"Kaya mo paba"tanong ni nesa. Ngunit imbis na sagutin ko ito ay nag patuloy ako.
"Sobrang bata kopa nang mamatay sila. At hindi alam ng step mom ko na nakita ko ang mga litratong iyon. Nang mamatay ang aking ama ay sya namang pag reyna reyna ng mga ito sa mansion. Pinalayas nila ako sa sarili kong kwarto. At kinuha lahat ng mamahalin kong gamit. Nung time na yon hindi nila ako mapalayas dahil sa akin lahat nakapangalan ang lahat-lahat ng ari arian ng aking ama at ina. Kaya naman imbis na palayasin ay ikinulong nila ako sa kulungan nang mga aso namin. Ilang taon nila akong ginawang aso."umiiyak na sambit ko. Nakita ko ang mga luha na galing sa kanilang mga mata na naawa sa sinapit ko.
"Kaya naman isang araw ay may naisipan akong paraan. Sinubukan kong makiusap sa Stepmom kong bruha. Na kung pwede ay mag aral ako at kuhanin ang kursong abogada pag dating ng panahon. kahit na ang kapalit nalang non ay ang paninilbihan ko Sakanila. Nakakatawa diba. Ako pa ang nakikiusap sa sarili kong pamamahay. Ngunit yun nalang ang natatanging paraan na naiisip ko. Upang pag dating nang araw ay makuha ko ang hustisya na para sa pamilya ko. Madali ko namang nakuha ang loob nito. Pinag aral nila ako gamit ang pera ko. At ginawang alipin sa sarili kong mansion. Wala akong kalaban laban dahil sino nga ba ako isang batang walang muwang at wala pa sa wastong idad. At hindi ko sila pwedeng palayasin dahil ito ang tumatayong ina ko dahil kasal sila ng ama ko."paghihinagpis kong sambit habang dumadaloy ang aking mga luha.
"At habang nag aaral ako nakilala ko ang isang lalake. Naging kaibigan ko ito at kalaunan ay naging boyfriend ko. Pero bullshit nalang ang walang ganti. Ginago ako. Niloko nila ako ng sarili kong step sister. Nakita ko ang mga ito na gumagawa ng milagro sa sarili kong kwarto na inangkin ng babaita. Ginawa nila akong tanga pero imbis na saktan ko sila ako pa ang sinaktan nila. Binugbog nila ako. nilang lahat. At kinulong ulit. Ngunit hindi na sa isang kulungan kundi sa isang budega. Kasabay ng pag papahirap sa akin. Naalala kopa ang mga pag hampas ng mga sinturon. Sa aking hita. Sa aking likod. At sa buong katawan. Kaya naman hindi ko na ito matiis. Nag tangka ako tumakas ngunit nahuli nila ako at pinagbubogbog. Sobra ang hirap na dinanas ko. "Umiiyak na lintaya ko sa kanila.
"Mga wala silang puso."umiiyak na sambit ni nesa.
"Pero paano ka nakatakas"umiiyak na tanong ni ica.
"May tumulong sa akin"nakangiting sambit ko. Kasabay ng pag daloy ng luha ko.
Tinignan naman ako ng mga ito na parang nag tatanong kung sino.
"Ang mayordoma namin sa mansyon"nakangiti kong sambit.
BINABASA MO ANG
The Heir Revenge (COMPLETED)
RomanceHow if two people will met in unexpected way. Tania need to hide her true identity. Because of her stepmother who torture her. And now tania need a job to provide her need. When she met this girl named Anika. Ay tinulungan sya nito na mamasukan sa...