Tiningnan ko si Levii sabay siko sakaniya habang inaasar na naman siya sa nangyari noong Sabado.
"Sana all talaga Levii. Ang ganda pa ng ex-girlfriend mo!" Panunukso ko pa sakaniya.
Tumingin ito sa akin at pinandilatan ako bago inusog ang upuan palayo ng kaunti sa akin. Napasimangot naman ako nang ginawa niya iyon.
Gusto ko pa namang asarin siya sa girlfriend niya—I mean ex niya.
"Ano na namang nahithit mo ngayon? Lunes na lunes nang-aasar ka na! " Bulyaw niya sa akin.
Ano raw?
Kunot-noo ko siyang tiningnan tapos ay inilapit ang upuan ko sakaniya. Gusto ko lang talaga mang-asar ngayon kasi ang ganda lang ng simula ng linggo ko ngayon.
Maaga akong nagising, tapos ay hindi ako na-late at early pa ng 15 minutes. Oh 'di ba nakakaproud lang sa sarili?
"Mahal mo pa ano?" Siniko ko ulit siya bago tinaas-baba ang kilay ko.
"Ex na nga' di ba? 'Tsaka bakit ba ang tsismosa mo?" Inis na tanong niya sa akin na nagpalawak pa ng ngisi ko sa labi.
"Hindi porke' t ex mo, 'di mo na mahal. Nako, Levi. Tularan mo kasi kami ni Nate. Naudlot love story namin noong mga bata pa kami dahil umalis siya and now he's back? Maco-continue iyon! Galaw-galaw din minsan, Levii." Sabi ko pa sakaniya sabay turo kay Nate roon sa upuan niya na nakatutok sa cellphone niya.
Nakita ko si Levi na ngumiwi sa sinabi ko na parang nagc-cringe sa ipinayo ko sakaniya.
"Ganoon din kayo kapag binigyan niyo ng pagkakataon ang isa't isa ng closure. Pero knowing na grabe kumapit ang ex mo sa'yo noong Sabado, sobrang closure na iyon at malaking chance na magkakabalikan kayo. Feel ko nga mahal ka pa eh. Kaya ano pa hinihintay mo? Balikan mo na kas—" Dagdag ko pa pero kaagad niyang tinakpan ang mga tenga niya tapos ay kumakanta na parang baliw.
"Ginagawa mo? "Tanong ko at seryoso siyang tiningnan sabay suntok sa balikat niya.
Napasimangot ako dahil patuloy pa rin siya sa pagkanta ng kung ano-ano at pagtakip ng tenga upang hindi ako marinig.
Kainis!
Nang matanto niyang hindi na ako umiimik pa, dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakatakip sa tenga niya tapos ay hindi na ako pinansin.
"Levii, napikon ka na ba?" Tanong ko pa sabay tawa ng malakas.
Inusog niya pa lalo palayo ang upuan niya sabay iwas sa titig ko.
"Oo. Sobra. " Matigas niyang sambit bago idinugmo ang ulo niya sa upuan niya.
Nakakainis! Gusto ko pa namang asarin siya kasi siya lang naman ang nakakatagal sa mga ikinukwento ko at palaging interesado rito.
"Hindi katulad ng iba diyan!" Sabi ko sabay titig kay Pierce na kumakain ng pancit canton.
Natigil ito sa pagnguya ng sandali sabay taas ng kilay sa akin tapos ay tinalikuran ako. Aba!
Minsan talaga, pakiramdam ko para na akong virus na palaging iniiwasan ng dalawang ito. Kung si Nate siguro ang katabi ko, buong araw kaming hindi maghihiwalay!
Speaking of Nate, excited na tuloy ako ngayon sa unang practice namin sa PE para sa folk dance na performance task namin!
Pakiramdam ko ay kami talaga ni Nate ang magsa-standout sa lahat ng magkakapareha dahil siyempre sobrang bagay kami sa isa't isa 'no.
Napahawak ako bigla sa noo ko nang maalala ko na naman si Nate at tumili ng tahimik at akma ko na sanang hahampasin ang katabi ko sa kanan pero naalala kong umusog pala ito palayo sa akin kaya napasimangot ako.
YOU ARE READING
Chasing The Hero
Ficção AdolescentePaige Ava Sandoval, an 18 year old girl who is madly, deeply in love with a boy she met from 8 years ago. She considers him as her hero. For eight years, she waited for him to come back and never loved anyone else besides him. And when he returned...