadalaw po kayo."
"Any updates?" baling nito sa kanya ng naupo sa sofa ng opisina.
Umiling naman sya dito. "Im sorry po talaga Sir, gusto ko na nga po magreport sa pulis. Baka missing person na si Uwa."
Sumensyas naman ang matanda sa kanya na ang ibig sabihin ay 'huwag'. "Ganyan talaga ang bata na yan. Kapag hindi pabor sa kanya, iiwasan nya. Naexplain ko naman sayo ang dahilan kung bakit ko din ito ginagawa. Sa pagbalik nya, sana ay mapapayag mo sya." aniya nito sa kanya at tumayo na din upang umalis sa opisina.
Agad din naman nya kinuha ulit ang telepono at sinubukan tawagan si Uwa, pero sya ay bigo.
"My goodness, Uwa. Ano ba naman sakit ng ulo tong binibigay mo ngayon. Makita lang kita talagang kakalbuhin kita." aniya nito sa sarili.
Isa - isa naman dumating ang mga kamiyembro nito sa kanyang opisina kasama ang kapatid na si Jordan.
"Ate, tatlong buwan na tayo walang raket. Umiiyak na wallet ko." aniya ng kanyang kapatid na si Jordan
"Ha hahahaha. Sana man lang kasi diba inalam nyo ng todo kay Uwa kung saan sya naglalagi kapag problemado sya para man lang alam naten kung saan sya hahagilapin ngayon. Anong klaseng kaibigan kayo! Hindi nyo alam kung saan hahagilapin ang isa. Heto pa." bagsak nya sa folder na nasa lamesa. "Kayo mismo na kaibigan nya di nyo ma-contact!"
"Parang may alam ako, pero di ako sigurado. Di ka din naman makakapasok sa lugar na yun." sambit naman ni Glen, ang lead guitarist.
"Kahit sa motel, hotel o impyerno pa yan! Papasok ako at hahatakin sya palabas. Saan yan?"
"Maam, may client po na natawag." pagputol ng assistant sa kanilang usapan.
"Connect the call." aniya niya. at bumalik sa table nito at kinuha ang telepono.
"Hello, this is Kaori for Whoop Pick. How may I help you?"
"Hello, this is Ms. Lustre. I would like to set an appointment with Uwa.. Oh no no no. With Whoop Pick to come in our club welcome party for our new members next friday. We had a great night with Whoop Pick when we celebrated our anniversary last week. Do you already have the details?"
"Ahm. sorry maam, pero wala po. Maaari ko po ba makuha?"
Tuloy tuloy na banggit ng dalaga na sya din namang pagsulat sa binigay na detalye.
Ano Last week? With Whoop Pick? Eh 3 months na nga sila walang raket.
"Maam Lustre, we really appreciate that you consider Whoop Pick to perform in your celebration. However, Uwa is on leave right now. So we are sad to reject the..."
"What?! He is right here in front of me and giving me a Lucifer smile. And advise me to set an appointment with you. Anyway, just follow the details I told you earlier. At kung hindi kayo matutuloy sa pagperform, papasipa ko sa kabayo si Uwa. Thank you Ms. Kaori." sya naman pag putol na ng tawag sa kabilang linya.
"Hey, what?" baling sa kanya ng kapatid na nagpagising sa diwa nya.
"Ha. hahahaha." isang nakakalokong tawa ang kanyang pinakawalan. "Yung bentong na yun! Nasa Rancho Castillo. Sa Baguio!!" singhal naman niya sa mga lalaki sa harapan. "At nandun din pala kayo last week. Nag-gig pala kayo ng kayo-kayo lang doon sa Rancho Castillo ng di ko alam??" nanlilisik na mata baling niya sa mga kagrupo nito.
"That is the place I'm about to tell you. Nakiusap kasi si Uwa na wag ipaalam kahit kanino. Importante daw yung gig na yun kaya sinamahan namen sya. Big time nga yung client na yun. Mukhang kaibigan ni Uwa yung owner." aniya ni Glen.
Binato naman nya ng ballpen ang binata. "For three months Glendaaa!!! Bakit ngayon mo lang naisipan na ipaalam saken ang impormasyon na yan. At talagang nagsolo raket pa kayo, huh!"
Ngumiti lang ang binata at nagkibit balikat.
Rancho Castillo pala huh. Hintayin mo ako at ako mismo ang magkakaladkad sayo palabas sa lungga mo. Bonus na lang ang pagsipa ng kabayo. aniya niya sa sarili.
BINABASA MO ANG
Rancho Castillo #2 : JOSHUA 'UWA' SANTOS
RomanceHalos tatlong buwan na rin mula ng mawala na parang bula si Uwa. Kahit sino din sa mga band member nito ay di alam saan sya ngayon nagtatago. Sabagay, sya nga mismo na talent manager ni Uwa ay walang alam. "Ate, tatlong buwan na tayo walang raket. U...