Continuation of flashback
"Ititigil ko na yung plano. " sabi ko
"Bakit? Ilang linggo pa lang ah? Pinayagan ka na ngang manligaw eh" seryosong sabi ni Hailey.
"Wag mo sabihing nahulog ka na talaga?" nakangising sabi ni Jigz.
"Yeah" seryosong sabi ko at lahat naman sila sumeryoso.
"What!?" sigaw nila sakin.
"Anong what? " nagtataka kong tanong
"Bakit ka naman nahulog?" inis na tanong ni Hailey
"Hindi ko rin alam okay?" inis na tanong ko.
"Makakaya mo bang sabihin sa kaniya na nauna mo siyang itrip bago ka mahulog?" seryosong sabi ni Althea at tsaka nagiwas ng tingin.
"Tskaa ko na iisipin ang bagay na yan."
Pero muling dumating si Patricia. Si Patricia ang nakakasama ko sa tuwing hindi ko nasisipot si Ashika. Hindi ko alam, hindi ko ramdam na nakikita niya kami. Napakatanga ko. Wala akong narinig na galit at sumbat sa kaniya.
Ang tanga ko na nagpadala ako kay Patricia. sabi niya kasi ay kapag di ako sumunod sa mga gusto niya ay siya mismo ang mangunguna na sabihin sa kaniya ang lahat lahat ng kagaguhan ko. Kung sinabi ko lang sana sa kaniya ng maaga edi sana ay hindi umabot sa ganito.
Mahal na mahal kita, babe. Sa tuwing sinasabi ko sa kaniya yan ay gustong gusto ko na sabihij sa kaniya ang lahat. Pero natatakot ako na baka hindi na niya ako tanggapin.
Sa tuwing nakikita ko ang mga mata mong masaya, natatakot na akong sabihin sayo, dahil ayokong makita kang umiyak.
Pasensya na, babe. Napakaduwag ko.
"Pwede ba tayong mag usap Minrod?" seryosong sabi ni Mark
Kinabahan ako, nakita ko siya kahapon sa mall. Hindi ko alam kung nakita niya kami ni Patricia. Lumabas ako at sumunod naman siya.
"Sino yung babaeng kasama mo?" kunot noo niyang tanong.
"My friend" tipid kong sagot.
"Oh really? Parte pala ng pagkakaibigan niyo yung magkahawak ang kamay niyo at niyayakap ka niya? Wait, this isn't the first time I saw you together. Friend huh?" nakangising sabi niya
"Wag mong bigyan ng ibang kahulugan yun" seryosong sabi ko, at pilit na nilalabanan ang kaba ko.
"Okay, then what if makita mo kaming ganon kasweet ni Ashi? At sabihin ko sayong 'Wag mong bigyan ng ibang kahulugan yun' huh?" nakangisi pa rin niyang tanong
"Don't you dare." seryoso ko pa ring sabi
"We're just friends, Minrod"
YOU ARE READING
The awful revenger
RandomTungkol ito sa isang nerd girl who turned into unexpected one. (This is just a fiction. Walang katotohanan ang storyang ito, at kung may pagkakatulad sa ibang story ay HINDI KO PO SINASADYA)