Chapter 7

89 36 36
                                    

I gulped hard when I saw Nate holding the keychain that he gave me. He looked at me and then I saw an unusual expression on his eyes. I can't explain but it's making me nervous.

Maya-maya ay binitawan niya din ito at bumaba na ng hagdan upang maabutan ako.

Gusto ko siyang tanungin kung naalala niya din ba na binigyan niya ako ng keychain na iyon pero hindi magawa ng bibig ko na magpalabas ng ni isang salita lamang.

"Tara?" Bigla akong natauhan nang bigla siyang magsalita sa harap ko at nakangiti na ito ngayon.

Nakangiti siya pero hindi ko alam kung bakit ganoon ang ekspresyon niya kanina nang makita niya ang keychain. Naaalala niya nga ba ang bigay niya sa'kin? Nandoon pa kaya yung hairclip na bigay ko sakaniya? Naalala niya pa ba ang sinabi niya sa akin dati?

Andaming katanungan ang nasa aking isipan pero pilit ko na lang itong binabalewala dahil baka maging dahilan pa ito ng pagiging hindi komportable sa akin ni Nate.

Pero...Pero sumisikip ang dibdib ko dahil sa mga iniisip ko tungkol rito.

"Nate..."mahina kong tawag sakaniya.

Hiniling ko na sana ay hindi niya marinig ang pagtawag ko pero huli na dahil nakatingin na ito sa akin habang naglalakad kami patungong cafeteria.

"Namiss kita,"mahina kong bulong. Sana ay hindi niya lang narinig at kung narinig man niya ay hinihiling kong sana ay bigyan niya ako ng sagot na siyang inaasam kong marinig mula sakaniya.

Tumitingin pa din ito sa akin at maya-maya ay ngumiti ito tapos ay itinuon ang tingin sa daan.

Napangiti ako. Hindi niya ata narinig ang sinabi ko.

But, deep inside my heart, I was hoping that I could hear those exact words coming from him too but I guess I still wasn't ready to be rejected by him. I still want to believe that this whole thing is our own fairytale story and I'm continuosly wishing that it may come true.

Napahinto kami sa harap ng pinto ng cafeteria. Binuksan ito ni Nate saka pumasok kami sa loob.

Nakita kong andaming pumipila upang bumili ng pagkain. Kaya pumila na din kami ni Nate upang bumili.

Mahigit sampung minuto ang itinagal namin sa pagpipila bago kami nakabili ng pagkain. Matapos naming makuha ang pagkain, humanap kami ni Nate ng bakanteng table upang doon kami umupo.

Nang may makita na kaming bakanteng table, kaagad kaming tumungo rito at umupo.

Tahimik lang kaming kumakain ni Nate at ang pinagtataka ko ay ang palagian niyang pagpipindot sa cellphone niya. Mabuti pa ang cellphone, binibigyan niya ng atensiyon.

Sana naging cellphone na lang ako ni Nate!

Kaagad na naputol ang pagpantasya ko nang biglang may tumapik sa likod ni Nate at kamuntik na akong mabulunan nang matantong si Thalia ito.

"Hey, Paige." Nakangiting bati nito at umupo pa talaga sa tabi ni Nate.

Kaagad akong napahampas ng tinidor ko sa plato ko at tumingin ng plastik sakaniya.

"Oh, Thalia? Anong ginagawa mo dito?" Ngumiti din ako habang itinatanong sakaniya ito. Baka sabihin niya ang harsh ko kapag dinuro-duro ko siya at pinaalis sa lugar na ito.

Oo, alam kong kaplastikan ang ginagawa ko pero wala akong pakialam. If I know, pinaplastic din ako nitong rival ko na si Thalia.

Sasagot na sana si Thalia nang biglang nagsalita si Nate kaya napatingin ako sakaniya.

Chasing The HeroWhere stories live. Discover now