PART 6

21 2 0
                                    

Katahimikan sa kanilang dalawa ang nanalagi hanggang sa makarating sila sa isang bahay.

"This is my house here in Rancho Castillo. Business minded si Rozen kaya nagbenta din sya ng real estate dito sa loob, bukod sa hotel for guest. We are on the west side. Yung mga kapitbahay naten dyan, mga co-member ko ang may-ari." aniya nito ng makapasok na sila sa bahay nito. Dalawang palapag ang bahay.

"This is my room." turo nito sa isang pintong binuksan ay iginaya sya sa pagpasok ng kwarto. "I dont have a guest room. Buong veranda ang second floor, more on roof top ganun. Maganda kasi ang view doon. So, dito ka matutulog." baling nito sa kanya.

"Salamat. Saan ka matutulog?"

"This is my room, of course dito din ako matutulog." na sya naman lumundag sa kama nito at sumandal sa headboard na tatawa-tawa.

"This is not funny anymore, Uwa. Fine! Di na kita pipilitin sumama pabalik ng Manila. Aalis na din ako para di ako gabihin sa byahe." na sya naman tumalikod na sa binata.

"Eh . Eh . Eh. Hindi ka makakalabas sa rancho ng walang pahintulot ko." aniya ng binata.

Nilingon naman niya agad ito, at, as usual loko-loko na nakangiti sa kanya.

"Kidnapping kaya ang ikaso ko sayo?"

"Mas mananalo ako sa trespassing na kaso ko sayo. At, hindi ka minors, KID - napping? HAHAHAHA!!" malakas na tawa nito na may halo pang hampas sa kama, tumigil naman din ito ng bigyan nya ng matalim na tingin.

"Ehem" bawi ng binata. "Hindi magbabago ang isip ko, my loves. Kahit ikaw pa ang gamitin ni Daddy na magpumilit saken, di mo ako mapapayag na makipagrelasyon sa Alicia na yun." patuloy na sabi nito.

"Hindi na rin kita pipilitin sa bagay na yan. Usapan pang-pamilya yan at ayoko makigulo sa inyo." umupo na din sya sa gilid ng kama paharap kay Uwa, "Pero sana, iconsider mo ang pag-perform sa rancho castillo welcome party. Malaki ang offer ni Ms. Lustre, sa halaga na yun .. kung sakali na idisband ng ama mo ang grupo ninyo, maaaring magamit na pondo ng kamember mo, kami, yung makukuha namen na talent fee mula sa raket na yun ang gagamitin namen na makapagsimula ng negosyo o ng kahit ano para patuloy mabuhay. Naiintindihan mo ba?" seryosong sambit nya dito.

Tumango naman sa kanya ang binata.

"So .. ano?" muling tanong nya dito.

"Sige."

Siya naman napatayo. "Sige!?! So payag ka na?" umiling naman ang binata. "Ano ba, Joshua."

"Marry me, I will perform."

"GAGO KA BA?!?" bulalas nya dito. "Makipag fling nga kay Alicia na anak ng mayaman, ayaw mo. Maging asawa pa ako? Ikaw .. alam mo, puro na lang kalokohan laman ng utak mo!"

"Im serious. Titigilan lang ako ni Daddy, kapag nalaman nya na magpapakasal na ako at magiging stable ang buhay. So, marry me." seryoso naman na baling nito sa kanya.

"Ha .. haha. HAHAHHAHA!!" malakas na tawa na kanyang pinakawalan. Sya din naman pagsabay na pagtawa ng binata sa kanya.

"Stop playing around, Uwa."

"Nah. Seryoso nga ako. Ano gusto mo? Girlfriend-Boyfriend? Pang teen-ager lang yun. Sabi mo nga matanda na ako, matanda ka na rin. Oh, diba kapag matanda na .. nagpapakasal?"

"Hahaha. You are really unbelievable, Uwa. My God!! Hindi ganun yun. Nasasabi mo lang yan kasi di mo pa nasusubukan magmahal, kaya parang batang-isip yang mga sinasabi ---" pagtigil nya sa pagsalita ng biglang pagtayo ng binata at paglapit ng mukha nito sa kanya. Mabilis naman nyang nai-angat ang kamay para matakpan ang labi.

"I love one and only girl, it was you. I also had so many heartaches, because of you. Kaya wag mo sasabihin saken na wala akong alam o di ako marunong magmahal." seryosong sabi nito ng malapitan sa kanyang mukha.

Pagkatapos nitong sabihin ang mga kataga muli itong nahiga sa kama at kinuha ang kumot. "Hanggat di ka pumapayag na pakasalan ako, di tayo babalik ng Manila." aniya nito saka nagtalukbong ng kumot.

"JOSHUAAAA!!!!" malakas nyang sigaw dito. Pero nanatili itong nakatalukbong.

Sya naman pabalik balik ng ikot sa gilid ng kama. Pero nanatiling nakatalukbong ang binata.

"Wala na bang ibang option,Uwa?"

Nang bigla naman itong binaba ang kumot at umikot ng higa paharap sa kanya ng nakangiti. "Wala na. Yun lang. Maging considerate ka naman sa mga kabanda ko. Nagugutom ang kanilang pamilya. Kailangan nila ng gig."

Aniya nito sa kanya na nagpa-init ng kanyang ulo at naibato ang nahawakan na unan dito.

"Ako pa talaga huh!!! Ako pa talaga. Hiyang hiya naman ako sayo!"

"Ikaw naman talaga eeh, kung di mo ko kinausap noon about sa pagpipilit ni Daddy, di naman ako maglalagi dito sa rancho. Masakit saken na ganun ganun mo lang ako pagtabuyan at pumayag makipaglandian sa ibang babae. Napakamanhid mo ganun."

"Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo huh? Baka puppy love lang yan!"

"Puppy mo mukha mo. Hindi to puppy love, kung puppy man to, siguro noon, bull-dog na to ngayon." nakangiting sambit naman nito sa kanya. "Next Friday pa naman ang welcome party, kaya makakapag-decide ka pa. Ligawan mo ko hanggang sa makuha mo din ang OO ko. Pero, di rin pala effective yun, kasi ang gusto ko, yung OO mo na maging asawa ko." mas malapad pa ang ngiti nito ngayon sa kanya.

"Hindi yun ganun kadali, Uwa."

"Hindi rin madali saken na mag move-on. Kita mo nga, ang tagal tagal ko ng mahal ka pero di pa rin ako makamove on. Sino ba ang gusto na nahihirapan? Akala mo madali saken na makitang naglalandian kayo ng exes mo noon tuwing may rehearsal tayo o gig? Sasama-sama pa sila sa gig naten tapos ang ending sa gig pa nakahanap ng ipapalit sayo. Ooh!! Sino ba may sabi na madali?!"

Sya naman napatigil sa mga narinig na sinambit na binata. Hindi nya alam kung matatawa o maaawa sya dito ganung parang bata na nagmamaktol ito sa kanyang harapan.

Tumayo ito at ibinalot sa kanya ang kumot na gamit kanina.

"Nagugutom na ako. Balik tayo sa clubhouse." aniya nito sa kanya at lumabas na ng pintuan ng kwarto, siya din naman pagsunod dito.

Rancho Castillo #2 : JOSHUA 'UWA' SANTOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon