Sobrang saya na sana nang araw nato, pero kailangan ko ring lumisan, at tumayo sa sarili kong mga paa, dahil hindi habang buhay ay may sasalo saakin
"Maraming salamat po sa pag papatuloy ninyo sa akin, pinapangako kopong babalikan kopo kayo, at ibabalik yung mga tulong na ibinigay nyopo sa akin, sa maikling oras po na nakasama ko kayo, pinaramdam nyo po sa akin, ang isang masayang pamilya, na kahit kailan ay hindi ko po naramdaman, sa buong buhay ko"naluluha kong banggit habang nakatitig sakanila
"Ano kaba hija, Pamilya mo na kami mag mula ngayon, mag iingat ka don mamimiss ka naming lahat"umiiyak na yakap sa akin ni tita
"Salamat po tita"bulong ko habang umiiyak
"Ano kaba, tawagin mo nalang kaming mama at papa ni tito mo"nakangiting sabi nito habang hawak ang aking pisngi, na mas lalong nag paluha sa akin, niyakap naman nila akong lahat
"Oo nga simula ngayon anak ka narin namin, kaya naman kung may maging problema ka don, pwede kang bumalik dito ha"nakangiting sabi ni tito, na sanhi nang pagyakap ko dito ng mahigpit
tumango naman ako, kasabay ng pag punas nito nang aking luha , at pag yakap ulit nito sa akin, maya maya pa ay bumitaw na rin ako, at lumapit naman sa akin si anika
"Mamimiss talaga kita ng sobra"umiiyak na sabi nito, kaya naman pinunasan ko ang mga luha nito, at ngumiti
"Diba mahilig kang mag basa, kunin moto oh, para naman kapag na boboring ka may mabasa ka, at para narin hindi moko makalimutan"habang inaabot nito, ang mga ilang libro nito, na nag patawa sa akin, kasabay ng pagtulo ulit ng aking luha, kinuha ko naman ang mga ito , at tumango habang pinipigilan ko ang mga susunod pa na luha na gustong kumawala sa aking mga mata
Kinuha ko naman ang key chain na, nakasabit sa aking leeg, at binigay sa kanya
"Hawakan mo muna ito, at gusto kong sa pag balik ko, o sa susunod na mag kikita tayo, ay hawak mo iyan, pakiusap ko lang sayo, alagaan mo ito ha, dahil binigay pa ito ng aking magulang , noong nabubuhay pa sila, yan nalang ang meron ako, bago sila nawala"umiiyak na bulong ko sa kanya
"Pero baka mawa------"pag tanggi sana nito
"Shh may tiwala ako sayo, hmm alam kong aalagaan mo yan, ganito isipin mo nalang na ako ang inaalagaan mo"nakangiting ko bulong habang umiiyak , tumango tango naman ito, at niyakap ako, lumapit naman ako kay justine, yumuko
"Mag pakabait ka ha, mamimiss ka ni ate, i love you" bulong ko dito habang nakangiti, at niyakap sya, niyakap naman ako nito habang umiiyak
"Miss, halina napo kayo, naipasok ko napo ang maleta nyo sa kotse"rinig kong sabi ng driver ,habang naka yuko, tumango naman ako , at niyakap silang lahat, habang umiiyak
Dahan dahan akong kumawala at nag lakad papalapit sa itim na kotse, pinag buksan naman ako ng driver, bago ako pumasok ay humarap ako sakanila, kasabay nang pag tulo ng mga luha ko, at pag kaway ko sa kanila, na sinuklian din nila, ngumiti ako ng isang beses bago pumasok sa loob
Mamaya pa ay pinaandar na nang driver ang kotse, kasabay ng pag punas ko sa mga luhang pumapatak sa aking mga mata
"Promise babalikan ko kayo, at susuklian lahat ng kabutihang ibinigay nyo sa akin"nakangiti kong bulong
Buong byahe ay nakatanaw lang ako sa labas ng bintana, iniisip ko lahat nang nangyari, ang pagtakas ko galing new york, ang pagpunta ko dito, at ano kaya ang magiging buhay ko, sa probisya ng Surigao Del Sur, sa Borobo
"Ma'am okay lang po ba kayo, malapit napo tayo sa airport"tanong nang driver, tumango naman ako, at ngumiti
Maya maya pa ay nakarating na agad kami ng airport, pag kasakay namin sa eroplano, ay bumigat agad ang aking mga mata, kaya naman agad akong nakatulog
-----------------
Agad akong nagising na hinabol ang aking pag hininga
"Miss, miss"gising sa akin ng isang tao
"Okay kalang po"tanong nang driver na kasama ko
"Opo manong, masang panaginip lang po"bulong ko habang nag pupunas ng pawis
"Malapit napong mag landing ang eroplano,"sabi nito, na tinguan ko naman, at tumingin sa bintana
Hanggang ngayon parin hinahabol parin ako ng bangungot, bangungot nang nakaraan, bangungot nang bawat pag hampas ng sinturon sa likuran ko, bangungot kung pano nila ako tinraydor, bangungot kung pano nila pinatay ang mga magulang ko
Bangungot na hanggang ngayon dinadala ko parin, at tingin ko hanggang sa pag tanda ko, dadalhin ko parin , at hindi ako matatahimik, hanggat hindi ko nakukuha ang hustisya para sa pamilya ko
Nakatatak parin sa isipan ko ang putok ng baril, at ang babaeng walang hininga sa aming kisame, at ang walang awang pagbugbog nila saakin, sa sarili kong pamamahay, hanggang ngayon nakatatak parin sa isipan ko ang sinapit namin ng pamilya ko
"Pinapangako ko"bulong ko
"Maibibigay ko rin ang hustisyang nararapat sa inyo"kasabay ng pag tulo ng butil ng luha sa aking mata, at pag kuyom ng aking kamao
BINABASA MO ANG
The Heir Revenge (COMPLETED)
RomanceHow if two people will met in unexpected way. Tania need to hide her true identity. Because of her stepmother who torture her. And now tania need a job to provide her need. When she met this girl named Anika. Ay tinulungan sya nito na mamasukan sa...