PART 3

22 2 0
                                    

***********FLASHBACK**********

Kinakalikot ni Uwa ang string ng kanyang gitara habang hinihintay sa opisina nito ang talent manager na si Kaori.

"Hey. Uwa." bungad sa kanya ni Kaori.

"Yes. Mi Amore." ngiting balik na bati naman nya dito. Nasanay na lang din ang talent manager sa mga sweet call niya dito.

Kaori is 2 years older than him. She handles all the schedules, appointments and projects of the band. Madalas sya sa bahay nito noong high school hanggang college, until now dahil sa kapatid nito na si Jordan na kanyang kaibigan, at simula din ng high school sila, full support ito sa mga music bonding nilang magkakaibigan hanggang sa gumawa sila ng banda at ito ang nagmanage. Hindi na rin naman sila nahirapan sa pagkuha ng mga clients dahil ang kanyang ama ay nag-mamay-ari ng isang music company.

"This is serious matter, Uwa." seryosong baling nito sa kanya, at pag upo sa tabi ng sofa.

Nakanunot noo naman nya itong tiningnan. "What is it?"

"First, ayoko talaga makialam sa family ek-ek ninyo. Pero kasi, kinausap ako ni President na - -"

"Stop. Alam ko na ang sasabihin mo." pagtigil nya dito at muling binaling ang atensyon sa inaayos na string ng gitara.

Ilan beses na rin syang pinipilit ng pamilya nya na makipagrelasyon sa anak ng isang film producer. Ito ang bagay na ayaw na ayaw nyang pinahihimasukan ng iba. Love Life. Para sa magulang malaking tulong sa business ng kumpanya ang pakikipagkasundo sa isang Film producer company.

Una ng pinilit ng mga ito ang fixed marriage na muntikan ng ikasira nya sa pamilya ng magalit sya sa mga ito. Hanggang sa binaba ito sa kahit pakikipagrelasyon na lang. Na lalo naman hindi nya rin gugustuhin.

"Uwa. May punto naman ang magulang mo." aniya ng kanyang manager. "Hindi lang naman yun para sa kumpanya. Para din yun sayo, sa future mo.

Marami na din artist ang na-ugnay sa pangalan ng mga artista sa showbiz. Si Yael ng spongecola, diba asawa na ngayon ni Karylle? Si Kean ng Callalily, kay Chienna. Oh ikaw, kay Alicia. Maari ka din makilala bilang solo artist maliban sa banda mo."

"Music Industry ang gusto ko, at hindi showbiz. Diba ikaw ang Ate, Nanay, Lola at minsan ninang ng banda? Mas nakakatanda ka diba? Alam mo kung ano ang gusto at ayaw ko. Bakit mo pa pinipilit ang gusto nila na alam mo na ayaw ko?" matalim na sagot nya dito.

Isang buntong hininga naman ang unang sinagot ng talent manger sa kanya. At sinandal na din ang katawan sa inuupuan nitong sofa.

"Ayoko ng ganito. Naiipit ako sa inyo. Isa akong talent manager. Hindi ako psychologist, psychiatrist.. basta tawag doon sa mga doctor na kumakausap ng mga may sira sa pag - iisip." aniya nito na nakatingin sa kisame.

"Wala akong sira sa pag-iisip. Marahil sila. Stop worrying about them. Hindi ang sagot ko. Alam nila yun. Hindi ka na nila dapat pang gamitin para lang mapa-oo ako."

Muli itong umayos ng upo mula sa pagkasandal at lumapit ang upo sa kanya.

"What? Hey! Stop staring at me!" saway nya dito ng tinitigan sya ng malapitan.

"Kiddo. I-di-disband ng Daddy mo ang grupo, kapag hindi ka nakipagrelasyon kay Alicia." seryosong sabi nito sa kanya.

Sya naman napabalikwas ng upo at napatayo na din.

"Really? Ganun na ba sila ka-desperado?!" gigil na sambit nya. "Fine! Ehdi idisband nya!"

"Hoy. Grabe ka. Inisip mo ba yung mga kabanda mo kapag nadisband kayo? ikaw may pondo ka mula sa pamilya mo kaya maganda future mo. Eh sila? kumakayod sila. Pinaghihirapan nila yung bawat piso na tinatabi nila sa bangko nila para magkapondo. Iconsider mo naman sila, kami! na mawawalan ng hanapbuhay kapag nadisband to. " balyaw nito sa kanya.

Imbes na maencourage sya, ang mga sinabi ng talent manager ang nagpa-init ng kanyang ulo.

"Wow. Wow. Salamat at concern ka sa mga kabanda ko. Pero teka... May... may hinahanap ako eeh. Tsk. Yung concern mo sakin. Yung makipagrelasyon ako sa taong unggoy na yun na hindi ko naman mahal, ay OK lang ba para lang masabi ko na may consideration ako sa kabanda ko o sa inyo? Sinasabi mo ba na hindi ko pinaghirapan yung bawat performance ko, yung bawat pagkanta ko para makakuha ng malaking talent fee. Is that what you mean?!"

Umiling naman ito. "No Uwa. I just want - - - "

"What do you want?! Yung pagbigyan yung gusto ni Daddy?!" sigaw naman nya dito. Sya na rin paglapit ng mukha niya sa mukha ng talent manager. "Hindi ang sagot ko." at isang ngiti naman ang iniwan nya sa manager bago lumisan sa opisina nito. 

Rancho Castillo #2 : JOSHUA 'UWA' SANTOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon