"Wow"bulong ko, nagulat ako ng biglang sumarado ang pinto
Hindi ko alam na may ganito palang tinatago ang Mansyong ito sobrang daming bulalaklak para, ngang mas marami ang mga ito kaysa doon sa labas, may mga puno rin na nag padagdag rin sa ganda
"May fountain rin dito"nakangiting sabi ko at tumakbo papunta doon at nakita kong sobrang linaw ng tubig
Hinawakan ko ito,at ninamnam ang sarap na tumatama sa aking kamay kaya naman ipinikit ko ang aking mata at napangiti , habang nag ha hmm ako ng kanta ay umikit ako ng isang beses at humawak sa aking dibdib
Nakita ko ang mga paro paro na lumilipad, itinaas ko ang aking kamay at hinayaang dumapo ang ibang mga paro paro sa aking balat habang kumakanta
Nag tatakbo ako sa kumpol ng mga bulaklak habang nakasunod sa akin ang mga ibon at paro paro
Hinawakan ko ang mga bulaklak at pumitas ng isa at inamoy, at isinuot ko ito sa aking tenga habang kumakanta
At nang makita ko ang isang puno na maraming bunga ay agad akong tumakbo papunta roon, napahinto ako saglit sa isang mesa, nang makita ko ang isang basket
Kaya naman agad ko itong kinuha at tumakbo ulit, at nang marating ko ang puno, ay hindi ko naman alam kung paano at saan ako aakyat
Habang nag iisip kung paano ako makakaakyat ,ay nakita ko ang isang hagdan na kahoy, kaya naman lumapit ako agad doon at binuhat iyon, kasama ang mga ibon
Nang mailapag kona ang hagdan sa puno ay ngumiti ako at dali daling umakyat para pumitas, sa hindi sinasadya ay namali ako ng tapak sa hagdan
Na iknahulog ko naman, agad akong napapikit ngunit wala akong naramdaman na kahit na anong sakit , kundi isang bisig na nakayakap sa akin
Iminulat ko ang aking mata at nakita ko ang isang lalaki , sobrang lapit nang mukha , dahan dahan nitong nilapit ang kanyang mukha sa akin, at dahan dahan pang bumaba
"Anong ginagawa mo dito Binibini"biglang tanong nang isang lalaki sa aking likod, na agad nag pamulat sa aking imagimanasyon
"Ayy pusa kang gala"gulat kong sabi na nakahawak sa aking dibdib
"Ano ba naman yan bakit kaba-----"pag sermon ko sana dito
Ngunit nang masilayan ko ang gwapong mukha nito ay napahinto ako para itong anghel na bumaba sa langit, ngunit ang ikinataka ko pano ito nakapasok dito
"Sino ka, pano ka nakapasok dito" tanong ko
"Ikaw dapat ang tinatanong ko nyan"mariing sabi nito, habang masama ang tingin sa akin
"Anong ako ha, nag tatrabaho ako dito"masamang tingin ko din
"Hindi dapat nasa mansyon kalang"malamig na sabi nito
"Kaya naman, anong ginagawa mo ng isang katulong na katulad mo dito"nakakunot na tuloy nito
"Pano mo nalaman na katulong ako ha, masamang tao ka no, pano ka nakapasok dito" gulat at taka kong sabi
"Malamang sa pinto"malamig at pilosopong sagot nito
"Aba't"pag apila ko dito
"Kuya sir ang tanong ko lang bakit kayo nandito" nag titimpi kong tanong
"Malamang ako ang nag aayos at nag lilinis dito hardin"mariing sabi nito
"Edi haciendero ka pala dito"takang tanong ko ngunit hindi ako nito pinansin
"at alam mo bang bawal pumunta dito, alam ba ni Ms. Wall na pumunta ka dito"mariing sabi nito
"Ahh hindi ko naman alam na bawal pumasok dito, at tsaka hindi ko naman sinasadya na makapasok dito"pag tanggol ko sa sarili ko
"Wala akong pake kahit sinadya ba yan o hindi, basta nakapasok ka parin , ng hindi nag papaalam"mariing sabi nito
"Sinabi ko naman-------"
"Kailangang malaman ni Ms. Wall to"mariing sabi nito at agad nang nag lakad papalabas na hinabol ko naman
"Hindi ko naman nga kasi sinasadya Mr"mariing sabi ko dito habang hinahawak ang kamay nito, ngunit hindi ito nag papigil kaya naman tumakbo ako sa harap nito at itinaas ang mga kamay
"Wag wag please"pag mamakaawa kong sabi, ayokong mag sumbong ito kay Ms. Wall, dahil siguradong malalagot ako
"Promise hindi na mauulit, tsaka hindi ko naman talaga sinasadya yon"pag mamakaawa ko dito habang nakataas parin ang kamay
Ngunit tinignan lang ako nito at nag lakad ulit habang nasa bulsa ang mga kamay, kaya naman wala nakong ibang maisip kundi ang yakapin ito para matigil ito sa pag lalakad
"Parang awa mona wag mokong isusumbong kay Ms.Wall"nagngangawang pag mamakaawa ko
"Bitiwan mo nga ako"sigaw nito at pilit na inaalis ang kamay ko
"Sabihin mo munang hindi mo na ako isusumbong"nakataas na kilay kong sabi dito, desperada na talaga ako, ayokong maparusahan ni Ms.Wall
"Hindi moko madadala sa ganyan mo Miss"malamig na sabi nito habang nakataas ang kilay,ngunit hindi ako nag papigil, kaya naman nagulat ako ng itulak ako nito at naglakad
"Aray ko naman"daing ko
"Ikaw na lalaki ka lagot ka sakin"sigaw ko, at agad tumayo at hinabol ito
At nang makalapit ako ay agad kong kinagat ang kamay nito na idinaing nya
"What the---"sigaw nito
"Hey stop, aray aray"pag daing nito
"Tania anong nang yayari dyan"rinig kong sigaw ni Ms. Wall
"Lagot"bulong ko
"Please wag"naiiyak kong sabi dito
BINABASA MO ANG
The Heir Revenge (COMPLETED)
RomanceHow if two people will met in unexpected way. Tania need to hide her true identity. Because of her stepmother who torture her. And now tania need a job to provide her need. When she met this girl named Anika. Ay tinulungan sya nito na mamasukan sa...