Kabanata 6

3.9K 94 0
                                    

Tumigil ang kotse sa gitna ng isang lumang mansyon, at nakita kong malayo ang agwat ng bawat kabahayan, sa mansyong ito, sobrang luma na, nang makapal na bakal na gate

Bigla itong bumukas, kaya iniusad na ni manong ang kotse , nakita ko ang matatayog na mga puno, at ang mga mapupulang bulaklak sa paligid

Tumigil ang kotse sa harap ng mountain, at pinag buksan ako ni manong ng pinto, inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid, at nakita ko ang sobrang malinis na kapaligiran, nang humarap ako sa malaking mansyon, ay napangiwi ako, dahil sobrang luma na nito, as in sobrang luma

Nakikita ko ang mga kurtinang nagsisiliparan sa itaas, at ang mga ibang bintana na nakabukas

"Napaka luma nga"bulong ko

"Mag iingat kayo ma'am"biglang sabi ni manong

"Ano pong ibig nyong sabihin"tanong ko

"Baka po----"sabi sana nito nang biglang may sumigaw

"Alberto"sabi ng isang ginang, na kakalabas lang ata ng mansyon, at sa tingin ko, ito ang namamahala sa mansyon, nakita kong binigyan nya si manong driver nang makahulungang tingin, na nag payuko sa driver

"Ikaw ba si Tania"Maotoridad na tanong nito, na agad ko naman tinanguan, nakakatakot kasi

"Sumunod ka sakin" sabay talikod nito at nag lakad kaya naman agad akong napa sunod, habang hawak ang aking maleta, na binaba kanina ni manong

"Sige manong pasok nako ha"nakangiti kong sabi habang winawagayway ang aking kamay, habang nakatalikod

Pag pasok sa mansyon ay agad na nag sitayuan ang aking mga balahibo sa hindi ko malamang dahilan, hindi ko alam kung bakit, pero nararamdaman kong sa bawat galaw ko ay may nakatingin sa akin, agad akong napapitlag at nagulat ng paluin ako ng pamaypay ni manang

"ayy" sigaw ko

"Ano ba, bakit kaba sumisigaw, kanina pa kita kinakausap"sigaw nito, kaya agad naman akong nayuko

"Ihahatid muna kita sa magiging kwarto mo, maligo kana muna at mag asikaso, at bumaba ka ulit, bago lumitaw ang dilim, upang makapag luto pa tayo, naiintindihan mo"Sigaw nito, na agad na nag patango sa akin, agad naman akong sumunod dito ng mag lakad ito paakyat sa hagdan

Inilibot ko ang aking paningin, at nakita ko ang mga antik na mga gamit, sobrang kinis ng mga ito, na parang laging nililinis at hindi inahayaang mabahiran ng maduduming mga bagay

Ang mga rosas na mapupula pa sa mga labi, at alam kong bagong mga pitas ang mga ito, dahil sobrang fresh nito, at ang mga chandelier sa itaas na parang crystal, maya maya ay napahinto kami sa isang kwarto

"Maids Room"bulong ko

Binuksan nito ang pinto at nakita ko ang ibang katulong, na alam kong hindi rin nalalayo sa idad ko, nang makita nilang pumasok ang ginang , ay agad na nag sitayuan ang mga ito, at sabay sabay na yumuko, at bumati

"Magandang gabi po, Ms. Wall"sabay sabay na banggit nila

"Makinig kayong lahat"sigaw nito

"Eto ang bago nyong kasamahan, si Tania Ramirez, tratuhin nyo sya ng maayos"sigaw nito, na agad namang tinanguan nang lahat at sumigaw ng sabay sabay, na nag pagulat sa akin

"Opo Ms. Wall"sabay sabay ulit na sabi nila, at yumuko ulit

"Nesa"tawag nang ginang

"Ms. Wall"tanong at sabay akbang ng isang babae

"Ibigay mo kay tania, ang susuotin nya mamaya,"utos nito

"Masusunod po, Ms. Wall"sagot nito habang nakayuko

"Mauuna nako, at mag si handa na kayo"sigaw nito sabay lakad palabas

"Opo, Ms. Wall"sabay sabay ulit na sabi nila habang nakayuko, kaya naman yumuko narin ako

Nang sumarado na ang pintuan ay, agad na nasibuntungan ang lahat

"Hayy, nakakatakot talaga, agad akong mamatay  sa kaba kay Ms. Wall"bulong nang isa

"Anong sinabi mo ha, gusto mo bang malaman yan ni Ms. Wall"wika ng isang babae, na nesa ata ang pangalan nito, sa pag kakatanda ko

"Sip sip ka talagang babae ka"sabi naman nang isang babae

"Anong sinabi mo ha, ali"sigaw naman ni nesa, sasampalin na sana nito ang babae ng saluhin ng babae ang kanyang kamay

"Masyado ka naman atang guilty nesa"naka ngising sabi nito, na nag pangit ngit sa ngipin ni nesa

"Pag kaharap si Ms. Wall, parang anghel, pero kapag kaharap tayo, daig pa ang demonyo"tuloy pa nang babae, mag sasalita sana ang babae nang may biglang nag salita pa , na isang babae

"Tumigil na nga kayo, baka Marinig tayo ni Ms. Wall, o kaya ni señorito, tumi-------"sabi sana nito

"Tumigil ka ngang bruha ka, hindi kita kinakausap"Sigaw nito

"Ikaw ang tumigil, tsaka wag mo ngang tinatawag na bruha si ica"rinig kong sigaw nung si ali

"Bakit totoo naman bruha tong babae to"sigaw ni nesa sabay sabunot sa buhok ni ica

"Mukhang magandang panoorin to ha"bulong ko habang naka ngisi at sumandal sa pader, habang nakacross ang aking mga kamay

"Maganda nga, patay naman tayong lahat mamaya"rinig kong sabi ng isang babae sa tabi ko, na nag pangisi sakin

"Mukhang mag eenjoy ako dito huh"bulong ko, na nag pailing dito

"Bitawan mo nga ako"sigaw nung ica

"Bitawan mo nga sya" sigaw nung ali, habang tinutulak sya ni nesa, bali ang isang kamay nito ay nakahawak sa buhok ni ica, at ang isa naman, ay tinutulak si ali

"Pano kung ayoko" nakangising sabi ni nesa

"Ahh ayaw mo"naiinis na sabi ni ali, at biglang hinatak si nesa at sinabutan, kaya naman ayun naging resling ang dating, pinapatigil na sila nang katabi ko,  pero parang wala silang naririnig, maya maya pa ay biglang may kumalabog, Galing sa itaas, sobrang lakas nito, kaya naman alam kong rinig ito sa buong mansyon

"Damn yan naba sinasabi ko"bulong nang babae , na nag pataka sakin, at nakita ko ang mga kasamahan ko na nanginig at bakas ang takot sakanilang mga mukha at mata

The Heir Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon