Kabanata 33

2.7K 67 0
                                    

Habang dala-dala ang juice nito na paakyat ng hagdan. Ay nag iisip ako. Kung bakit laging ganito ang buhay ko puro pag papahirap nalang lagi.

"Kailan ba ko mabubuhay ng matiwasay"bulong ko. Maya-maya pa ay nakarating na ako sa harap ng pinto nito. At wala nang katok katok. Sabay Pasok na agad.Inilahad ko ang juice nito ngunit tinignan lamang nito at tumikhim.

"Nag bago na ang isip ko. Antagal mo kasi. Tsaka ayoko na nang malamig. Coffee nalang"sambit nito habang naka ngisi sa akin na ikinainis ko ng sobra. Hindi nako makapag timpi ilang na nitong pinapahirapan ako. Sa hindi ko namang malamang dahilan.

"Ano ba naman. Lagi nalang ganito. ano bang kasalanan nang magulang ko ha"sigaw ko dito kasabay ng pag-uunahan sa pag tulo ng aking luha. Ngunit nakita ko lamang itong nakatingin sa akin na naka tulala.

"Ano. Sumagot ka naman. Pagod na pagod nako. Kaya please sabihin mo sakin. Please sabihin mo. Please. Please. Pagod na pagod na kasi ako."humahagulgol na sambit ko at napaluhod.

Nagulat naman ako ng bilang sinipa nito ang table sa may gilid. Narinig ko naman ang mga yapak nila ms.wall sa labas. Ngunit alam kong ayaw nilang makialam.

"Gusto mo talagang malaman ha. Oh sige yang walang hiya mong magulang kinidnap kami 3 years ago. Kasama ang kapatid ko at ang girlfriend ko na buntis."sambit nito kasabay ng mga nag uunahang luha sa kanyang mga mata. Na nag pagulat sakin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa narinig ko. Naramdaman ko naman ang pag upo nito upang mapantayan ako na naka luhod.

"Nakita ng mismong mata ko kung paano nila ginahasa ang dalawang babaeng mahalaga sa buhay ko. Kung paano nila pinaglaruan nang paulit-ulit sa harapan ko. At kung paano nila pinatay ang dalawang tao na sobrang importante sakin. Ha. Paano. Walang kapatawaran ang ginawa ninyo"sigaw nito habang ang mga bagang nito ay nanggagalaiti. Bakas dito ang galit na sobrang ikinatakot ko. Nakita kong susuntukin na sana ako nito kaya napapikit ako. Ngunit naramdaman ko nalamang ang pag giba ng mesa sa gilid ko.

"Umalis ka nang mansyon. Baka Kung ano pang magawa ko sayo"sambit nito. Habang nakatingin sa isang gilid. Na sobrang ikinataranta ko.  Kaya naman lumapit ako rito at hinawakan ang paa nito.

"Maniwala ka sakin hindi magagawa ng magulang ko yan. Maniwala ka sakin parang awa muna"humahagulgol na sambit ko.

"Umalis Kana"sigaw nito sabay tabig saking kamay. Ngunit hinawakan ko parin ang paa nito.

"Wag naman ganito please alam mong wala akong mapupuntahan. Parang awa muna wag ganito. Please kahit yung pinagsamahan nalang natin. Please parang awa muna." Impit na iyak ko.

"Wala tayong pinagsamahan"malamig na sambit nito na nag paguho ng damdamin ko.

"Please parang awa muna diba minahal mo naman ako. Please"humahagulgol kong tanong.

Naramdaman ko naman ang pag upo nito.

"Kahit kailan hindi ko mamahalin ang isang tulad mo. Na mamatay tao ang pamilya"malamig na sambit nito. Na nag patulala sakin. Kasabay ng pag labas nito.

The Heir Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon