Everything so fast ikinasal kami agad. Upang maagang masimulan ang mga balak at dapat gawin. Hindi ko alam na nasa bente sais na pala ito. Ang akala ko noon ay matanda lamang ito sa akin nang isang taon.
Naging maayos ang lahat nang dapat gawin. Ikinasal kami sa west agad-agad. Dahil ayaw na naming mag sayang nang oras after this reception ay kakausapin ko si Lance. Upang sabihin rito na wag syang mag alala. Alam kong ginawa lang nito ang kasal upang makaganti at masimulan na ang hustisya para sa kapatid at dating kasintahan nito.
Maya maya pa ay biglang may narinig akong kumalansing na mga baso. At nakita ko ang isang lalaki na hawak ang isang baso at kutsara habang sumisigaw nang.
"Kiss, kiss, kiss"sigaw nito na ikinasunod naman nila. Hindi lingid sa ibang tao ang kasal na naganap mga importanteng tao lamang ang nandito mga pamilya at mga kaibigan.
"Kiss naman dyan"
"Isa lang please"
"Sige na sige na"sabay sabay na sigaw nila na ikinapula ko.
"Baby kiss daw"bulong nito na ikinaharap ko rito upang singhalan sana nito. Ngunit kasabay nang pag harap ko ay kasabay naman nang pag lapit nang mukha nito at pag lapat ng kanyang labi sa gilid nang labi ko na mas lalong ikinamatis nang aking mukha.
"Ayyiiee"
"Yoohoo"
"Ang sweet naman"
Sambit nila na ikinatakip ko sa aking mukha. Maya maya pa ay naramdaman ko ang kamay nito sa aking bewang. Na naging dahilan nang pag singhap ko. Naramdaman ko ang pag higpit nang hawak nito sa aking tagiliran na nag bigay nang kakaibang kuryente sa akin.
"Hmm"bulong ko rito. Na ikinangisi lamang nito.
Sa harap nang dalampasigan kung saan sa ilalim nang buwan. Nakaupo kaming dalawa. Habang pinagmamasdan ang pag lubog nang araw. I want to talk to him. Kaya naman nang makita ko itong patungo rito ay sinundan ko ito. At heto kami ngayon nakaupo habang pinapanood ang magandang tanawin sa harap.
Tumikhim ako upang maagaw ang atensyon nito na naging dahilan nang pag baling nito sa akin. At habang ako ay nakatanaw parin sa harap.
"Alam kong kaya ka nag pakasal sakin. Ay para sa kapatid mo"sambit ko na ikinatitig nang mariin sakin nito.
"Wag kang mag alala. Kapag nakuha na natin ang hustisya na para mahal sa natin. Ay Maaring mag divorce na tayo. Hindi na natin Kailangang mag panggap. Ayokong matali ka sakin nang hindi kapa handa"tuloy ko rito.
"Siguro tama ka"sambit nito na naging dahilan nang pag kirot nang puso ko.
"Tama kang kaya ko ginawa ang bagay na ito ay para sa kanila. Gusto ko narin kasing matahimik. Gusto ko naring palayain yung sarili ko. Bawat gabi o sa pagtulog ko laging bumabalik ang nakaraan. Nakaraang pilit kong binabaon. Kaya naman gusto ko nang tapusin."tuloy nito habang nakatanaw sa malawak na karagatan. Na mas lalong nag pasiklab sa sakit nang nararamdaman ko kasabay nang pag tulo ng isang luha galing sa aking mata. Sobrang sakit na malaman na kaya kalang pinakasalan nang taong mahal mo ay para sa mga mahal nito sa nakaraan.
"Pero"biglang sambit nito na ikinatigil ko at humarap rito. Nakita ko itong nakatitig sa akin nang mariin. Bago inilapit ang kamay nito sabay punas sa aking luha.
"Pero deep inside sobrang masaya yung puso ko. Dahil ikinasal ako sa taong mahal ko"bulong na sambit nito habang nakangiti kasabay nang pag tulo nang luha nito. Bago inilapit ang mukha nito sakin. Na sobrang nagpabilis nang tibok nang puso ko.
"I love you baby"bulong nito kasabay nang pag lapat nang labi nito sa aking labi na taos puso kong tinugunan.
BINABASA MO ANG
The Heir Revenge (COMPLETED)
RomanceHow if two people will met in unexpected way. Tania need to hide her true identity. Because of her stepmother who torture her. And now tania need a job to provide her need. When she met this girl named Anika. Ay tinulungan sya nito na mamasukan sa...