Chapter 15

58 5 0
                                    

Ashika's POV

"Akala ko pag balik mo sa school, akala ko magsusumbong ka kay dean dahil sa lahat lahat ng pambubully ko sayo. Pero hindi iyo  nangyari, sa halip parang wala lang sayo yung nangyari. I'm so stupid natapunan mo lang ako ng pagkain pero kung ano ano na ginawa ko after that. Di ko naisip na mas malala pa pala yung ginawa ko sayo. " sabi niya habang walang mababasa na emosyon sa mukha niya, nginitian ko lang siya. Marami rami na rin kaming nalaro kaya naman nakakapagod na. "Kapag nag babackhand ka, kailangan mong tantiyahin ang papatakan ng bola mo. Para hindi mag outside or mag netball. Just like this one" sabi niya at tsaka minwestra sakin kung pano gawin. "Try it"

Ginawa ko ito. Actually, marunong naman ako kaso medyo nahihirapan lang talaga ako pag nag ssmash na gamit tong backhand. Madaling mahulaan kung hindi ka marunong sumalo ng bola gamit ito. Kaya kailangan talagang matutunan, salamat naman at tinulungan ako ni Minrod. Si kuya Ashley kasi inis na inis akong turuan eh! Pag nagkamali, papalusutin agad ako sa ilalim ng lamesa bilang parusa. Sadista.

"May sakit ka pala sa puso?" tinanguan ko lang siya. "Buti na lang at hindi ka nila pinapabayaan na mag laro. Kahit papano ay nakakapagod maglaro nito."

"Di naman. Tsaka gusto ko talaga eh"

Tumango lang siya

"kuha lang ako ng tubig. Don't worry, wala akong ibang kukunin sa bahay niyo. Mas magaganda gamit namin dito."

Hinayaan ko naman siya dahil MAS MAGAGANDA NAMAN DAW ANG GAMIT NILA DITO. Aaminin kong lahat ng ginawa niya ay nabubura ngayong mabait siya sakin sa oras na to. Hindi ko akalain na makakausap ko siya ng ganito kahit na panay mura siya.

Ang tagal naman niya kumuha ng tubig?

Bumaba naman ako at nakita ko siyang tulala sa ref namin. Kaya agad ko itong kinalabit at para naman siyang nakakita ng multo.

"Hinihila ang pintuan ng ref hindi tinititigan. Di yan kikilos papunta sayo"natatawang sabi ko, at kumunot naman ang noo niya

"Shut up" inis niyang sabi. "I have to go. May kailangan pa akong gawin samin. " sabi niya at tinalikuran na ako, kaya naman pumunta na ako sa kwarto para mag pahinga.

"hello?"

"Hi sis, how was it? kamusta review niyo ni Minrod? Sumabog ba bahay niyo ha?"

"Shut up. Mabait naman"

"Pano ba yung mabait sayo? Yung sasaksakin kaa? Lahat naman mabait para sayo eh, hmp"

The awful revengerWhere stories live. Discover now