Chapter 1

245 68 120
                                        

PAIGE

Ibinagsak ko ang ulo ko sa lamesa dahil sa pagkabagot. Kanina ko pa hinihintay ang kaibigan kong si Pierce at umabot na ng isang oras ay hindi pa din ito dumadating.

Ininom ko ang Dutch Mill ko na nasa tabi ko lamang habang nakadugmo pa din ang ulo ko sa mesa.

"Nasaan ka na ba Pierce?" sigaw ko at sinipa ang upuan na nasa harap ko.

Nang bumangon ako upang uminom ulit ng Dutch Mill, nakita kong pinagtitinginan ako ng mga estudyante sa loob ng cafeteria. Tiningnan ko sila ng masama at hinayaan na husguhan ako.

Wala akong pake sa mga iniisip nila at kung ano ba ang tingin nila sa akin, basta ang alam ko lang ay mahal ko ang sarili ko at hindi nila mababago iyon kahit pa husgahan nila ako ng mga masasamang salita.

Sisigaw na naman sana ako nang biglang may humampas sa ulo ko.

"Aray!" sigaw ko at tiningnan ang siraulong humampas.

It was Pierce. She was grinning while she's drinking her soda.

Umupo siya sa upuan na nasa harap ko lamang tapos nagsalita.

"Kamusta?" tanong nito tapos ay pachill-chill lang na umiinom.

Ibinagsak ko ang mga kamay ko sa mesa tapos ay pinandilatan siya.

"Isang oras mo akong pinaghintay dito Pierce! Isang oras! Isang oras akong naging tanga kahihintay na dumating ka! Gagaya ka din ba sa ginawa sa akin ni-" Kaagad na naputol ang pagdadrama ko nang takpan niya ang bibig ko gamit ang mga kamay niya.

"Teka, ubusin ko muna." Tumango ako sakaniya nang tinuro niya ang iniinom niyang soda.

Nagsimula akong mainip dahil sa sobrang tagal niya uminom. Kaya ibabagsak ko na naman sana ang mga braso ko sa mesa pero kaagad na niyang itinaas ang soda na hawak.

"Done!" sigaw nito.

"Pierce, tingin mo babalik siya?" tanong ko rito saka hinawakan ang nga kamay nito.

Naiiyak ako dahil patuloy pa din akong umaasa na babalik siya. Nandito pa nga nakaattach sa pink kong bag ang binigay niyang keychain.

Oh my Bee!

Tawag ko rito ay Bee. Ang cute kasi ng bigay niya at inaalagaan ko talaga ito at iniingatan kahit saan pa ako magpunta. Ah basta!

Nakakacringe man pakinggan pero ganoon talaga kapag in love ang isang tao.

"You spaced out again, Paige." I looked at my friend, Pierce and she's waving her hand in front of me.

"Ngayon 'yong ika-8 anniversary namin ni Nate!"usal ko tapos ay tumili ako.

"Can you stop squeling! Man! You're so loud!" wika nito saka tinakpan ang tenga niya.

I glared at her. How could she be so unsupportive sa amin ni Nate?

"Can you atleast comfort me just this once! I've been waiting for him for 8 years already! At ngayon yung day na ibinigay niya si Bee! "sabi ko sabay pout sa kaibigan ko.

Chasing The HeroWhere stories live. Discover now