Ashika's POV
Uwian na at nagpaalam na ako kila Mark na uuwi na. Ayokong sabihin sa kanila na nagtatrabaho na ako, dahil ayokong mag alala sila. Di naman ako nahirapan magtago ng sikreto ko dahil sinabi rin daw sa kanila ni kuya Ashley na ok daw ako sa bahay. Buti daw at napatawad ko na sila. Mas mabuti na rin na malayo ang loob ko sa mga taong mahal ko, para incase of emergency.
Pumunta na ako sa pinagtatrabahuhan ko at laking gulat ko ng wala si Minrod dito. Napansin ko rin kanina nung nagsorry si Mark sakin ay lumabas siya at di na ulit bumalik. Si Jigz ang nagdala ng gamit niya. Ano kayang problema ng mokong na yon? Well, gusto ko naman siyang tulungan kaso may trabaho pa ako
Natapos ang trabaho ko at naging madali lang ako at maaga pa akong nakauwi kasi sabi nung manager namin ay maunti lang naman daw ang tao ngayon. Kaya maaga kaming nagsara.
Pumunta na ako sa condo nagbihis na at nagluto ng noodles. Ayoko mag kanin ngayon eh. Busog pa rin kasi ako e, pinakain kasi kami ng manager namin eh.
Nung naluto na ay kumain na rin kaagad ako para makapagpahinga na. 5 ng umaga na ako nung nagisinh, hindi ko alam kung bakit ba maaga akong nagising pero bumangon na rin ako para maaga akong makapasok.
Faith texted me.
From: Faith
Goodluck:))Nalito ako nung nag goodluck siya. Ano bang meron? Sa gitna ng pagtataka ko ay si Mark naman ang nag text kasunod ay si Christian
From: Christian
Goodluck Ashi, we got u always:))Hatdog sila. Pagkabihis ko ay dumeretso na ako sa kotse ko at nagpunta sa school
"Ashika, kamusta? Nag ready ka ba sa debate niyo mamaya?" nakangiting tanong ni Althea at napatingin naman ako kay Minrod na walang reaksyon ang mukha.
"Bakit di mo sinabi?" tanong ko kay Minrod
"You're being irresponsible, bakit ko kailangan sabihin sayo? Bakit ba nakalimutan mo eh kakasabi lang ni Miss nung isang araw? "sarkastiko niyang sabi na ikinakunot ng noo ko, bumalik ata yung Minrod na nakilala ko.
"I don't understand you. Alam mong may trabaho ako. Malamang ay makakalimutan ko na yon"
"May trabaho ka?" napalingon ako nung bigla kong narinig ang pagtatanong ni Faith. "Why?"
"Yes, please let's talk about it next time"
"No, bakit di mo sinabi?" tanong ni Christian, napatingin ako okay Mark pero nginitian niya lang ako..
"Actually guys, nalaman ko na to. One time nakita ko siya sa cafeteria malapit sa school. And then, nung nakaalis na siya sinundan ko siya at nakita kong pumasok siya sa condo malapit lang dito sa school. Don ko nabuo sa isipan ko na lumayas siya sa bahay nila, at nagtrabaho. Wala tayong kailngan pag-awayan dito. We just need to support her" paliwanag ni Mark sakin at halata namang walang nagawa sila Christian at Faith.
YOU ARE READING
The awful revenger
RandomTungkol ito sa isang nerd girl who turned into unexpected one. (This is just a fiction. Walang katotohanan ang storyang ito, at kung may pagkakatulad sa ibang story ay HINDI KO PO SINASADYA)