Pansin nya ang kanina pang paghahawak ng kanilang kamay habang naglalakad. Kahit anong pilit nyang tanggal dito, ay lalo naman hinihigpitan ng binata.
Malayo layo na din ang kanilang nalakad mula sa inalisan na clubhouse.
"Teka ngaa... teka teka!" buong lakas nyang pag pigil sa binata, pero di pa rin nya natanggal ang kamay.
"Why?" tanong nito sa kanya ng humarap ang binata.
Tinaas naman nya ang kamay na magkahawak. "Pwede mo na ako bitawan at tigilan ang pag panggap na girlfriend mo ako." isang ngiti lang ang binitawan nito sa kanya at nagmasid sa paligid.
"This is my world. Here in Rancho Castillo, kami ang nasusunod sa gusto namen. Kung sasabihin mo na bitawan ko ang kamay mo, di ko susundin, kasi mundo ko to, at ako ang masusunod."
Siya naman biglang paglapit ng mukha sa kanya at PAK! isang halik. Shit!
Bigla naman paglipad ng kanyang kamay pero nakaiwas ang binata kaya sa dibdib nito ang bagsak ng kamay.
"Hoy. JOSHUA SANTOS. Harassment na yang ginagawa mo. "
"Trespassing naman ang ginawa mo."
"Excuse me?! Trespassing pinagsasabi mo?"
"Impossible na makapasok ka ng basta basta na walang approval o invitation ko. Hindi ko akalain na may pagka-spy girl ka pala at naakyat mo ang bakod ng rancho." ngingisi ngisi nitong sabi sa kanya.
Kaya naman pinuwesto niya ang kanyang isang kamay sa baywang (nakapamewang ganern). "FYI. Isang anghel ang pinadala ng Diyos para makapasok ako sa pintuan ng kanyang langit. At sa gate po ako dumaan. Hindi mo naman sinabi na dito pala naglalagi ang mga ganung klase ng lalaki. Juskoo!! Marami pa ba silang single dito? Nang may mauwi akong pasalubong sa pamilya ko." isang malapad na ngiti naman nya dito.
"I'm the only angel here. Ang mga co-member ko dito ay anak ni Lucifer. Yung kambal naman, dapat mong iwasan, kasi kapatid yun ni Lucifier. At si Lucifer? Sya ang nag mamay-ari ng rancho castillo."
"Ganun ba kagwapo ang mga demonyo? Kaya siguro marami ang nagiging makasalanan."
"Whatever." sagot ng binata sa kanya ... sya naman humakbang na at muli nyang pinigilan.
"Teka nga kasi! Tigilan mo na tong pagtatago mo. Marami ng clients ang naghahanap sayo. Kung di pa tatawag si Ms. Lustre, di ko malalaman na nandito ka."
"Oh yeah. Alam ko naman na miss na miss mo na ako, kaya pinasabi ko na kay Raya na nandito ako."
"Sumama ka na sakin pabalik ng Manila at mag-usap kayo ng maayos ng Daddy mo. Matanda ka na. At di ka dapat nakikipagtagu-taguan sa ----"
Pak! Isang halik muli sa kanya ng binata, ramdam nya ang pag-init ng mukha.
"Ang cute mo." at PAK! Isang halik muli nito sa kanyang labi.
"Hano ... ano ba!!!?" bawi nya muli sa pagkagulat.
"Sabi mo matanda na ako, so ibig sabihin nun hindi ka na child abuse saken diba? Nung 16 years old ako at nanligaw sayo, binasted mo ako. Sabi mo child abuse ka kung papatulan ako kasi 18 years old ka na nun.Nung nag-18 naman ako, may boyfriend ka naman. Eh ngayon, 5 years ka ng single. 24 na din ako ngayong taon, 26 ka naman na diba. So pwede na kitang maging girlfriend?" tanong nito sa kanya na may kasamang nakakalokong ngiti at pagkindat sa kanya.
"Aba .. Aba .. Aba .. " sambit nya na nanlilisik ang mga mata sa binata.
"I miss you too ... Kaori." sambit ng binata na muling nagpatahimik sa kanya.

BINABASA MO ANG
Rancho Castillo #2 : JOSHUA 'UWA' SANTOS
Storie d'amoreHalos tatlong buwan na rin mula ng mawala na parang bula si Uwa. Kahit sino din sa mga band member nito ay di alam saan sya ngayon nagtatago. Sabagay, sya nga mismo na talent manager ni Uwa ay walang alam. "Ate, tatlong buwan na tayo walang raket. U...