Chapter 4

125 54 34
                                    

Pagkatapos na i-dismiss na kami ng last subject teacher namin sa araw na ito, kaagad ako na pumunta kay Nate.

"Nate, partner tayo! Ang saya 'di ba?" sabi ko kay Nate at pumalakpak sa harapan niya.

Tumingin ito sa akin at napataas ang isang kilay nito.

"Yeah, "sabi nito at tinalikuran na ako at bumalik sa pag-aayos ng mga gamit niya.

"Gusto mo ba sabay na tayo umuwi?"tanong ko sakaniya at kinalabit ulit ang balikat niya.

Humarap ito sa akin at kumunot ang noo. Isinukbit nito ang strap ng bag niya sa balikat niya.

"Magkasama kaso kami ni Thalia, sasabay ka ba?" tanong nito tapos sandaling ngumiti at yumuko.

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Magkasama? Kayo? Ni Thalia? Uuwi? Bakit?" Napataas ang boses ko dahil hindi ako makapaniwala na dalawa sila ni Thalia magkasama na umuwi.

Napakamot ito sa batok niya at napakibit-balikat sa akin.

"Oo. Nag-usap kasi kami kanina na sabay na lang kami uuwi since pareho din naman yung daanan namin pauwi." Napalingon ako sa may likod ko nang biglang may nagsalita at nakita ko ang nakangiting mukha ni Thalia.

Tumingin ako rito ng masama tapos ay inirapan siya.

"Sasama ka ba?" tanong ni Nate at napakamot na naman sa batok niya habang nakatingin sa akin.

Tumingin ako kay Thalia tapos tumingin ako kay Nate. Sasama ba talaga ako?

Pakiramdam ko ay panira lang ako sa dalawang ito pero may isang nagtutulak sa akin na sumama dahil ako naman talaga dapat ang para kay Nate.

"A-Ah 'di na. Sasabay nalang ako kay Pierce. Nalimutan ko may bibilhin pa kasi kami." Ngumiti ako kay Nate tapos ay bumalik ako kaagad sa upuan ko at minadaling isukbit ang bag ko.

Hinawakan ko ang braso ni Pierce tapos ay hinila na siya upang makalabas na kami sa classroom na ito.

"Aray naman! Higpit ng hawak mo ah! Ano na namang nangyari?" tanong ni Pierce nang makalabas na kami sa classroom.

Binitawan ko ang braso niya at niyakap siya ng mahigpit.

"I failed! I failed Pierce! Magkasama na silang uuwi!" sabi ko habang humahagulgol sa likod ni Pierce at hinampas ang likod niya ng mahina.

"Oh edi sana sumama ka na lang umuwi sakanila," wika ni Pierce.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sakaniya at tumingin sa may bintana ng classroom. Nakita kong masayang nag-uusap sila Nate at Thalia.

Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa inis. Dapat kasi sana kami yung magkatabi ni Nate! Kasalanan ito lahat ni Miss Perez! Kasalanan ng bwisit na seating arrangement!

"Naiinis ako Pierce! Kasi naman diba? Yung halos lahat ng mga stories na binabasa ko, kapag magkatabi si guy at si girl sa seating arrangement nila, most likely sila ang magkakatuluyan! Ayaw ko ng ganoon Pierce!" reklamo ko at tumingin ulit sa may bintana.

"OA mo din 'no? Ikalawang araw palang ng pasukan, ganiyan na ang iniisip mo. Malay mo magkaibigan lang iyang dalawa. Umayos ka nga Paige!" Binatukan ako ni Pierce.

Napatingin ako sa bumukas na pinto at nakitang iniluwa nito ang dalawang tao—si Nate at Thalia.

Napatingin sila sa amin tapos ngumiti. Pinilit ko na lang na ngumiti sakanilang dalawa kahit pa labag sa loob ko.

Chasing The HeroWhere stories live. Discover now