Malambing na tugtog ng gitara ang nagpagising sa kanyang diwa. Pag mulat ng kanyang mata madilim na ang paligid ng veranda, bukas naman ang lampshade na nakapatong sa centertable.
Napalingon naman sya sa binata na may na hawak na gitara.
"Sorry. Nagising ba kita?" tanong nito sa kanya. Umiling naman sya bilang sagot na hindi. "May ginawa ako na kanta, gusto mo pakinggan?"
"Sige." sagot nya dito na pupungay pungay pa ang mata, Nagtanggal ng muta, at sya naman ng umupo sa duyan mula sa pagkahiga.
"Sa bawat araw, ikaw ang laman,
Ng puso at isipan, di alam saan ang daan.
Patungo sa liwanag, na magkaroon ng Tayo
Ikaw at ako, sa mundong hindi perpekto...."
Patuloy ito sa pagbigkas ng lyrics ng kanta at pagtipa ng gitara. Love song pala ang sinulat nito.
"Maganda ba?" baling nito sa kanya sa pagtatapos ng kanta.
"Oo. malalim ang hugot. At for sure papatok yan sa masa." nag-thumbs-up naman sya dito bilang senyales na maganda ang inawit nito.
"Kanta ko yan para sayo, tinamaan ka ba?" nakangiting baling nito sa kanya.
"Huh? Hahaha. Hindi."
"Sanay na ako sa pagiging manhid mo." nakangiting balik naman nito sa kanya.
"Saan ka galing?" tanong nya rito, sya naman ay tumayo na din at papunta sa pintuan pababa ng hagdan.
"Dyan lang. May pagkain na din pala sa baba. Nag-order na ako." aniya nito sa kanya at binitawan na din ang gitara at sabay na din nagtungo sa kusina.
Habang kumakain ay sila naman nagkwentuhan at nagtawanan sa pag-alala ng mga nakaraan pangyayari nila habang pasibol pa lang ang banda. Awkward? Siguro oo, pero hindi nya pinapansin ang nararamdaman na ito, makakasira lang ito sa kanilang mood. Pinipilit nya na maging normal muli ang samahan nila ng binata.
Pagkatapos kumain, ay naglaro naman sila ng ps4. Tekken. paulit-ulit na rematch. At hanggang sa nagsawa na lang din sila.
"Inaantok ka na?" tanong nya dito ng mapansin ang paghikab.
"Medyo." aniya naman nito.
"Matulog ka na. Ako na magpapatay nito." aniya niya dito, di naman na din sumagot ang binata at dumiretso na sa kwarto.
Pagkatapos nyang patayin ang t.v at ps4, ay sya naman na din sumunod dito sa kwarto.
"Wala ka bang comforter dyan or extra na higaan? Dito na lang ako sa sahig." aniya niya, na kumilos naman paharap sa kanya ang binata mula sa pagkahiga.
Tinapik naman nito ang kalahating parte ng kama. "Dito ka." aniya nito sa kanya.
"Huwag makulit, Uwa. Para tayon ----" hinila na din sya nito at dahil napa-out of balance, sya naman paghampas ng mukha sa dibdib ng binata.
"Hey, Uwaa!" hampas nya sa dibdib nito para pakawalan sya.
"Goodnight." ito lang ang sagot sa kanya. Pinilit nya makawala pero hinigpitan nito ang pagkayakap sa kanya,
Pagkalipas ng isang oras .. unti-unti na din lumuluwang ang yakap sa kanya, na unti-unti rin syang gumagalaw pakawala sa yakap. Tulog na si Uwa.
Sya naman napatingala sa mukha nito, isang dangkal lang ang layo mula naman sa kanyang mukha. Ramdam nya ang init ng hininga nito na dumadampi sa malapit na mukha,
Muli na naman may kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan, na nagpabilis ng tibok ng kanyang puso. Nararamdaman nya na nabubuhay muli ang nararamdaman na pagmamahal dito. Para malabanan iyon noon, pinilit nya ang puso na magmahal ng iba, na sya naman din tatlong beses napagtagumpayan, ngunit bigo naman ang ending ng love story niya.
Bilib din sya sa binata dahil nung araw na binasted nga nya ito, hindi naman nagbago ang kulit at pakikitungo sa kanya. Hanggang sa magkaroon din sya ng nobyo, ay normal ang kanilang pakikipag-usap sa isa't isa.
Nabigla man sya sa naging confession nito kaninang umaga, kasabay naman nito ang pagkatuwa ng kanyang puso. Na sa paglipas ng taon, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal nito sa kanya.
"Alam mo, kung ako lang masusunod, at di ko iisipin ang opinyon ng magulang mo, o ng mga tao na nakapaligid saten, papatulan ko na talaga yang mga pagbibiro mo ... " aniya niya dito habang nakatingin sa nakapikit na binata. Sya naman paghawak sa kanyang labi at naaalala ang mga nakaw na halik nito sa kanya. Dahan dahan naman niyang inilapat ang kamay sa pisngi ng binata.
"Pagbibigyan kita ngayon na katabi mo ko matulog, pero bukas! Hindi na .. Ok!?" aniya niya na parang tanga sa sarili na kausapin ang isang tulog. Napangiti naman sya at pumikit na rin. Unti unti na din sya nilamon ng antok habang nakayakap ang binata sa kanya.

BINABASA MO ANG
Rancho Castillo #2 : JOSHUA 'UWA' SANTOS
RomanceHalos tatlong buwan na rin mula ng mawala na parang bula si Uwa. Kahit sino din sa mga band member nito ay di alam saan sya ngayon nagtatago. Sabagay, sya nga mismo na talent manager ni Uwa ay walang alam. "Ate, tatlong buwan na tayo walang raket. U...