Ashika's POV
"Ashi, hinahanap ka ng iyong juwa" nakangising sabi ni Christian,at kunot noo naman akong tumingin sa bintana at nakita ko siya sa labas, naka shorts at nakasando lang, pero ang lakas ng dating. Nakasandal siya sa poste at nakatingin sa malayo. Nakakunot ang noo, lumabas naman ako at tinitigan siya, pero di pa rin siya tumitingin sakin, lumingon naman ako sa tinitingnan niya at wala namang tao don.
"Hi" bati ko pero di pa rin siya lumilingon "Babe"
"Ayy babe" gulat niyang sabi at tsaka lang lumingon sakin "Kanina ka pa jan?"
"Ano tinitingnan mo?"
"Huh? Wala" sabi niya at nginitian na lang ako ng tipid
"Okay, pumunta ka ba dito dahil gusto mo lang tumitig don? Kita naman yan sa kwarto niyo" malamig kong sabi at kumunot naman ang noo niya.
"What?" naguguluhan niyang tanong pero sa halip na sagutin ito ay pumasok na lang ako sa loob ng kwarto
"LQ?" tanong ni Mark
"Hindi no" tanggi ko at bumalik na sa pag aayos ng mga gamot na iniinom ko
"Tawag ka ni Minrod" dagdag pa niya at tsaka pumasok na sa CR
"Why?" tanong ko kay Minrod at tumingin nlang siya ng deretso sa mata ko
"Let's swim"
"Bawal ako magbabad sa gabi. Sumama lang naman ako kasi gusto ko lang rin makipag bonding sa mga kaklase natin. " seryoso kong sabi
"Babe, sorry na" sabi niya at tsaka ako niyakap, kumalas naman ako agad at papasok na sana ulit sa loob pero hinawakan niya ako sa kamay.
"Wala yun babe. Ayoko lang talaga mag swimming"
"Babe"
"Hay nako, Okay. " sabi ko at ngumiti nman siya ng malaki
Pumunta kami sa pinaka malapit na pool sa room namin at nag simula na mag langoy. Ang suot ko ay rash guard at siya naman ay naka short lang at nakasando. Sabi niya kasi ay maghuhubad na lang siya pero pinigilan ko siya.
Dumating ang iba naming kaklase at agad naman nila kaming pinaunlakan ng mga pang aasar
"Badtrip, akala ko solo kita" sabi niya atsaka umirap sa mga kaklase namin
"Tch. Sama naman ng ugali mo"
"Mas masama ugali mo, mas gusto mo kasama si Mark sa kwarto kesa kasama ako " nakanguso niyang sabi at napamaang naman ako sa gulat
"Hoy! Si Mark, matagal ko na kasama yon matulog sa isag kwarto pero ibang kama! Elementary pa lang kami lagi na kami magkakasama kaya komportable na ako " sabi ko at kumunot naman ang noo niya
YOU ARE READING
The awful revenger
RandomTungkol ito sa isang nerd girl who turned into unexpected one. (This is just a fiction. Walang katotohanan ang storyang ito, at kung may pagkakatulad sa ibang story ay HINDI KO PO SINASADYA)