PART 10

25 2 0
                                    

Apat na araw na din sya nasa rancho, pero hindi nya pa rin napapa-payag si Uwa na bumalik na sa banda at Manila. Laging balik na sagot lang nito, ay kung pumapayag sya magpakasal.

Araw-araw din ito nakikipagkarera sa mga karancho nito, at sya naman manonood ng laban mula sa veranda ng restaurant kasama ang ibang karancho nito at ang kambal.

At sa bawat paglipas ng araw na magkasama sila, ay ang mabilis naman na pagsibol muli ng nararamdaman nya para dito. Pinipilit nya man pigilan, kusa itong nagwawala sa kanyang puso at gustong lumabas, isipin nya pa na apat na araw na din silang magkatabi matulog.

Siguro nga, hindi na bata ang isipan ni Uwa. Alam nito at sigurado na mahal sya sa bawat salita na binibitawan sa kanya. Ngunit ang kanyang isip naman ay lumalaban sa nararamdaman.

"Mukhang malalim iniisip mo aah." aniya ng isang kambal. "2 days from now, welcome party na ng Rancho Castillo. Mag on the spot rehearsal ba ang Whoop pick?"

"Hindi pa rin sumasagot si Uwa." batid ang lungkot nya sa kanyang boses.

"Or baka naman ikaw ang hindi pa sumasagot?" baling naman ng isa sa kambal.

Natawa naman sya. Na seryosong nakatingin ang kambal sa kanya. "Sorry, natawa ako." aniya nya sa mga ito.

"Mahal mo ba? Ay ... mali mali. Mahal mo pa ba?" tanong muli ng isa sa kambal

"Anong mahal mo pa ba?!" balik na tanong nya dito,

"Diba puppy love nyo ang isa't isa?" patuloy na pagtatanong ni Aaya.

"Huh? Paano nyo nalalaman ang mga detalye ---"

"Three months ago, dumating dito si Uwa. tapos yun .. kita mo yung Drink A Bit bar doon? Nagpakalunod sya sa alak. Tapos umiyak si baby Uwa. Broken hearted daw sya kay Kaori. Sino si Kaori? Yung talent manager daw nya, na unang minahal nya, at una din na nangbasted sa kanya. Sabi naman daw ni Jordan, crush mo din sya kaya tinuloy nya yung panliligaw. Tapos basted sya dahil machild-abuse ka daw. Kaya excited sya mag 18 years old, ang kaso, malandi ka .. may boyfriend ka daw nun. So syempre, chika dito chika doon. Hanggang sa nalaman namen ang buong story." napanganga naman sya sa mga nasambit ng dalaga. "By the way, Im Raya." nakangiting pagpapakilala nito sa kanya.

Muli naman nabaling ang kanyang paningin sa field kung saan nagkakarera ang kabayo.

Hindi nya lubos maisip na pagkatapos ng usapan nila sa opisina, ay nagpakalunod ito sa alak dito sa rancho castillo.

"Oh! Panalo ulit si Uwa?!" aniya naman ni Xander na biglang sumulpot mula sa likod nila.

"Kawawang Elczar. Ilang araw na syang nilalampaso ni Uwa aah." ani naman ni LA.

"Syempre. Andito si Kaori, magpapatalo ba yan? Kita mong anak yan ni Lucifer, kaya mayabang." aniya naman ni Rodnie na kasama ni Xander at L.A.

Nakita naman nya na patakbo na rin ang kabayo nito palapit sa clubhouse at kumakaway sa kanya.

"Salubungin mo na." aniya ni Aaya sa kanya.

Nagkusa naman ang kanyang paa na bumaba sa clubhouse. At sumalubong sa kanya ang malapad na ngiti ng binata.

"Pawis na pawis ka." aniya dito na nakatingala dahil nakasakay pa din ito sa kabayo. Naglahad naman ito ng kamay sa kanya. "Huh?"

"Oo nga eeh. Kaya kailangan ko na ng asawa na mag-aalaga sakin." isang kindat naman ang binigay nito sa kanya. "Tara, sakay ka. Mabait to si Wiki" sagot naman ng binata.

Tinanggap na din naman nya ang kamay at tinulungan sya makasampa sa likod ng kabayo. Sa harap sya ng binata nakapwesto.

"Hindi pa kita nalilibot dito. Maganda ngayon ang view sa Mt.Ulap kapag doon tayo sa taas." tinuro nito ang ang isang bahagi ng rancho at sinimulan na din patakbuhin ang kabayo na syang napasandal sa binata. "Its Okay." nakangiting sambit nito sa kanya, at naramdaman niya ang paulit ulit na pagdampi ng labi nito sa pagitan ng kanyang leeg at balikat.

Rancho Castillo #2 : JOSHUA 'UWA' SANTOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon