"Hiiiyaaaahhh!!!!" pagpigil ni Uwa sa kanyang kabayo. "Good job Wiki!" paghimas nya sa likod ng kabayo na sya naman nakasakay dito. Habang isa isa na din nagdatingan ang mga karancho niya na kasali sa paligsahan nila."Whooooo!!!" aniya ni Rodnie.
"Nice game, Uwa!" sya naman naghigh-five sa kanya si Rozen, ang club owner.
Sya ang panalo sa ginanap nilang equestrian ng mga kasamahan sa club.
"UWAAAAAA!!!!!!!!!" isang babae ang syang sumigaw ng kanyang pangalan mula sa second floor ng verandra ng restaurant sa club house.
Pamilyar ang boses, pero di sya sigurado. Kaya naman hinila nya ang kabayo at pinatakbo ito papunta sa clubhouse.
*******
Inis na inis man ang emosyon, pinipigilan niya ito. Kailangan nya maging professional kapag kinausap si Uwa. Kung kailangan din nya ito baby-hin, gagawin nya. Para lang lumabas na sa lungga nito. At kung di madaan sa magandang usapan, saka nya ito idadaan sa brutalan.
Sa kahaba haba ng na byahe nya sa labasan, sa wakas ay narating na din nya ang first gate ng rancho. Akala nga ni Kaori ay naliligaw na sya at mukhang papunta na ng langit ang byahe nya dahil pataas ang daan papunta sa rancho castillo.
Pagtigil nya sa tapat ng guard house. "Good morning Maam!" bati sa kanya ng guard. "SOP lang po. Pahiram na din po ng id nila." inabot naman nya dito ang driver license id.
Pailing iling naman na binalik sa kanya ng guard ang id nito. "Pasensya na po Maam. Pero wala po kayo sa guest list."
Aniya ng gwardya sa kanya na nagpainit ng kanyang ulo. Ngumiti naman sya dito at bumaba ng sasakyan.
"Kuya, ako ito. Si Kaori. Manager ng whoop pick band. Alam mo yung banda na yun diba?" tumango naman ito. "Perfect! Andito ako para pick-up-in si Uwa. Si Uwa diba ang vocalist ng banda." aniya niya dito.
"Naintindihan ko po. Pero pasensya na Maam. Wala po kasi nabanggit si Sir Uwa sa amin na may guest sya. Ganito na lang po, pakitawagan si Sir Uwa, at makakareceive po kami ng approval sa managenement - - - -"
"Hindi ko nga matawagan si Uwa!!!!!" pasigaw na sagot naman nya dito. Na syang napatigil sa gwardya. Agad naman sya muling ngumiti dito. "Kuya naman, kapag bati na kami ni Uwa, promise! Babalik ako sayo at pipicturan ko kayo ni Uwa bilang remembrance. Ok na ba yun?" nakangiti nya na pang-uuto dito. Na sya naman isang matipunong lalaki ang lumapit sa kanila.
Napasulyap sya sa kotseng nasa likod lang din ng kotse niya. Aaay. sayang mukhang may babaeng pinagpala na. Yummy pa naman to. aniya niya sa sarili.
Nag explain naman ang guard sa binata at sya naman ngumiti ngiti din sa binata.
"Ok. Ilagay mo na lang sya sa guest list ko, Kuya." aniya ng anak ng Diyos o Diyosa sa gwardiya. "You are Ms. Hidalgo... the manager of Uwa, right?" baling naman nito sa kanya.
"I see. Enjoy here in Rancho." sya naman tumalikod na sa kanya at bumalik sa kotse.
"Thank yooou" pahabol na sigaw nya dito.
Pakiramdam nya ay puro kapatagan na bundok na may mga damo na puro ganun lang ang dinadaanan nya, hanggang sa binigyan daan niya na mauna ang kasunod na sasakyan. Sya naman ang sumunod dito ng mauna sa kanya.
The Rancho Castillo Club is a private establishment designed exclusively for successful men worldwide and is located in Baguio. The majority of its members are bachelors. The membership qualifications are not easy to meet, as they undergo a thorough background check. This exclusive club provides each member with a sense of royalty, making them feel like a king in their own world.
BINABASA MO ANG
Rancho Castillo #2 : JOSHUA 'UWA' SANTOS
RomanceHalos tatlong buwan na rin mula ng mawala na parang bula si Uwa. Kahit sino din sa mga band member nito ay di alam saan sya ngayon nagtatago. Sabagay, sya nga mismo na talent manager ni Uwa ay walang alam. "Ate, tatlong buwan na tayo walang raket. U...