"Do you think she's still with us?"
"Leave her be. Ganiyan talaga iyan. Pero her silence is creeping me out. Nakakapanibago."
"Me too. Do you think she's even alive at this moment? Well I guess she is kasi nakabukas pa naman ang mga mata niya but it's not freaking blinking Pierce! Look! "
Of course I hear them both talking about me. It's just that tinatamad muna akong makipag-usap ngayon sakanila.
Napabuntong hininga na lamang ako tapos ay idinugmo ang ulo ko sa armchair ko at pumikit na lamang.
"Take a look at her depressed aura. Damn, she's a mess."Levii said and I heard him clicking his tongue.
I reached for his arm and slapped it hard. I heard him grunt in pain but it didn't matter to me. I'm too lazy to even get up.
Maya-maya ay naramdaman kong hinawakan ako sa magkabila kong balikat at inangat ako mula sa pagkakadugmo ko sa armchair.
Nang makita ko si Pierce na hawak-hawak ako, kaagad ko itong hinila papalapit at niyakap ng mahigpit.
"Pierce!" Humagulgol ako sa likod niya habang yakap-yakap ito.
May naririnig akong bulungan nila ni Levii habang yakap niya ako pero pinabayaan ko na at niyakap pa ito ng mahigpit.
Maya-maya ay naisipan ko nang bumitaw rito at tumayo mula sa pagkakaupo ko sa upuan.
"Saan punta mo?" Tanong ni Levii sabay pigil pa ng tawa.
Ang sarap lang niya sipain eh!
I rolled my eyes at him before answering his question sarcastically.
"CR. Sama ka? "
Itinaas nito ang dalawa niyang kamay tapos ay umiling.
"Just make sure that you won't go in there weeping inside the cubicle." At dahil nga sa sinabi niyang iyon, sinipa ko na ng malakas ang upuan niya tapos ay kaagad akong lumabas ng classroom.
Dumiretso ako papunta sa may CR tapos pagpasok ko roon, humilamos ako ng mukha ko sa sink area.
" Look at you Paige. Magpapatalo ka na lang ba? You said that yesterday was just a start of your battle with her right?" Mahina kong sambit sabay hugas ng kamay ko.
Napatingin ako sa repleksiyon ko sa salamin tapos ay sumimangot ako rito nang maisip ko na namang ang mga negatibong bagay.
I hate being so negative! Pakiramdam ko isa itong toxic na attitude na tinataglay ko minsan kaya pinipilit ko talagang maging positive sa lahat ng bagay.
Kaya naman self, please cooperate with me.
I breathed heavily before getting out of the Comfort Room.
Naglakad ako pabalik sa classroom at bumabagabag pa din sa akin ang nangyari kanina.
Pakiramdam ko, sumuko na lang ako bigla kanina which is really unusual for me kasi hindi naman talaga ako sumusuko ng ganoon-ganoon lang kaya sobrang naiinis ako sa sarili ko minsan.
Huminga ako ng malalim bago ko hinawakan ang knob ng pinto ng classroom namin.
Nabigla ako nang biglang bumukas ang pinto at kaagad namang nabangga ang ulo ko rito.
"I'm really sorry. Okay ka lang ba?" Napatango lamang ako sa nagsalita. Pero ang totoo ang sakit talaga ng noo ko dahil sa lakas ng impact ng pinto.
Dadaan na sana ako sa gilid niya nang bigla ako nitong hablutin sa kamay at hinila pabalik sa labas saka tiningnan ang noo ko.
Nakayuko lamang ako pero naiinis ako ng sobra sa taong ito na bumangga sa akin!

YOU ARE READING
Chasing The Hero
Fiksi RemajaPaige Ava Sandoval, an 18 year old girl who is madly, deeply in love with a boy she met from 8 years ago. She considers him as her hero. For eight years, she waited for him to come back and never loved anyone else besides him. And when he returned...