Chapter 28

45 2 0
                                    

Ashika's POV

Napatulala ako sa sinabi ni Mark, pero wala akong ibang nagawa kundi ang tumalala na lang at makonsensya. Hindi ko namalayan ang pag lipas ng mga araw at natagpuan ko na lang si Minrod na umiiwas sa akin, sa tuwing may mga activities kami na, kami dapat ang magkapareha ay hindi siya sumasang ayon, sa halip ay nakikipag palit na siya kay Mark.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, totoo bang nahuhulog na rin ako sa kaniya?

"Ashi? Bakit parang kakaamin lang sayo ni Minrod, eh iwas naman siya ngayon? May napag-awayan ba kayo?" nagkibit balikat naman ako, dahil ayokong mag kwento, gusto kong makumpirma ang nararamdaman ko, at sa katotohanan ay kung mayroon man ayokong ipagpatuloy ito dahil may masasaktan ako.


Mark, ngayon pa lang gusto ko na humingi ng tawad sayo.



"Mark, Can we talk?" tanong ko sa kaniya at agad naman itong tumango


"What is it?"

"I want to ask something"

"Yeah, go"

"Kailan mo nasabi na gusto mo na nga ako? " tanong ko at natigilan naman siya

"Since elementary ata? Well, hindi ako siguradoNatagpuan ko na lang yung sarili ko na gusto kita laging kausap, gusto kita laging kasama, gusto ko laging masaya ka, gusto ko tumatawa ka parati lalo na pag kasama kita. Ayoko ng may sama ka ng loob sakin, ayoko ng iniiwasan mo ko " paliwanag niya. "Haha I thought I already told you this one" sabi niya at naalala ko naman ito pero di ko na iyon pinansin

"Bakit ako?"

"I like you as who you are. Pinapakita mo kung sino at ano ka talaga. That made me fall inlove with you" sabi niya at hiniling ko na lang na sana ay hindi ko na siya tinanong tungkol sa lagay na ito.

"Ahh"

"Are you falling that deeper?" he asked

"Nah, Wala kasing kagusto gusto sakin. "

"Tch. Gotta go. Take care" sabi niya at hinawakan pa ako sa ulo.

Lumipas ang maraming araw at hindi pa rin talaga ako pinapansin ni Minrod. Ano ba kasing ginawa ko? Dahil ba to sa mga nasabi ko, or he didn't mean every words he told me before? Aigoo, what should I do?

"Excuse me" halos mapatalon ako ng magsalita si Minrod sa likuran ko

"Ahh yes?" tanong ko

"Anong yes? You're blocking my way, miss"   sabi niya at kumunot naman ang noo ko

Did he call me Miss? Too formal. Tch.

Masyadong stressful ang araw na ito, dahil malapit na rin ang periodical exam namin. Hindi ko alam ang uunahin ko dahil may mga projects and activities rin na dapat kong gawin aside sa pagrereview, I can't focus, hays. May trabaho pa ako.


Napasulyap ako sa paligid ko, at halos ako na lang ang naiiwan dito sa school. Nandito ako ngayon sa library para mag research ng mga dapat kong gawin. Yung librarian ay nasa office, kasi may meeting sila with dean.

"Busy?" natigilan ako sa pag susulat ng magsalita si Minrod sa harapan ko. Bakit ba lagi na lang to nanggugulat?

"Ah yeah" tipid kong sagot

"How's your work? I'm still your boss and I heard your always late. Shall I fire you ? " nakangisi niyang tanong at napatitig naman ako sa kaniya.

"Is it about our last talk? tanong ko pero napangiwi lang siya

"Hey, don't take it personally. I'm just kidding."

"It's not funny"   sabi ko at nagpatuloy na sa pagsusulat. Pero naiilang ako sa presensya niya kaya naman muli akong tumingin sa kaniya. "Why are you suddenly here? Bukod sa pag iwas at biglang pagsulpot ano pa gusto mong gawin?"

"Looks like, you really are affected. Di ako nagkamali sa pagpili ng kaibigan" nakangisi niyang sabi

"What are you trying to say?"

"Hahaha. Nothing. Are you affected? "

"No"

"Ahh yeah. Wala ka nga palang pakialam sakin" sabi niya at tipid siyang ngumiti, aalis na sana siya ng hawakan ko siya sa braso.

"Wag.. " hindi ko makapa ang sasabihin ko!! "Wag mo kong alisin sa trabaho" napapikit ako sa sinabi ko sa kaniya, hindi ito ang ninanais kong sabinin pero dahil sa katangahan ko ay ito ang nasabi ko.

"Yeah, oo naman. Don't work for today, you need to rest."  sabi niya at tuluyan na niya akong tinalikuran

Agad kong kinuha ang cellphone ko ng bigla itong mag ring.

"Hello Minrod?" magiliw kong sagot sa tawag

"what the fuck? I'm not Minrod. This is fucking Ashley. Your... your kuya"

"I'm sorry, maybe this is wrong number. I don't have family."

"Ashika, listen to me. Just this one."

"What is it? "

"Your mom" mahina niyang sabi

"My mom?"

"The real one"

"What about her?" kunot noo kong tanong

"She's here in the Philippines" sabi niya at agad akong napatulala. Hindi pumapasok sa isip ko lahat ng sinabi niya.

My mom, why did you left me?

I received kuya's message but I didn't read it at all, wala akong magawa kundi tumulala. Wala akong maisip na dapat kong gawin kahit na kanina lamang ay hindi ko na maintindihan ang dami ng aking gawain.

Kinakabahan ako sa di ko maipaliwanag na dahilan. Natagpuan ko ang sarili ko na inilalagay ang mga gamit ko sa bag ko ng walang kaayos ayos. Kung dati ay pino ang pagkakalagay nito, ngayon naman ay walang kasing gulo at parang sinalanta ng bagyo ang loob ng bag ko. Well, it doesn't important anymore.

Di ko na namalayan ang sarili ko ng papasok na sana ako ng kotse pero  biglang may tumakip ng bibig ko at agad na nanlabo ang paningin ko.


The awful revengerWhere stories live. Discover now