"alam kong bawat isa sa atin ay may dinadalang problema. Kaya naman gusto ko I naming marinig yon. Tayo tayo lang mag kakapamilya rito kaya naman. Sana wag na kayong mahiya na sabihin"sambit ni nesa habang nakatingin sa amin.Nakita ko namang nag taas ng kamay si ica. Kaya naman tinanguan namin sya na ikinatango nito.
"Hmm pinalayas ako. Pinalayas ako ng pamilya ko. Ng Dahil sa kagagawan ng totoong anak nila. Pinalaglag nito ang bata na sariling anak nito. At pinagbintangan sa salang hindi ako ang gumawa. Hindi ko sya itinulak sa hagdan. Sya ang nag hulog sa sarili nya. Nang makitang papasok ang ama ng dinadalang bata nito. Na boyfriend ko ay hindi ex boyfriend ko na fiance nito. Paano nangyari yon. Nilandi nito ang boyfriend ko. Eto namang si loko nag palandi. At Nung nalaglag ang bata galit na galit lahat sila sakin. na wala namang kinalaman. Pinalayas ako sa pamamahay na walang bitbit na tanging suot lang ay ang damit."umiiyak na sambit nito na nag pagulat saamin. Sa kabila ng pananahimik nito ay may ganito pala itong dinadala. Agad na niyakap ito ni ali na katabi nito.
Maya-maya pa ay Napatingin naman kami kay isa. Upang ito naman ang sunod na mag salita.
"Nag layas ako." Pag amin nito.
"Nag layas ako sa palasyo."sambit nito na ikinataka namin.
"Sainyo ko lang sasabihin ito. Isa akong prinsesa ng isang kilalang bansa. Tumakas ako. Dahil ayokong pinangungunahan nila ang buhay ko. Lumayas ako sa palasyong iyon. Ay dahil gusto nila akong ipakasal sa lalaking hindi ko naman mahal. Lumaki akong bata na May ginto. Pero lumaki rin ako na hindi ako ang nasusunod. Lumaki ako ng isang boring na prinsesa. Na hindi man lang nakakapag laro. Hindi man lang nakakagala. Hindi ko man lang nakakain lahat ng gusto ko. Ang lagi nilang gustong gawin ko ay ang mag aral. Magbasa. At matuto kung paano ang maging isang prinsesa. Kaya naman tumakas ako ng gusto nila akong ipakasal. And now masaya ako dahil kasama ko kayo. Pero minsan naiisip ko na kumusta na kaya sila"bulong nito sa bandang huli.
"Nandito lang kami"nakangiting sambit ni ali. At agad namang niyakap ito ni isa. Na ikinangiti namin. habang naluluha. Napagawi naman ang aming tingin kay anika upang malaman nitong sya na ang susunod.
" Hmm ako. Unang una gusto kolang mag pasalamat dahil tinanggap ninyo agad ako ng isang pamilya. Ang buhay ko simple lang. Mahirap lang kami. Siguro ang point na pinakamasakit na nangyari sa akin is yung nag kasakit yung kapatid ko na lalaki na si Justine. Nung time na yon akala ko mawawala na sya. Sabi kasi nang doctor may cancer sya stage 2. Sobra ang iyak ko non . Kaya naman ginawa namin lahat para maipagamot sya. Ibinenta namin lahat ng ari arian namin. Mapakotse man. Bahay. Lupa. Pati business namin. Huminto rin ako sa pag aaral upang mabantayan ito. Nung time na yon akala ko pati si mama kukunin sa amin dahil hinimatay ito. Kaya naman puro dasal lang ang naging sandigan ko nung oras nayon."umiiyak na sambit nito na nagpagulat sa akin. Sa kabila ng tulong na ibinigay nila sa akin. At Ang masayahing pamilya nila. Ay parang wala silang problemang dinadala.
Agad ko naman itong niyakap habang umiiyak ito. Nakita ko namang nakisama ang iba. Maya maya pa.
"Ani it's your turn"biglang sambit ni ica. Na ikinabaling ko. Ngumiti naman ako rito. Kasabay ng pag daloy ng isang luha sa aking mata. At tumingin sa itaas. Mom, Dad oras napo siguro para maibalabas ko ang sakit na nararamdaman ko
BINABASA MO ANG
The Heir Revenge (COMPLETED)
RomanceHow if two people will met in unexpected way. Tania need to hide her true identity. Because of her stepmother who torture her. And now tania need a job to provide her need. When she met this girl named Anika. Ay tinulungan sya nito na mamasukan sa...