Kabanata 32

2.7K 65 0
                                    

Ilang araw narin mula ng mangyari ang gabing iyon. At hanggang ngayon ay marami paring tanong ang pumasok sa isip ko. Katulad ng ano bang ginawa ng pamilya ko sa kapatid nito. Ano ba talaga ang nangyari. At sa pag babalik ko ng mansyon. ay tinotoo nga nito ang pag papahirap sa akin.

Sa nakalipas na araw sobra ang pagod ko. Gigising ng maaga. matutulog ng puyat. Andaming pinapagawa nito. Pag lilinis ng kulungan ng aso. Pag lilinis ng pool. Pag kiskis ng hagdan. Pag paplansa. Pag luluto. Pag huhugas ng plato. Pag didilig ng mga halaman. At pati ang pag lalaba. Minsan nga natataranta ako dahil sa kakautos nito. at parang halos lahat ng gawain ay ako na ang gumagawa. Kapag naman kumokontra ako. Sasabihin nito. "Hindi kita binabayaran para lang mag aliw waliw dyan. Mag trabaho ka" sambit nito. Kahit na gusto akong tulungan nila anika. Ay wala silang magawa dahil kapag tutulong sila. Pinapagalitan sila ng binata. Kaya patago nalang nilang ginagawa. Kapag nakatalikod si Lance. Lagi kasing nakabantay.

At kung makatingin. Daig pa ang yelo. Dahil sa sobrang lamig. At ngayon kakatapos ko lang mag hugas ng plato.

"Hay salamat makakapag pahinga narin"bulong ko habang paakyat ng hagdan. Nang makasalubong ko si ms.wall

"Pumunta ka sa kwarto ng señorito. Pinapatawag ka nito."sambit nito sa akin na ikinabuntong ko. At agad na tumango. Bago ito bumaba.

"Bwisit talaga yang lalaking yan.", naiiritang bulong ko at pumunta sa kwarto nito.

Pag dating ko sa tapat ng pinto nito. Ay agad akong kumatok ng tatlong beses.

"Pasok"rinig kong sambit nito. At nang makapasok ako ay nakita ko itong suot lamang ang isang Jagger pants at agad naman akong napabaling pakabila ng makita ko ito na walang pang-itaas na damit.

Nakita kong igi nesture nito ang kamay na parang pinapalapitan ako. Habang nakaupo ito sa kanyang mahabang sofa. Agad naman akong lumapit at nakita kong itinuturo nito ang kanyang ulo habang nakapikit. Kaya naman dali dali akong lumapit at hinilot ito. Maya maya pa ay bigla itong nag salita.

"Ikuha moko ng milk"sambit nito na agad ko namang sinunod.

Inilahad ko rito ang dalang milk na gusto nito. Na kinuha naman agad nito. Iinumin na sana nito ang gatas nang bigla itong mapa tigil at inamoy ang laman.

"Juice nalang pala"sambit nito sabay balik sa akin ng baso. Na ikina singhap ko naman. Dahil alam kong pinapahirapan na naman ako nito.

Kinuha ko ang nakalahad na gatas at bumaba. Habang nagtitimpla ay biglang namang pumasok si ali sa loob ng kusina.

"Hindi kapa tapos"tanong nito na ikinatango ko naman. Sabay buntong hininga. Pagod na kasi akong mag salita. Gusto ko nang mag pahinga.

"Sobrang late na. Hinihintay ka ng mga kasama natin. Gusto man kitang tulungan. Kaso baka mamaya ako naman ang mapagalitan"sambit nito habang nakayuko. Ibinaba ko saglit ang hawak kong juice na hinahalo ko kanina. Bago hinawakan ang kamay nito.

"Shh alam ko. Salamat sa inyo hmmm. Hintayin ninyo ako sa kwarto"pilit na ngiti kong sambit.

"Bakit kaya. hindi mo nalang sabihin sa kanya. Sabihin mo sa kanya lahat ng pinagdaanan mo"mariing sambit nito habang naka titig sa akin ng mariin. Na agad ko namang ikina iling.

"No. Hindi pwede. Mangako ka sakin na hindi makakalabas satin ang pinag usapan natin sa bogac. Please. Promise me"bulong at mariin kong sambit habang nakatitig sa kanya. Nakita ko naman ang awa sa kanyang mga mata. Bago tumango.

"I promise"bulong na sambit nito na ikinangiti ko.

The Heir Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon