Rancho Castillo Clubhouse
Si Kaori. Napangiwing ngiti sya ng makalapit ang kabayo sa club house at pagtingala sa veranda ng restaurant para tingnan kung sinong babae ang sumigaw ng pangalan nya kanina. At di nga sya nagkamali, ang kanyang talent manager.
"Do you miss me, Sweety?!" sigaw nya dito mula sa baba, at binigyan nya pa ito ng flying kiss.
As usual, poker face lang ang sagot nito sa kanya.
"WAIT ME THERE!" balyaw nito gamit ang megaphone.
Bumaba na din sya sa kabayo at pinasuyo ito sa staff para ibalik sa kwadra.
"Hey, Uwa. Nice game!" bati ni Elczar sa kanya at pagtapik sa kanyang balikat.
"Congrats! Natalo mo si Kuya." sambit ng isa sa kambal sa kanya.
Nakita na rin nya ang galit na mukha ng talent manager sa likod ng mga kaibigan. At palapit na din to sa kanya.
"See you later guys." tumakbo siya palayo sa mga ito papunta sa lockers room upang makapagpalit ng damit.
Sya naman rinig na rinig nya ang sigaw ng talent manager na humahabol sa kanya sa corridor ng club house.
Tumigil na din sya sa pagtakbo. At naabutan na rin naman sya nito at hinihingal.
"Ikaw... I - ikaw bata ka..." pahabol na pagsasalita nito habang hinihingal. Nakangiti lang din sya dito. "Ok. Ok. Ikaw. Makikipagtakbuhan ka ba sakin."
"Nope." akma naman na nyang bubuksan ang pinto ng lockers room ng hinatak naman ito pasara ng talent manager.
"Lets talk, Uwa." seryosong sambit nito sa kanya.
"You are not allowed here, Look. LOCKERS ROOM. Rancho members are here unless you are pervert to - - - Aray!!" pagtigil nya sa gustong sabihin ng kotongan sya nito. "Ok Ok! Wait mo ko sa verandaaa-"
"Hindi. Bilisan mo magpalit. Hihintayin kita dito mismo sa labas ng pintuan na to." masungit na sabi nito sa kanya.
Pumasok na rin sya ng lockers room.
"Ngiti ngiti ang baby Uwa namen aah. Sino yun huh!" tanong ni Rodnie sa kanya.
"Talent Manager."
"She looks beautiful. Single ba? I will ask her for a date." tugon ni Xander.
"Talo ka diba? Kaya magtigil ka." sagot nya dito.
Nagtawanan naman ang lahat. Isa si Xander sa kalaban nya kanina sa karera.
"I smell something... some.. something..." aniya ni Rozen.
"Yeah." pagsang-ayon ni Xander.
"Nahahawa ka na sa kabaklaan at kachismosa ng mga kapatid mo, Rozen." baling nya dito.
"Kapag ganyan dapat mas mabilis tayo, diba?" paghihikayat naman ni Rodnie sa mga kasama na sumang-ayon naman ang iba pang kalalakihan sa loob.
BLAAAAGGGG!
Pagbagsak ni Uwa sa kanyang locker bilang sagot sa nagiging usapan.
Ngunit imbes na mabigla ang mga kasama, ito naman ay lalong nagtawanan.
"Chill, bro. Galaw galaw. Mauunahan ka talaga ng iba. Kita mong mga magagandang lalaki ang kalaban mo." aniya muli ni Xander.
"Sabi nga ng mga babae sa labas, son of God and Goddesses." tinaas naman ni Rodnie ang kanyang magkabilang kamay.
Binato naman nya ito ng damit na basa ng pawis.
"Ayan. Basbas ko sa iyo bilang anak ng Diyos." sambit nya dito at muling nagtawanan ang magkakaibigan.
Tik... tok... tik.... tok...
Mag isang oras na din nyang hinahantay ang paglabas ni Uwa mula sa lockers room.
"Loko-loko yun aah. Sinabi na ngang bilisan! Aba.. Hmm. di kaya may isa pang pintuan sa loob at doon sya dumaan palabas?" pag-iisip ni Kaori.
"Any problem?" aniya ng dalaga na papalapit sa kanya.
"Oh. Ms Lustre." bati nya dito. isa sa mga kambal. "Hinihintay ko lang po si Uwa."
"Oh. I see." kumatok naman ang dalaga sa pinto ng lockers room. "Uwa labas na. Ilan oras mo to paghihintayin?"
"I can take care of Ms. Kaori." aniya ni Elczar ng may kalakasan ang boses, na kasama ng dalaga.
Nang sya naman pagbukas ng pinto.
"Oh. Uwa. Can I date your talent manager tonight?" aniya ni Elczar kay Uwa paglabas ng pintuan.
"BACK OFF." aniya ng mga kalalakihan na sunod sunod din na lumabas sa lockers room.
Itong lockers room ba ang daanan ng langit? Bakit may mga anghel na naglalabasan sa pintuan na ito? Lord! Napakabuti mo sa akin!!!
"This is Kaori." pagpapakilala sa kanya ni Uwa. "My girlfriend." sya naman napabiglang lingon kay Uwa sa sinabi nito, at mabilis gumalaw ang kanyang kamay sa pagkurot sa tagiliran nito. "Aaarrayyy!!"
"Kaori Hidalgo, his talent manager." pagpapakilala nya sa sarili.
"Im Rozen Lustre, the owner of this club. That is my sister, Aaya." kumaway naman sa kanya ang dalaga. "Kung may makasalubong ka na kamukha nya, si Raya yun. Twinny. Enjoy your stay here in my club. Si Uwa naman ang bahala sayo. Just let me know kapag may ginawang kalokohan ito, ipapasipa ko sa kabayo nya yan palabas ng rancho castillo." aniya nito sa kanya. At isa isa na rin nagpakilala ang mga kalalakihan sa kanya.
Ang ya-Yummy naman ng mga ito. Palong palo pala ang haba ng byahe ko. Kung naririnig mo ako Lord, maraming salamat at nakarating ako sa mundo ng mga ito!
"Lets go, sweety. Marami pa tayong pag-uusapan diba.. at gagawin." aniya nito sa kanya na may kasamang nakakalokong ngiti. "Namiss mo ba ako ng sobra?" aniya nito sa kanya sabay ng pag-akbay at paghatak sa kanya paalis sa kumpulan ng ulam este ng mga kalalakihan.
Kinurot naman nyang muli ang taglirian nito pero mas lalong hinigpitan nito ang pag-akbay sa kanya at nakangiti pa rin ng nakakaloko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Rancho Castillo #2 : JOSHUA 'UWA' SANTOS
RomansaHalos tatlong buwan na rin mula ng mawala na parang bula si Uwa. Kahit sino din sa mga band member nito ay di alam saan sya ngayon nagtatago. Sabagay, sya nga mismo na talent manager ni Uwa ay walang alam. "Ate, tatlong buwan na tayo walang raket. U...