Chapter 48

49 2 2
                                    

Minrod's POV

"Nasasaktan din naman ako ah?"

"Pero ikaw ang gumawa ng ikakasakit niyo pareho. Kung nasasaktan ka, wala ka ng pwedeng sisihin kung hindi ang sarili mo"

"I know"

"Pero alam mo? Umaasa rin akong magkakabalikan kayo. " nakangiti niyang sabi habang nainom.

"Sa tingin mo magkakabalikan pa kami?"

"Siya lang ang makakasagot niyan kuya. Tinext mo ba siya? Simula nung naghiwalay kayo?"

"Oo nga no? Nakalimutan ko"

"Yeah. Wag mo na ring balakin, dahil di na yun magrereply sayo, nag iba na yun ng number." sabi niya at bumuntong hininga.

Pero tinext ko pa rin siya.

To: Babe

Babe, please forgive me. Alam kong mahirap, alam kong tanga ako, tatanggapin ko lahat ng masasakit na salita, magkaayos lang tayo. Babe, I want you back. I want you to stay. Am I being selfish? Again? Miss na miss na kita, babe. Gusto ko na yakapin ka, I want to kiss your forehead. I want you to need me. I want you to love me, again. Babe. I'm sorry



Ashika's POV

"Sigurado ka na bang lilipat ka na?" tanong sakin ni Mark. Nakikita ko ang itsura niya kahit tawag lang naman ito.

"Yes? Sa tingin ko." tipid kong sagot

"Did you tell her? I mean, nasabi mo na ba kay Faith?"

"Why would I?"

"Come on, Ashika"

Flashback

Nasa kalagitnaan ako ng pagmumukmok ng may biglang kumatok. "Ashika, Can I come in?" Si Mark. Ngayon lang siya dumalaw. Di ko naman hinihintay, napansin ko lang.

"Why?"

"Let me in"

"Ok"

"Kwento mo" nakangiti niyang sabi at umiling naman ako. "Tell me"

Kailangan ko ng taong mapagsasabihan. At alam kong mapagkakatiwalaan ko siya sa bagay na ito.

Kinuwento ko sa kaniya. LAHAT. Lahat lahat ng sinabi sakin ni Patricia. Hindi ko nanaman napigilan ang pag iyak. At nakita kong kumuyom ang palad niya.

"Mark, ang sakit kasi.. pinagkatiwalaan ko siya. Pero sasaktan niya lang pala ako"

Doon siya nagsimulang magkwento, ilang beses niya ng nakikita si Patricia at Minrod sa mall. Kinausap niya ito nung panahon na nakita ko si Minrod na may pasa sa mukha nung lumabas sila. Akala ko....

The awful revengerWhere stories live. Discover now