Chapter 12

89 29 31
                                        

This chapter is dedicated to @unbreeeykable for she's been supporting me simula noong nagsisimula pa lang ako sa story na ito. Salamaat po ulit ate😊💖💖💖

~~~

"Pierce, have you ever been kissed before by someone?" Tanong ko kay Pierce sabay tingin sa movie na pinapanood namin at kuha sa chips sa gilid namin.

"Don't even start with the story you told me yesterday. Paulit-ulit na lang." She rolled her eyes before grabbing the bag of chips from my grasp.

"Sagutin mo na kasi!" Bahagua akong napapadyak sa kama dahil sa inis at itinungo na lamang ang atensiyon ko sa may movie.

Sabado ngayon dito muna ako tumambay sa bahay nila Pierce. Nanonood kaming dalawa ngayon ng movie na 'Love, Simon' sa laptop niya habang nakadapa kami sa malambot na kama nito.

Pakiramdam ko nga ay pangalawang tahanan ko na ang bahay nila sapagkat lagi ako pumupunta dito at okay lang din naman sa mga magulang ni Pierce na pumunta ako dito.

They're treating me like I'm a part of their family. They're all nice to me—well, except for Pierce's younger brother. He's weird.

Kada punta ko kasi dito, lagi siyang nagsa-stutter at ina-atake ng anxiety niya kapag kinakausap ko kaya hindi na lang ako nagpapakita rito at umiiwas na lamang. Ang sabi ng mga magulang ni Pierce, crush daw ako nito kaya ganiyan maka-react. Actually, wala naman iyon sa akin. Pero kung si Nate siguro ang magka-crush sa akin, aba! Siguro ay pakiramdam ko nasa heaven na ako sa sobrang kilig.

"Oo naman." Nagulat naman ako sa isinagot ni Pierce sa akin.

Pinindot ko ang spacebar sa laptop upang ma-pause ang movie tapos ay tiningnan ito ng seryoso.

"Hindi nga? Ba't' di ko alam iyan?" Tanong ko rito.

Tinaasan niya lamang ako ng kilay bago i-play ulit ang movie.

"Kailangan pa bang alam mo iyon? I have been kissed a lot of times. My family, my relatives, you as well, and even kapag may christmas party dati sa school tapos pinahahalik sa pisngi mo yung magbibigay ng gift." Ngumiwi ito sa akin sabay inom ng juice.

"You know that's not what I meant." Ngumuso ako sakaniya at pinandilatan ito dahil sa inis. Minsan talaga ang pilosopo ng babaeng ito.

"You know na wala akong love life. Bakit mo ako tinatanong?" Sarkastiko nitong tugon.

Oh right. Naalala ko na wala nga pala kaming naging boyfriend since birth kaya siyempre lack of experience kaming dalawa sa mga ganito.

Sabay kaming napabuntong hininga at tumingin na lamang sa pinapanood naming movie.

"First week pa lang na magkasama kami ni Nate pero andami nang nangyari. How much more kapag nagtagal pa 'di ba, Pierce?" Tanong ko sabay lingon sakaniya na nakatutol lang sa screen.

"Uh-huh."Tumango-tango lamang ito at ni hindi man lang tumitingin sa akin.

"There's something off with that guy though," she said while she chew the food.

"Sino?Si Nate?"Kunot-noo kong tanong sakaniya.

"Ay hindi. Yung guy sa movie! Malamang si Nate! Minsan na nga lang ako tumatanggap ng topic na ganiyan, ang epal pa ng mga tugon mo rito." Bumangon ito at nag-cross-sit sa kama.

"Why'd you think that?" Tanong ko sakaniya at sabay sway ng mga paa ko habang nakadapa ako sa kama.

"It's just—" Kaagad kaming napatingin sa pinto nang biglang bumukas ito at nakita ko ang kapatid ni Pierce na si Chandler.

Chasing The HeroWhere stories live. Discover now