This chapter is dedicated to claraaaty for reading this story and supporting me in this XD. I hope y'all check her stories kasi ang ganda po ng story niya🥰🥰🥰
~~~
Sobrang saya ko kahapon dahil sa nangyari sa auditorium. Alalang-alala ko pa ang pag-ngiti sa akin ni Nate at ang pinatutgtog niyang music.
Pakiramdam ko ay nagde-date lang kami kahapon sa gitna ng program. Iyon bang hindi namin dama ang mga asungot na katabi namin sa kabila at iyon bang parang kaming dalawa lang ang tanging natitirang tao sa mundo.
Tumingin ako dalawa kong katabi at nakitang wala ito sa kani-kanilang mga upuan.
Hinanap ko sa loob ng room sina Levii at Pierce. At kaagad ko namang nakita ang isa sakanila.
Nakita ko si Levii na nakikipagkuwentuhan sa mga babaeng kaklase namin. Pakiramdam ko ay nakikipaglandian lamang ito sa mga kaklase ko.
Si Pierce naman ay nakita ko sa labas ng classroom at tila may kinakausap na isang lalaking estudyante.
Hindi ko makita ang mukha ng lalaki dahil nakatalikod ito at tanging si Pierce lang ang nakaharap sa room.
Maya-maya ay pumasok si Pierce at nakita ko itong nakangiti. Well, that's new. I wonder what made her smile.
Pinanliitan ko siya ng aking mga mata nang makalapit na ito sa upuan niya at nakaupo.
"Guess what?" tanong nito sa akin kaya napakamot ako sa batok ko at tinaasan siya ng kilay.
"What?" tanong ko pabalik.
"Kinuha tayong dalawa ng SC bilang isa sa mga facilitators for the upcoming acquaintance party!" maligayang saad nito.
Kinuha kami ng Student Council bilang faci?
Kaagad kaming naghampasan ni Pierce ng mga kamay habang tuwang-tuwa kami sa balitang ito.
I've always wanted to become a facilitator during events in our school. Minsa kasi kayo pa ang nag-oorganize ng games, flow ng event et cetera kaya sobrang exciting 'pag ganoon.
"When's the acquiantance party?" tanong ko kay Pierce.
"At the end of this month. Also, alam mo ba ang mga incentives ma matatanggap kapag isa kang faci?" tanong ni Pierce tapos tinaas-baba pa ang mga kilay niya.
"Go on. My ears are with you," excited kong saad at pinakinggan si Pietce.
"Plus points sa performance tasks natin sa lahat ng subject tapos ay 1 point sa final grade sa major subject natin and lastly, we are exempted to join the games kasi tayo ang mag-oorganize no'n." Tumango ako kay Pierce habang iniisa-isa niya iyon sa daliri niya at para akong batang ang saya-saya na malaman na andami kong makukuha mula sa pagiging isang faci.
Natutuwa din ako na hindi kami isasali sa mga games. Nakakainis kasi lagi na required talaga kami na sumali. Hindi pipirmahan ang attendace mo ng president ng classroom niyo once na hindi sumali sa mga games.
Tapos ang nakakainis pa na part ay bawal na lumabas ng school campus kapag may mga events na ganito. They want us to enjoy yet they're taking our freedom up by locking us inside the school and be forced to join and enjoy the games.
That's why I'm happy na hindi na nga kami ni Pierce makasasali doon.
"Congrats sa inyong dalawa." Tumingin kami pareho ni Pierce aa nagsalita. Si Levii.

YOU ARE READING
Chasing The Hero
Teen FictionPaige Ava Sandoval, an 18 year old girl who is madly, deeply in love with a boy she met from 8 years ago. She considers him as her hero. For eight years, she waited for him to come back and never loved anyone else besides him. And when he returned...