Kabanata 2

5.2K 107 0
                                    

Kakatapos lang namin bumili ni anika, at ngayon papalabas na kami ng jollibee

"Hala andami naman nito, sabi ko sayo wag kana gagastos eh"nag aalalang sabi ni anika

"Ano kaba, maliit na bagay lang yan"nakangiting wika ko habang hawak ko ang ibang supot ng pag kain na binili namin

Huminto kami sa labas ng kotse, kasabay nito ang pag labas ni manong na may pag tataka ang mukha

"Andami nyo naman atang binili"takang tanong nito,sabay sarado sa pinto ng kotse at lumapit sa amin

"Eto kasing si ma'am papa andaming binili, sabi ko nga po wag na dahil sayang ang pera"sumbong nito sa ama

"Maliit lang po na bagay ito, tsaka isipin nyo nalang po na pasasalamat kopo sa inyo, dahil sa mga tulong na binibigay nyopo sa akin"nakangiti kong tugon, na nag pa buntong hininga kay manong

"Hayy, hayaan na natin nadyan na din yan, hali na kayo pasok na, para makauwi na tayo agad"walang magawang sabi ni manong, habang pinagbukas kami ng pinto, napangiti naman ako at agad na pumasok

------------

Huminto ang kotse sa harap ng isang bahay na hindi malaki, at hindi maliit, parang sakto lang

"Tara na, tara na, ipapakilala kita kay mama"nakangiting hila sa akin ni anika, habang papalabas ng kotse

"Dahan dahan lang, wag tumakbo anika"sigaw ng kanyang ama

"Opo pa"nakangiting sigaw din ni anika , dahil nasa loob na kami ng kanilang gate, habag ang ama nito, ay ipinaparada ang taxi nito

Daling daling binuksan ni anika ang pintuan nila, habang sumisigaw, ang kabilang kamay nito ay, hawak nito ang aking kamay, habang ang kabila naman ay hawak nito ang ibang supot na binili namin sa jollibee kanina, habang ang iba ay nasa akin

"Ma, nandito na kami" nakangiting sigaw nito

"Nasaan ka ma, justine nandito na si ate"sigaw nito habang inihila parin ako, maya maya ay lumabas ang isang ginang na sumisigaw ,galing ata sa kusina, naka apron pa kase ito, kaya ganon

"Ano kabang bata ka, bakit kaba sumisigaw, muntik nakong hatakihin sayo"sabi ng kanyang ina habang nag pupunas, kasabay naman ng pag pasok ni manong

Inilibot ko naman ang aking paningin, at nakita kong maayos ang mga kagamitan

"Amanda, may kasama kami, dito muna sya hanggat wala syang matutuluyan"sabay akbay sa asawa nito, at halik sa buhok, na nag pangiti sa akin, napakasweet naman nila, napaangat naman ang ginang at napatingin sa akin, dali dali itong lumapit sa akin, at hinawakan ang aking mukha

"Nakaganda mong bata, hija"nakangiti nitong sabi

"Yun nga din yung sinabi ko kanina ma, ang ganda nya talaga no, lumalaban kaba sa contest"tanong ni anika, habang nakangiti

"Sa new york,"nakangiti kong sagot

"Wow naman"nakangiting sabi nito, habang nilalapag ang mga binili namin , sa pinaka malapit na table

"Oh mamaya na yang kwentuhan, kumain na muna tayo, naka handa na ang pag kain sa kusina"nakangiting sabi ni tita amanda

"Halika na punta na tayo sa kusina"nakangiting sabi naman ni tito, kinuha naman ni anika ang mga binili namin at pumunta ng kusina, inakay naman ako ng kanyang ina

"Hija, pwede bang mag tanong"tanong nito

"Ano po iyon"nakangiti kong tanong

"Taga saan kaba"tanong nito

"New york po"sagot ko, na nay sakit sa mga aking mga mata, kapag talaga naaalala ko ang new york na yan, bumibigat ang aking puso

"Sa tingin ko, may dinadamdam kang sakit ng loob, kung saan ka nang galing"habang inaalalayan ako nito paupo

"Justine, bumaba kana dyan kakain na"sigaw ni anika , habang nakatingin sa second floor, at umupo naman ito sa tabi ko, napabaling naman uli ang aking maningin sa ina nito, ngumiti ako dito

"Lumayas po ako sa amin"sagot ko, habang nakayuko na nag pagulat sa sakanila

"Pero bakit"nagtatakang tanong ni anika, mas lalo naman akong napayuko

"Pasensya na kayo, ayoko napo kasing pag usapan yan, sobrang sakit po kasi"naluluha kong sabi, pinatahan naman ako ni anika, at ng kanyang ina

"Tahan na, alam ko may rason ka kung bakit ka umalis, naiintindihan ka namin, sa ngayon kung wala kang matutuluyan pwede ka muna dito"nakangiting sabi ng kanyang ina, habang pinupunasan ang aking luha

"Salamat po sa inyo, pero isang araw lang po akong makikitira sainyo, aalis rin po ako sa wenesday,"naka ngiting kong sabi

"Sigurado kaba dyan hija, kung aalis ka dito saan ka naman pupunta"tanong ni manong

"Naisipan kopong sa probinsya nalang po pumunta"nakangiting sabi ko naman , na tinanguan nya

"Saang probinsya naman"tanong ni anika, habang kumukuha ng pag kain, kasabay naman nito ang pasok ng kapatid nilang lalaki

"Ate"sigaw nito sabay yakap sa ate nya, napatingin naman ito sa akin, at ngumiti, napaka cute nito

"Hello po"nakangiting wagayway nito

"Hi"nakangiti kong sabi , na nagpahagikgik sa kanya

"Ikaw justine ha, kumain kana nga munang bata ka"nakangiting saway ni anika sa kapatid

"Opo ate"sagot naman ng kapatid nito, at umupp sa bakanteng upuan

The Heir Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon