Pagkabalik sa bahay, napansin nya ang bag na nakapatong sa centertable ng lamesa.
Paano nakarating to dito? Eh nasa kotse ko ito.
Maaring pinasuyo ito ni Uwa sa mga staff doon, isip isip nya.
Ang kotse na dala nya ang van na ginagamit nila sa tuwing may gig. Personal Van ito ng banda, kung saan may mga damit talaga sila dito, in case na matagalan sila sa gig o may biglaan na gig, mayroon silang pamalit na damit.
Binuksan naman nya ito, at kumuha ng pangbahay na damit, dumiretso sa cr na nasa gilid ng kusina, na may nakahanda na din na pangligo at tuwalya.
"In fairness huh, parang hotel ang service kay Madam Kaori." aniya niya sa sarili at sinimulan na din ang pag-ligo.
Dalawang oras na din ang pag hihintay nya sa binata, at nabuburyo na din sya sa kakayoutube sa smart t.v nito na nasa sala. Hindi nya kasi makita ang cellphone. Nag-aalala na din sya na baka may mga emergency text or call na din sa kanya mula sa opisina. Pero di nya talaga ito makita sa bag. Alam nya na bitbit nya ito kanina. Tumawag din sya sa restaurant, umaasa na baka naiwan at may nakapulot. Pero wala naman daw.
Pinatay na rin nya ang tv at tumungo sa kwarto ng binata.
"Ano daw? Kami? Dito kami matutulog dalawa sa kama na to? Ang galunggong na yun may balak pa ata saken." aniya niya ng ibagsak ang katawan sa kama. Sya naman naligaw ang mata sa sulok ng kwarto na mayroon hagdan.
"Buong veranda and second floor, more on roof top ganun. Maganda kasi ang view doon."
Pagka-alala nya sa sinabi ng binata, na sya naman ng umakyat sa hagdanan at binuksan ang pintuan at bumungad sa kanya ang isang duyan, lamesa at dalawang upuan. . Mukhang mini garden ang interior. Kitang kita ang bundok na Mt.Ulap pati ang fog na humahalik sa tuktok ng bundok, at fog na bumabalot sa kabahayan dala ng malamig na klima sa Baguio.
Ngunit ang mas napabigla sa kanya ay ang mga litrato na nakadikit, nakaframe sa wall ng veranda. Mga sari-saring litrato ng banda, mga gigs at parties na napuntahan nila. At higit sa lahat ang isang bahagi ng wall na puro litrato nya lang ang nakadikit, may stolen shots, meron din naman na litratong maayos at handa ang kanyang mukha sa camera.
Hindi nya alam kung anong kuryente ang dumaloy sa kanya katawan. Kanya naman nayakap ang sarili, dala na din ng lamig ng hangin na humahampas sa kanyang katawan.
Nang kanyang mapansin ang isang litrato, na kung saan, mayroon syang hawak na rosas at chocolate, katabi ang totoy na si Uwa. Muli naman pagbalik ng ala-ala ng nakaraan.
**********FLASHBACK**********
"Ate, diba crush mo yung kaibigan ko, si Uwa?" tanong sa kanya ni Jordan habang nililinisan ang drum set.
"Hoy bata ka! Baka may makarinig sayo!" saway naman nya dito.
"Sabi saken ni Uwa, crush ka daw nya. Nagpa-alam sya saken na liligawan ka daw nya."
"Sinabi mo ba sa kanya na crush ko sya?" biglang tanong naman nya sa kapatid.
"Hindi noh! Sabi ko nga sakanya, i-un-crush ka na nya kasi di ka naman maganda. Marami naman sya makikilala na --- Aaarrray!!!" kanya namang pagpingot sa tenga ng kapatid na si Jordan.
"Hindi din pu-pwede. Ma-child abuse pa ako sa kanya. Juskoo naman. 16 years old pa lang kayo, lovelife na ang inuuna nyo."
"Ikaw din naman eeh. Lovelife. Crush mo nga sya eh!"
"Iba ang crush at love. Spelling pa lang ibang iba na."
**********RECENT**********
Ngingiti ngiti naman syang nahiga sa duyan na nakahanda sa veranda pagkatapos maalala ang nakaraan.
Uwa is 6 flat. in height. Pang basketball player ang height pero naging isang musician. He can sing and play guitar. Matangos ang ilong dahil may Arabic na lahi ang pamilya. A masculine body na mas mukhang modelo kaysa vocalist ng banda. A good choice of perfume na lalong nagpapalakas ng alindog nito sa mga fans na nadidikitan sa tuwing may gig sila.
Hindi mahirap mahalin ang binata, para sa kanya. Sa tagal nilang magkasama, tama naman ito na alam na niya ang gusto at ayaw ng bawat member ng banda. Naging isa syang driver, julalay, nanay, ate, lola at madalas na girlfriend ng bawat member sa tuwing may maghahabol na babae. Dagdag mo na din ang ninang tuwing binibigyan nya ito ng mga regalo.
Pero ang pakasalan nya ito, ng ganun ganun lang. WOW!
"Ang mga kabataan talaga ngayon, mga mapupusok at padalos dalos sa decision ng buhay." aniya niya sa picture frame na kinuha mula sa wall ng veranda, ang solo picture ni Uwa. "Ikaw, ikaw huh! Kung tatanungin mo ako ng 'will you marry me', madali lang ang sagot. Syempre 'OO'. Kung hindi ka lang minors noong niligawan mo ako, baka tayo pa din hanggang ngayon. Hindi ka na din naman nanligaw ... Ay .. sabagay nakatatlong boyfriend din pala ako. Tatlong beses niloko at pinagpalit. Punyeta." aniya niya sa larawan na hawak. "Is age really doesn't matter?"
At unti unti na din nilamon ng antok ang kanyang katawan, dala na din ng pagod sa haba ng byahe at pakikipagsagutan sa kanyang talent na si Uwa. Tuluyan ng nakatulog si Kaori, at ang malakas at malamig na hangin naman ang nagduyan sa kanya.
BINABASA MO ANG
Rancho Castillo #2 : JOSHUA 'UWA' SANTOS
Roman d'amourHalos tatlong buwan na rin mula ng mawala na parang bula si Uwa. Kahit sino din sa mga band member nito ay di alam saan sya ngayon nagtatago. Sabagay, sya nga mismo na talent manager ni Uwa ay walang alam. "Ate, tatlong buwan na tayo walang raket. U...