"Yeah. Naaalala pa kita Paige Ava Sandoval," sagot nito at ginulo ang buhok ko.
Saktong pagkasabi niya ng mga salitang iyon, tumunog ang school bell tanda na tapos na ang klase sa first subject.
Tumayo si Nate at inilahad ang kamay niya upang tulungan akong tumayo at wala sa sarili ko itong tinanggap at tumayo.
Nauna na siyang pumasok sa loob ng classroom habang ako ay naiwang tulala at hindi makapaniwala sa nangyari.
Pinihit ko ang doorknob ng classroom tapos ay pumasok ako sa loob at tinungo ang upuan ko.
Narinig kong may sinabi ang katabi kong si Levii pero hindi ito pumasok sa sistema ko dahil sa sobrang overloaded na ito sa kakaisip sa isinagot sa akin ni Nate.
"Yeah. Naaalala pa kita Paige Ava Sandoval."
Naaalala pa ako ni Nate?
Naaalala pa ako ni Nate!
I spread both of my arms and held my head up high and thanked the heavens for Nate's answer.
"Aray! Aray!" reklamo ng katabi ko sa kanan.
Hinahampas ko na pala ito ng kamay ko sa kaniyang braso kaya napapa-aray siya sa sakit.
"Sorry po!"maligaya kong saad at binitawan siya tapos ay humarap ako sa katabi ko sa may kaliwa.
Nakita ko itong tumakip na ng kaniyang mga tenga dahil alam na ata ang susunod kong gagawin. Tumili ako habang pinaghahampas siya sa braso.
"Pierce! Akalain mo! Naaalala niya din pala ako!" nakangiti kong saad at ang isinagot sa akin ni Pierce ay isang nakakatakot na tingin.
"Malamang,"sabi ni Pierce at pinandilatan pa ako.
Tumingin ako sa direksiyon ni Nate sa may kanan at pinagmasdan siyang nagsusulat sa kaniyang notebook.
"Ms. Sandoval!" Napatingin ako sa harap at nakita ang galit na galit na mukha ng Theology Teacher namin na si Miss Anne.
Napasapo ako sa ulo ko nang matantong may sinabi pala ito pero hindi ko na narinig.
"P-Po?" tanong ko at pilit na ngumiti.
"Ikaw daw magle-lead ng prayer, Paige." Rinig kong bulong sa akin ni Levii kaya tumango ako at pumunta sa harapan.
Nang makapunta na ako sa gitna at hinarap ang lahat kong mga kaklase, nakita kong nakatingin sa akin si Nate.
Mas lalong gumrabe ang anxiety ko sa gitna dahil sa tingin ng mga kaklase ko at dahil siyempre sa tingin ni Nate. Pero ininda ko iyon upang hindi nila mahalata na sobra akong kinakabahan.
Nagsimula na akong maglead ng prayer pagkatapos ay bumalik kaagad ako sa upuan ko at nagsimula na rin magdiscuss si Miss Anne.
"Paige! Paige!" Tiningnan ko ng masama ang katabi kong lalaking kanina pa ako tinatawag at kinakalabit ang balikat ko.
"Ano kailangan mo? Makinig ka nga!" pabulong kong sigaw sakaniya.
May itinuro siya sa may kanan at nang tingnan ko ito, tinuturo niya pala si Nate na nakatingin sa akin.
Si Nate? Tumitingin sa akin!
Nang magkatagpo ang mga mata namin ay bigla na lang itong umiwas at ibinaling ang tingin sa guro namin na nasa harapan.
Hinampas ko si Levii sa balikat.
"Levii! Nakita mo iyon? Pangatlong araw pa lang pero grabe na ang improvement ng love story namin!" sabi ko kay Levii at tumili.
YOU ARE READING
Chasing The Hero
Teen FictionPaige Ava Sandoval, an 18 year old girl who is madly, deeply in love with a boy she met from 8 years ago. She considers him as her hero. For eight years, she waited for him to come back and never loved anyone else besides him. And when he returned...
