Chapter 10

93 30 38
                                    

PAIGE

Today is Friday and I still think about how Levii ruined my moment with Nate yesterday!

I mean, tatanungin na sana ako ni Nate kung pwede niya ba ako maka-partner sa Physics na activity but then ang epal na si Levii, pumasok sa usapan at sinira pa 'yung moment namin!

And now here he is, beside me again. We're doing the activity for our Physics and he's asking for my answers and when I say that I do not want to solve it, he just mocks and insults me!

"Go na kasi, kaya mo' yan. Isang problem lang oh!" Wika pa niya sabay pigil ng tawa.

Ang sarap lang talaga kurutin at tirisin ng lalaking ito! It's obvious he's making fun of me! For not being able to know how to solve this problem!

"Ha-Ha. One problem lang pero ang solution diyan, sakop ang isang buong 1 whole pad paper? Ayaw ko!" Tinalikuran ko na lamang ito at ipinagkrus ang dalawa kong braso habang nakaharap ako sa isa ko pang katabi na natutulog na naman.

"Paano ka na niyan kung hindi mo ma-gets? Ayaw mo namang turuan kita eh!" Humarap ako kay Levii at tinaasan ito ng kilay. Aba! Natuto na siyang taasan ako ng boses!

"Galit ka na ngayon?" Tanong ko pa sakaniya.

Ngumuso ito at bumuntong hininga bago ibinalik ang atensiyon sa activity namin.

"Hindi 'no. Nagtatampo lang."

Bigla akong natawa sa mukha niya kasi halatang nagtatampo nga ito. Mukha siyang ewan.

"Ano gusto mo? Ice cream?" Tanong ko rito at ginaya ang tono ng mga matatanda na ginagawa ito sa kanilang mga anak sabay tawa nang malakas.

Nahalata kong kumunot ang noo niya tapos ay tinaasan pa ako ng kilay bago nagsalita.

"Ang gusto ko lang naman ay masagutan mo ito. Para naman may silbi ang by partner na activity 'no."

Somehow, nakokonsensiya ako. Kanina niya pa kasi ako pinipilit na sagutan ang mga problems kaso ang problema ko ay hindi nga ako marunong mag-solve! Nakakadagdag ng sakit ng ulo talaga ang Physics na subject!

"Hindi nga kasi ako marunong," mahina kong sinabi at umiwas ng tingin kay Levii.

Alam kong pagtatawanan niya naman ako kaya ire-ready ko na self ko.

"Then, let me teach you how." Tumingin ako sakaniya at seryoso lamang itong nakatitig sa akin. Hindi siya nakangiti o kung ano pero ramdam ko na seryoso siya sa sinabi niya.

"What's with the serious tone and the serious face? " Tanong ko rito at tumawa ako sa mukha niya. Itinuro-turo ko pa ang mukha niya na sobrang seryoso.

Hinampas niya ako sa kamay at inikutan pa ng mga singkit niyang mata.

Gulat ko itong tiningnan. "Nananakit ka na ngayon?" Bulyaw ko rito.

I heard him scoffed and then went back to scribbling on our paper.

"Mahina lang iyon 'no!Hindi naman ako gaano ka-sadista gaya mo," Sagot pa nito habang hindi nakatingin sa akin.

Chasing The HeroWhere stories live. Discover now