Minrod's POV
Nakita ko ang pagod sa buong mukha ni Ashika, kaya naman hinayaan ko na siyang makatulog sa sofa. Marunong naman ako magluto kaya ipagluluto ko na siya. Binuksan ko ang ref niya at nakita kong marami pa itong laman, pero wala na ditong gulay. Puro pang prito na lang. Kinuha ko ang manok dito para magluto ng adobo.
Tsk. Ang payat mo na wala pang sustansya katawan mo.
Pagkaluto ko ay agad akong lumapit sa kaniya para sana gisingin siya. Pero nang maupo ako sa sahig katapat ng mukha niya ay agad akong napatitig dito. Inalis ko ang salamin niya at pinatong sa center table.
Hindi gaano kakapal ang kilay niya, ang mata niya ay hindi rin ganon kalaki, sakto lang. Ang ilong niya ay matangos pero hindi ganoon katangos, ang ganda ng pagkaliit ng labi niya.
Hinawi ko ang ilang pirasong buhok na nakalagay sa mukha niya at tinitigan mabuti ang mukha niya.
Maganda ka sana kung marunong kang mag-ayos.
I like your imperfections.
Agad naman akong napatayo sa naisip ko. Kinalabit ko siya at matagal bago ko siya nagising. Nung sinabi kong kakain na ay tumakbo siya papunta sa lamesa, napangiti naman ako. Pero nawala ang ngiti ko nung kumunot ang noo niya at nung hindi niya ginalaw ang pagkain na nasa harap niya.
"Why?" tanong ko
"B..Baka kasi may sili ulit?" utal niyang tanong at napatawa naman ako.
"Wala yan. Una na ako " sabi ko at tsaka siya tinalikuran
"Minrod" tawag niya sa akin, at nilingon ko naman siya. "Kumain ka muna."
"Wag na, samin na lang ako kakain" sabi ko
"please? Hindi rin kasi ako ganon kasanay kumain mag isa. Lagi ko kasi sinasabayan si yaya eh" nakatungo niyang sabi, kaya umupo na ako sa harapan niya agad namang sumilay ang ngiti niya kaya napangisi ako
"Bat di mo na lang sabihin na miss mo na ako kaagad"
"Tch, ewan ko sayo."
"Kamusta kayo ng mga kaibigan mo? " tanong ko at agad naman siyang ngumiti ng malaki
"okay na kami. Actually matagal nanaman na ok sakin eh. May dahilan lang ako kaya naiwasan ko sila." sabi niya
"Ahh, how about your family?" nawala ang ngiti sa labi niya ng marinig ang tanong ko
"Hindi ko kilala ang totoo kong pamilya. At yung tinuring kong pamilya? siguro maayos naman sila. Yun naman yung gusto nila dati pa eh yung wala ako. " malungkot niyang kwento
YOU ARE READING
The awful revenger
RandomTungkol ito sa isang nerd girl who turned into unexpected one. (This is just a fiction. Walang katotohanan ang storyang ito, at kung may pagkakatulad sa ibang story ay HINDI KO PO SINASADYA)